Bed 20

66.2K 1.1K 59
                                    

Pia's POV

"What are you talking about?!" bigla akong binundol ng kaba at halos hindi ko maramdaman ang mga paa ko.

Lalong lumawak ang pagkakangisi nito at inilapit pa ako lalo sa kanya. Bigla nitong inilapit ang kanyang labi sa puno ng tenga ko at bumulong.

"Remember the papers that I wanted you to sign, 3 years ago?" at parang bumaha ang mga ala-ala ng nakaraan.

Magang-maga na ang mga mata ko kakaiyak dahil sa natanggap kong tawag galing sa tauhan ni Wage. Hindi ko alam ang mararamdaman ko nang malaman kong hindi pa din maayos ang lagay nito.

Gusto ko man itong lapitan o puntahan ay hinaharangan na ako ng kapangyarihan ng walang hiyang Wage na iyon. Hindi ko maiwasang pag-sisihan ang mga desisyong nagawa ko. 

Ang bilis nga naman ng karma at heto ako ngayon, nagmamaka-awa na sana man lang ay kahit makita ko man lang ito ng ilang minuto at mahagkan siya.

Napapunas ako ng mga luha ko nang makita ko na paparating ang abogado ni Wage. Hindi na ako nag-abala pa na magpakita ng respeto dahil kabilang siya sa mga galamay ng lalaking yun.

"I will tell this to you straight to the point, Ms. Accosi. My client wants you to sign these papers for some formalities about seeing your son for once." napakunot ang noo ko rito.

"Para saan pa? Tarantado ba iyang lalaking iyan at kailangan pang pumirma sa isang dokumento para lang makita ng isang beses, isang beses ha?! Ang sarili kong anak?!" halos lumabas na ang litid ko sa sobrang galit na nararamdaman ko.

"I'm sorry, Ms. Accosi pero sinusunod ko lamang ang utos ng kliyente ko at kung sakaling ayaw niyong pumayag ay maaari naman po kayong umatras."

"Meron din po siyang inaasikaso na restraining order laban sa inyo kung sakali man na hindi po kayo din makipagkasundo ng maayos sa gusto ni Mr. Schneider."

Napatiim bagang na lang ako at hindi ko maiwasang mapakuyom ng kamao sa mga salitang lumalabas sa bibig nito. Lalong nag-init ang sulok ng mga mata ko pero hindi ako kailanman nagpakita ng kahit anong kahinaan.

Napapikit na lamang ako at nag-desisyon para lamang sa kakarampot na oras para sa sarili kong anak.

"Give me those damn papers." malamig na wika ko na agad din naman niyang iniabot sa akin.

Ni hindi ko na nga ito nagawang basahin pa at pinirmahan na lang basta-basta ang mga itinturo niya.  Siguro naman ay maayos ang mga bagay nakalagay roon.

NAGMAMADALI ko itong itinulak palayo sa akin at hindi makapaniwalang tinignan ito. 

"How dare you." iyon lamang ang mga salitang namutawi sa akin bibig habang tinitignan ito ng sobrang pagka-muhi at pagka-uyam.

Prente lamang itong namulsa at tinignan ako na para bang isa akong malaking kakatwa.

"I told you, I can get whatever I want without you even noticing it." tumawa pa ito ng mapang-asar kaya lalong hindi ko maiwasan ang mainis rito.

"Fuck you!" nanggigigil kong sigaw rito at napakuyom ng mga palad.

"Oh really? Well, I would really love to fuck you all night long and make you pregnant again with another twins." malademonyong ngumiti ito habang papalapit.

"Ang kapal ng mukha mong walang modo ka! Do you really think you can control me?! Well, sorry to pop your bubbles Mr. Schneider. Makukuha ko din ang anak ko sayo at sa oras na mangyari iyon ay pagsisisihan mo ang lahat."

Sumeryoso ang mukha nito at para bang may bomba ulit itong isasabog sa akin ngayong gabi. 

"You can't even do something about that. I have the custody of our son, remember? Kung hindi ako nag-kakamali ay pinirmahan mo iyon kasama ng marriage contract natin at isa pang papeles na magpapatibay ng kakayahan kong gawin ang mga imposible sayo na posible." patuyang wika nito na lalong nagpa-sidhi ng galit ko.

Lascivious Series #2: Playmates in Bed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon