Bed 21

64.2K 1K 12
                                    

Pia's POV

"Mommy, are we going to lolo and lola's house today?" tanong ni Ingrid habang tinatalian ko siya ng buhok. Ngumiti naman ako ng matamis dito.

"Yes, Baby. Nag-tatampo na kasi sila sa atin dahil hindi tayo nagvi-visit, 2 months na daw." sagot ko rito atsaka ko naman inilagay ang mga gamit nito sa iisang bag.

"Yehey! I want to see Uncle Panget na para ibili niya ulit ako ng madaming worms and potchi." masayang wika nito habang pumapalakpak pa.

Napapailing na natawa ako rito. Paniguradong mapapasimangot na naman ang kapatid ko kapag narinig na naman niya ang pang-aasar ng pamangkin niya sa kanya. Nauuto niya lang naman kasi ito kapag ini-spoil niya kaya ayan, inuuto lang din siya ng anak ko.

Pagkatapos kong maihanda ang mga gamit namin ay agad na kaming sumibad papunta sa mansion. Habang nasa biyahe ay walang ginawa ang anak ko kundi ang kumanta ng kumanta at mangulit.

Nang makapasok kami sa loob ng gate ng mansion ay excited na isinukbit ni Ingrid ang Winnie The Pooh niyang sling bag sa balikat at nagmamadaling bumaba ng kotse. 

Napailing na lang ako. Kinuha ko na ang duffle bag sa likod at sinundan din agad ito. Naabutan ko din naman ito agad dahil sa liit nito.

Nagtitili ito nang makapasok sa loob at agad tumakbo palapit kay kuya Ivan.

"Uncle Panget!" humagikgik pa ito at hinalikan sa magkabilang pisngi si Kuya Ivan na busangot na ang mukha.

"What did I told you, little pretty?" nakakunot noo pa ito at kinurot sa pisngi si Ingrid.

"Don't call you panget, but Uncle, you always bully my mommy and Auntie Irma kaya I also bully you." natatawang wika nito at pinagkikiliti naman siya ni Kuya.

Napailing na lang ako.

"Nandito na pala ang paborito kong anak at apo." masiglang wika ni Mama na pababa ng hagdan. 

Agad itong lumapit sa anak ko at pinugpog ito ng halik bago tumingin sa akin. Nakangiti nitong iniumang ang dalawang braso nito kaya lumapit ako dito para yumakap at humalik sa pisngi niya.

"Namiss kita ng sobra, anak." bulong nito kaya napangiti ako.

"Nag-seselos na ako, Mama ha! Ako ang lagi niyong kasama, ako din ang pinakamasunurin niyong panganay pero bakit paborito niyo yang si Paloma?" nakangusong angal ni Kuya pero alam kong pabiro lang naman iyon.

Hinampas naman ng anak ko ang bibig niya kaya pare-pareho kaming natawa.

"Bad ka na naman, Uncle Panget. Dahil diyan, you will buy me another bag of worms ha!" pinandilatan pa siya nito kaya napailing na lang si Kuya.

"Halika na sa hapag kainan at ipahahanda ko na ang tanghalian sa lamesa. Parating na ang Papa ninyo at si Reena galing sa meeting. Si Irma naman ay pababa na din iyon." wika ni Mama kaya unti-unting nawala ang mga ngiti ko.

That bitch. Nandito pa din pala siya nakatira kay nila Mama at Papa? Ang kapal talaga ng mukha, kahit kailan ay sipsip pa din.

Napansin siguro ni Mama ang pananahimik ko kaya hinaplos niya ang mukha ko.

"Galit ka pa din ba kay Reena, anak? Mabait naman na bata iyon. Kung may hindi man kayo pagkakaintindihan ay ikaw na mismo ang magpakumbaba."

"I won't, Mama. I can't never accept that hypocrite bitch lalo na sa ginawa niya sa akin noon." puno ng galit ang tinig ko kaya natahimik si Mama.

Pagka-diretso namin sa hapag kainan ay ang pagbaba din ni Irma. Humalik ito sa pisngi ko at sa anak ko bago umupo sa tabi ko.

"Kamusta, Ate?" nakangiti ito na para bang may nangyari dito na nakakatuwa.

Lascivious Series #2: Playmates in Bed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon