Bed 8

71K 1.1K 35
                                    

Pia's POV

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at nasamyo ko ang amoy ng ospital. Bigla akong binundol ng kaba at napahawak sa akin tiyan.

"Ang baby ko." kinapa ko ito at ganoon na lang ang pagluwang ng dibdib ko nang maramdaman pa din ang umbok roon.

Napaikot ang mga mata ko sa paligid at puro puti lamang ang nakikita ko ngunit ang nakakapagtaka rito ay nasa isa akong pribadong kwarto na halatang mamahalin ang mga mwebles sa paligid.

Kahit nahihirapan pa din akong kumilos ay dahan-dahan akong umupo sa kama habang inaalalayan ang tiyan ko. Narinig ko naman ang pagbukas ng pintuan kung kaya't napalingon ako doon.

At ganoon na lamang ang pamumutla ko at panlalamig ng mga palad ko nang masilayan ko ang kahuli-hulihang tao na gusto kong makaharap.

Mataman itong nakatitig sa akin at ramdam ko ang lamig ng mga matang iyon na pilit humahalukay sa kaloob-looban ko.

Napalunok ako at pinili na lamang na iiwas ang mga tingin rito.

"B-bakit ka nandito?" pinilit kong hindi pumiyok at hinawakan na lang ang aking tiyan.

Mahabang katahimikan ang pumailanlang sa paligid bago ko narinig na magsalita ito.

"Why did you hide it from me?" ramdam ko ang galit sa bawat salitang binibitiwan niya at hindi ko maiwasang taasan siya ng kilay. Ang kapal talaga ng mukha ng hudas.

"At ano naman ang itinago ko sayo?!"

"ABOUT THE BABY!" sigaw nito na kulang na lamang ay ikadagundong ng buong kwarto na ito.

Nagtagis ang bagang ko at pinanlisikan ito ng tingin. Kung kanina ay takot ang nararamdaman ko nang makita ko siya, ngayon ay sobra sobrang galit at inis dahil sa paghahalo ng mga emosyon ko.

"AND WHY WOULD I TELL YOU ABOUT MY BABY?!" ganting sigaw ko dito habang hinihimas ang aking tiyan.

'Sorry baby. Ayokong ma-stress ka kaya sleep ka muna diyan sa tummy ni Mommy ha? Magiging ayos din tayo, okay? Haharapin ko lang ang walang modo mong ama.'

Nanlilisik din ang mga mata nito at bigla na lamang akong hinaklit sa kaliwang braso ko.

"Kaya pala hindi ka nagpapakita sa akin nitong mga nakaraang buwan?! Is this the fucking reason why you were so desperate to break our agreement because you already found another man who can fuck you and got you pregnant?!"

Hindi ko na napigilan pa at umigkas ang kanang palad ko sa pisngi niya. Nanginginig ang mga laman ko at ramdam ko ang paglandas ng mga luha ko sa pisngi.

"Ang kapal ng mukha mo." nanghihinang wika ko ngunit puno ng hinanakit.

Lalo nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko pero iniwasan ko ang mapangiwi. Kailangan kong maging matapang. Kailangan.

"Wala akong dapat i-explain sayo dahil unang-una hindi kita kaano-ano. Ni wala nga tayong relasyon diba? At ano ang ipinuputok ng butsi mo diyan?! Tang ina mo ba talaga?! Hindi ba at napunta na naman sa iyo ang babaeng mahal na mahal mo? so bakit kailangan ko pang manatili sa buhay mo at magpakagaga kung makakahanap naman ako ng iba pang lalaki?"

Natahimik ito pero kita ko ang lalong pagsidhi ng galit sa mga mata nito. Hindi ako magpapaapekto sa kanya dahil kahit anong gawin niya pa, kahit lunukin niya lahat ng sampalok sa mundo, hinding-hindi ko sasabihin sa kanya na ama siya ng nasa sinapupunan ko.

"Alam mo Wage, umalis ka na. Siguro mas mabuti na din na nabuntis ako ng ibang lalaki para magising naman ako sa katangahang pinaggagagawa ko sa mga nakalipas na taon. Nakakasawa na din kasi eh. Nakakasawa ng sumiksik sa buhay mo at hindi malaman kung saan lulugar. Nakakasawa na magpaka-gaga at magpagamit sayo lalo pa at hindi ka naman importante sa buhay ko."

Lascivious Series #2: Playmates in Bed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon