CHAPTER 7

3.2K 125 29
                                    

CORAZON

"Wala ako'ng naaalalang pumayag ako diyan!" singhal niya kay Donny bago tumayo at nagpatiuna na sa paglalakad palayo.

Kumain lang ng balut, pagmamay-ari na daw siya nito? So, 'yun lang pala ang worth niya sa mga mata ng lalaking ito? Isang balut? 'Di man lang ginawang itlog ng ostrich para at least sosyal at mamahalin. Balut talaga?

"Corazon! You're mine now, little girl!" sigaw nito sa kanyang likod.

"Mukha mo! Ka-badtrip!" balik-sigaw niya rito.

Lumapit siya sa nagbebenta ng samalamig. Bumili siya ng sarili niyang inumin. Alam niya nang nasa kanyang tabi na niya si Donny dahil bukod sa naaamoy niya ang mamahalin nitong pabango ay laglag-panga na iyong mga nakakasabay niya sa pagbili ng inumin.

Sinimsim niya ang gulaman sa plastic cup saka niya ibinigay sa tindero ang bayad. Bumili din si Donny ng sarili nito ngunit nagpatiuna na siyang muli.

"Hey! Don't you even know how to wait?"

Impit siyang napatili nang hilahin nito mula sa likod ang neckline ng kanyang damit na parang kuting! Napahinto siya. Natatawa ito habang iniinuman ang sariling baso.

Inambaan niya ito ng sapak sa tiyan. Umiwas ito at humalakhak sa kanya. Napailing na lamang siya, "Uuwi na ako! Mukhang iniwanan na talaga ako ng mga kasama ko."

"Hatid na kita, Corazon. Masyado nang gabi. Delikado sa daan."

Pinigilan niyang matawa dahil doon, "Dito na ako lumaki at nagka-isip, Donato, at kilala ko ang lahat ng nandito. Hindi ako mapapahamak. Ikaw ang mag-ingat pauwi. Teka, saan na ba ang mga body guards mo?"

Pinamulahan ito ng pisngi sa kanyang sinabi.

Bilang anak ng isang mataas na tao sa kanilang bayan ay kinakailangan nito ng kasamang bodyguards kahit saan ito magpunta para mapanatili ang kaligtasan. Ngunit hindi niya na kailangang manghula pa para masabing hindi gusto ni Donny ang ideyang may mga taga-bantay ito'ng bumubuntot-buntot dito.

"Wala. And I don't need them. I don't need anybody. I can perfectly protect myself, Corazon."

Nag-ikot siya ng mga mata, "Edi, ikaw na."

Donny heaved a sigh like she's giving him a headache. Wow, siya pa talaga, ha? Hiyang-hiya na talaga siya dito.

Hindi na siya nakapalag pa nang magsimula na itong maglakad. Sinabi niyang hindi na siya basta-basta susunod sa mga sinasabi nito ngunit kahit ano'ng tanggi niya sa huli ay iyong gusto pa rin nito ang kanyang ginagawa.

This is really bad. Para bang nawawalan na siya ng kontrol sa kanyang sariling isip at mga kilos.

"Talaga bang ihahatid mo pa ako? Paano sina Marco? 'Yung mga kasama mo? Malay mo nandoon pa sila," basag niya sa katahimikan habang naglalakad sila ni Donny pauwi sa bahay ng Tiya niya.

"They can go home on their own."

"Ako din naman, eh." Ikaw lang talaga 'yung mapilit.

"Bakit may magagalit ba kung sakaling ihatid kita pauwi? Your boyfriend? Or...are your parents strict?" pinag-krus nito ang mga braso sa dibdib.

"H-Hindi ko naman kasama mga magulang ko sa bahay, eh," maingat niyang sinabi.

Hindi man niya tignan si Donny ay alam niyang napukaw no'n ang interes nito.

"Talaga? Bakit?" he asked curiously.

"Hiwalay na mga magulang ko. Iniwan kasi ni papa si mama para sa ibang babae. Si mama naman pumunta ng Hong Kong para mag-trabaho kaya naiwan kami ng ate ko sa pangangalaga ni Tiya Divina. Eh, kaso ang sabi sa'min may pamilya na din daw siya doon...kaya...ito..."

Falling for Mr. Wrong (A SharDon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon