Pia's POV
Katahimikan ang namamayani sa loob ng kotse niya at walang nangingiming magsalita ni isa sa aming dalawa. Patuloy lang ako sa paglalaro ng mga daliri ko habang nakayuko dahil ramdam ko ang intesidad ng galit o kung ano mang emosyon nito sa loob niya.
Natatakot ako dahil sa buong buhay ko na pagkakakilala sa kanya ay ngayon ko lamang nakita ang ganoong klase ng galit sa mga mata nito. Mas malala pa noong nagkaalitan kami ni Gera.
Dahil siguro doon ay hindi na ako nagdalawang isip na mag-empake at sumama sa kanya kung saan man. Sinabi ko na nga lang kay Ate Cholita na babalik na lang ako bukas para makapag-usap kami o makapag-paliwanag sa kanya na hindi naman niya kasalanan.
Paulit-ulit kasi ito sa paghingi ng tawad at dama ko ang lungkot nito. Hindi naman niya kasalanan kung tutuusin dahil siguro nga nakatakda na talaga na malaman niya ang totoo.
Kung hindi lang nito naiwan ang susi ng kotse niya sa lamesa ay panigurado din naman na hindi siya babalik at maririnig ang pag-uusap namin.
Napahimas na lang ako sa aking tiyan at napatingin sa labas ng bintana nang makita kong pumasok kami sa isang eksklusibong subdivision.
Napatingin ako rito upang magtanong ngunit parang naumid ang dila ko dahil hindi pa din nagbabago ang reaksyon nito.
Huminto kami sa harap ng malaking puting tarangkahan. Hindi ko maiwasang humanga sa ganda ng kabuuan ng bahay na iyon dahil sa pinaghalong abo at puting kulay. Modernong-moderno ang dating noon at halatang maganda ang mga kalidad na ginamit na materyales sa paggawa.
Napalingon ako sa kaliwa ko nang tahimik na bumaba si Wage ng sasakyan at nag-doorbell. Ilang sandali lang ay may lumabas na isang matanda babae at gulat na gulat na napatingin kay Wage.
Maagap nitong binuksan ang tarangkahan at bumalik naman si Wage sa kotse upang ipasok na ito sa loob.
Ilang minuto na at sumunod na lamang ako dito sa pagpasok sa loob tutal ay siya na din naman ang nagdala ng dalawa kong maleta.
"Mabuti naman Wage at naisipan mong pumunta rito sa bahay mo. Simula naman kasi ng ipatayo mo ito noong isang taon ay ngayon ka lang ulit nagpunta rito." narinig kong sambit ng matanda kay Wage na sinuklian lamang siya ng isang ngiti.
Napabaling naman sa akin ang matanda at nanlalaki ang mga matang lumapit sa akin. Bumaba pa ang tingin nito sa maliit kong umbok na tiyan at nabaling muli kay Wage.
"Naku! Sino naman ang napakagandang babaeng ito. Hindi mo man lang nabanggit sa akin na nag-asawa ka na pala hijo." masayang wika nito at hinawakan pa ako sa kamay upang ayaing umupo.
Nag-aalangan naman akong umupo sa isang mamahaling sofa na pang-isahan. Kita ko naman ang pag-seryoso ng mukha ni Wage at hindi ko maiwasang mapalunok.
"N-naku, Manang. H-hindi niya po ako asawa. Kasi, ano po, kaibigan niya lang po ako." nahihiyang wika ko sa kanya. Napatingin naman ito kay Wage kaya napasunod ang tingin ko rito.
Nakita ko ang pagtiim bagang nito at tumayo na. Ipinasok pa nito ang mga kamay sa magkabilang bulsa at seryosong nakatitig sa akin.
Napayuko naman ako at pinaglaruan na lamang ang mga daliri ko.
"Nay, just guide her to her room." simpleng wika nito at lumabas ng bahay. Napakagat naman ako sa ibabang labi ko upang pigilan ang kung anong bumabangon na sakit sa puso ko.
"Pagpasensyahan mo na siya, Hija. Simula bata pa lang ay alaga ko na ang isang iyon kaya alam kong may problema lang siya . Halika na at masama para sa iyo ang magpuyat." napatango na lamang ako at hinayaan si Manang na igaya ako paakyat.
BINABASA MO ANG
Lascivious Series #2: Playmates in Bed (COMPLETED)
RomantikPaloma Ivanna Accosi and Wage Schneider's Story "HINDI KITA PINAPUNTA RITO PARA HUMILATA LANG!" naiinis na sigaw nito kaya padabog na bumangon na lang ako. "Puta! Makasigaw ka naman dyan! Ano na naman ba ang problema mo ha? Iyong putang inang Bridge...