Bed 18

63.9K 1.1K 19
                                    

Pia's POV

"Mommy! Wake up! Bilis na po! Sabi niyo po, pupunta po tayo kay nila Tito Warren eh." niyugyog pa ako nito ngunit sadya nga atang antok na antok pa ako para bumangon sa kama.

"Hmm.. 5 minutes pa muna, baby girl." inaantok na wika ko rito at itinalukbong ang unan sa mukha ko.

"Okay na nga po. I'll go downstair na po." naramdaman kong bumaba na ito ng kama at lumabas ng kwarto.

Akala ko ay tuluyan na talaga akong makakatulog nang may biglang dumagan sa likuran ko. Hindi ko maiwasang mapatili at pilit na pinaaalis ang taong iyon sa likod ko.

"PALOMAAAA! Wake up, sleepy head! Remember, It's Warren's birthday today! We will help pa to cook kaya tumayo ka na dyan!" lalo pang dumagan sa akin si Yell at hindi ko maiwasang mabuysit.

"Putcha! Umalis ka nga diyan sa likod ko, Yell! Utang na loob! " tinawanan lang ako ng demonyita ngunit maya-maya din ay gumulong ito sa tabi ko.

"Bakit ka ba nandito?! Nasan ba ang asawa at mga anak mo?" nayayamot na tanong ko dito habang umaayos na upo.

"Oh come on, alam mo kung gaano kabaliw sa akin ang asawa ko kaya nandyan siya at nagluluto ng almusal natin. Kalaro naman ng babies ko ang anak mo."

Napataas ang kilay ko rito.

"Wow ha. Feel at home kayo masyado. Doon ka na nga." mataray na pagtataboy ko dito habang tinutulak-tulak siya.

"Before I forgot! Anong kamalditahan ang pinairal mo noong isang linggo sa engagement party ni Simon? My gosh! You just slap our dear sweetie friend, Xiara!" nanlalaki pa ang mga mata nito.

"She deserves it. Napaka-gaga talaga kahit kailan! Pasalamat nga siya at ayun lang ang ginawa ko sa kanya. Aba! Sayang ang red gown ko ng gabing iyon para lang gumawa ng eksena."

Hinatak nito ang buhok ko at sinamaan ako ng tingin. Sinuklian ko din ito ng matalim na tingin.

"All of us naman ay talaga namang natural ng gaga! Like duh! We're friends! Ano pa nga bang aasahan mo diba? Atsaka ikaw ba, ano ng balita sa mga plans mo?" nangalumbaba pa ito.

Napabuntong hininga na lang ako at humalukipkip.

"Honestly, wala akong ibang maisip para makuha ang anak ko nang hindi nagtatagpo ang landas namin ng lalaking iyon. I know that he knows where I am right now pero pareho lang kaming nag-iisip kung paano masalisihan ang isa't isa. I am just really thankful na hindi nakikisali ang mga kaibigan niya sa gulo namin, if ever nga na alam nila especially sa asawa mo." nginisian ako nito at umayos ng upo.

"As a matter of fact, I have my control over my husband. Sa atin siya kakampi, but sadly to say din na may part na ayaw talaga niyang makielam no matter what happen."

"Hayaan mo na. Basta hindi lang kami magkikita ng lalaking iyon ay ayos na ako. I just want to get my son without fighting with him."

"You can do it, Pia. Sa sobrang dami ng pinagdaanan mo without telling it to us noon, I am so proud of you. Let's just pray for your aspiration."

Nauna na itong bumaba samantalang ginawa ko muna ang mga routine ko sa umaga. Pagbaba ko ay naabutan ko ang anak kong masayang tumatakbo sa sala habang hinahabol ng pangalawang anak ni Yell.

Nang mapatingin ito sa akin ay bigla itong tumakbo palapit sa akin at nagtititiling nagpakarga sa akin. Kumapit naman sa binti ko ang anak ni Yell na si Soona.

"Baby, ang dami mo na namang energy. Mamaya magta-tantrums ka na naman." natatawang sabi ko rito at pinunasan ang pawis nito sa noo.

Kinurot ko naman sa pisngi si Soona na napapahagikgik na tumakbo papuntang kusina.

Lascivious Series #2: Playmates in Bed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon