Bed 9

71.6K 1.2K 34
                                    

Pia's POV

"Hoy, huwag kang tumanga diyan at linisin mo na iyong pinaka-dulong table. Masyado ka atang chill diyan porket malapit ka sa may-ari." napatingin ako sa kaliwa ko at natagpuan ko ang babaeng ipinaglihi sa sama ng loob.

"Huwag mo akong umpisahan, Gera. Unang-una hindi ako nakatanga base na din sa kalalabas ko lang ng kitchen para dalhin iyong mga plato. Minsan huwag kang boba dahil sa ating dalawa, ikaw ang laging nakatanga at nagpapantasya sa ibang customer." tinaasan ko ito ng kilay at pumunta na doon sa lilinisan ko.

Nakakapikon talaga ang babaeng iyon. Buong araw niya akong binubuysit at nagpaparinig sa hindi ko pagpasok ng dalawang araw. Akala mo naman ginusto kong hindi makapasok.

Napabuntong hininga na lang ako at hinimas ang tiyan ko. Kanina pa kasi ako nangangalay sa kakalinis at para bang sinasabi na sa akin ni Baby na gusto niya munang magpahinga.

Hindi naman ako pwedeng umupo sandali dahil madami kaming customer ngayong araw at talagang mga bigatin ang madalas na kumakain ngayon. Kailangan ay walang palya dahil paniguradong mapapagalitan kami ni Yell.

Mainit kasi ang ulo nito kanina at halata naman na iyong lalaki na madalas nagpupunta dito ang dahilan. 

Pagkatapos kong linisin iyong table ay inihatid ko na sa kitchen ang mga iyon upang mahugasan na. Nakapikit na hinihimas ko ang nangangalay kong batok habang papalabas na ako ng kusina nang bigla akong bumangga sa isang matigas na bagay.

Bigla naman akong nasalo ng mga bisig na iyon na nakapagpadilat sa akin. Kulang pa ang salitang napasinghap ang reaksyon ko nang makita ko ang lalaking pilit ko ng kinalilimutan.

Nanlamig ang buong katawan ko at hindi mapakali na nagpupumiglas sa kanya. Hindi naman ako nito hinayaan makawala sa kanyang bisig at lalo lamang akong hinapit palapit sa kanya.

"W-wage... A-anong ginagawa mo dito?" naglumikot ang mga mata habang tinutulak ang matigas niyang dibdib. Hindi man lang ito natinag at ramdam ko ang mainit na titig nito na para bang binabasa ang buong pagkatao ko.

"Why? Am I not allowed to eat in this fucking restaurant, hmm?" preskong wika nito at lalo pang inilapit ang mukha niya sa akin. 

Ramdam ko naman ang pag-init ng magkabilang pisngi ko at gusto kong kaltukan ang sarili ko sa nagiging reaksyon ng katawan ko. Masyadong traydor at natatakot ako para sa puso ko.

"A-ah, Sir. Marami pa po kasi akong dapat gawin kaya kung pwede lang, distansya please." agad ko itong itinulak palayo at nagmamadaling lumapit sa bagong customer na pumasok.

Naramdaman ko naman ang pagdaan sa gilid ko ni Wage at halos mahigit ko ang hininga ko nang masamyo ko ang mabangong amoy nito. Napailing na lamang ako at itinuon ang pansin sa pagkuha ng order.

Sa buong gabi ng pagtatrabaho ko ay nakaramdam ako ng matinding pagkailang dahil sa mga tingin na ipinupukol  ni Wage sa akin. Ramdam ko kasi ang tagos nito sa akin at kung minsan pa na mapapatingin ako dito ay lantaran niya talagang sinusundan ang mga galaw ko.

Napailing na lang ako. Ano na naman ba ang problema ng hudas na ito? Ilang minuto na lang ay magsasara na kami pero nandoon pa din siya at prenteng nakaupo. Pansin ko din naman itong si Gera na panay ang pagpapa-cute kay Wage kaya lalo akong naaalibadbaran.

Peste talagang babae ito. Napakaharot! Ang sarap kurutin sa magkabilang singit. Napairap na lang ako at napailing. Huwag na lang pala at baka kasing itim ng kaluluwa niya iyong singit niya.

"Pia, pakisabihan naman iyong gwapong lalaki sa table 6 na magsasara na tayo. Alam ko naman na kanina pa siya umoorder ng umoorder at talaga naman na yummy siya pero kasi, siya na lang ang customer na natira oh." bulong sa akin ng kasamahan kong si Yana. Napatigil naman ako sa pagmo-mop at tinignan siya.

Lascivious Series #2: Playmates in Bed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon