CORAZON
"Ano ba naman ito, Corazon?! Hindi ka nag-iingat! Tignan mo!" nilahad ng kanyang tiya ang nadumihang bahagi ng gown ni Kristine sa kanya. Wala siyang ibang ginawa kung hindi ang mapangiwi sa taas ng boses nito sa kanya.
"L-Lilinisin ko na lang po, Tiyang. Pasensiya na po," sabi niya sa maliit na boses.
Malakas na suminghap ang kanyang tiya. Rinig niya doon ang tinitimping galit at pagka-dismaya. "Ano ba kasing pinagkaka-abalahan mo at na-disgrasya mo ito! Alam mo namang malapit na ang sagala! At alam mo rin kung gaano ka-selan ang pinsan mo! Paano kung magpumilit pa iyong magpatahi ng bago?!"
Napa-pikit siya ng mariin. Hindi eksaherada ang tiya niya. Totoo ang sinasabi nito patungkol sa kanyang pinsan. Kung gugustuhin nitong magpatahi ng bagong gown dahil lamang sa duming maaari namang alisin ay gagawin nito.
"Hindi ko lang po talaga napansin ang batong naka-usli at nadapa ako," pagsisinungaling niya.
Masyado nang galit ang tiya niya sa kanyang kapatid kaya hindi niya maaaring sabihin ang tunay na nangyari. Natatakot siyang iyon pa ang maging sanhi para sipain ito ng tiya niya paalis sa bahay nito.
Sinapo ng kanyang tiya ang noo nito sa labis na inis. Matapang ang tinging isinukli nito sa kanya at ang tanging nagawa niya ay tumayo doon at tanggapin na lamang ang galit nito.
"Ikaw ang bahala dito, Corazon, ha! Ayusin mo ito! Ang buong akala ko ay maaasahan kita pero mukhang unti-unti ay tumutulad ka na sa ate mong sanhi ng sakit ng ulo para sa'kin!" bulyaw nito. "Dalian mong linisin ito bago pa dumating ang pinsan mo!"
"Opo, tiyang," kinuha niya ang box na naglalaman ng gown at mabilis na tumalima roon.
Patungo na siya ng kusina par asana lumusot sa likod-bahay nang marinig ang boses ni Kristine.
"Nandito na ako! May pagkain na ba?"
Nilingon niya ang kanyang pinsan. Walang duda kung bakit ito ang napiling Reyna Elena sa Sagala. Ito kasi ang pinaka-magandang babae sa kanilang lugar. Matangkad ito at ang balat ay porselana. Ang may pagka-singkit na mga mata ay namumukod-tangi sa lahat.
Nahagip siya ng tingin nito. Umalis si Kristine kanina para mamasyal kasama ng mga kaibigan nito sa Mall na nasa bayan. Kahit nasa probinsiya ay tingin niya talo pa nito ang mga taga-Maynila dahil sa ganda ng ayos.
Inirapan siya nito at nilapitan ang ina. Tumalikod siya upang gawin ang kanyang naunang sadya.
Sa ilang taon nilang nanirahan ng kapatid niya sa bahay ng kanyang Tiya ay hindi nila kailanman naging kasundo si Kristine. Tingin nga niya'y hindi naiiba kay Maymay ang tingin nito sa kanila ng kanyang Ate Joy.
Pero magre-reklamo pa ba siya doon? Nagpapasalamat na lang siya at may mga kamag-anak sna kumupkop sa kanila ng kanyang Ate at may natitirhan at nakakain silang pagkain sa araw-araw.
Nagawa niyang alisin ang dumi sa gown ng kanyang pinsan nang hindi nasisira ang ganda nito. Pinagmasdan niya ang bawat detalye ng puting gown na iyon at hindi niya maiwasang hindi mamangha. Nasisiguro niyang lulutang pa lalo ang ganda ng kanyang pinsan oras na isuot nito iyon.
Napa-ngiti siya at maingat na ibinalik sa box ang damit.
Tinawag na siya ni Maymay para kumain ng hapunan. Tapos na sina Tiyang at ngayo'y abala na ito sa pagkukuwenta ng mga kinita ngayong araw sa sala habang ang TV sa harap ay maingay. Si Kristine ay paniguradong naka-kulong na sa kuwarto nito.
"Saan ang Ate Joy mo?" tanong ni Maymay sa kanya. Inililigpit na lang ang pinagkainan ay hindi pa dumadating ang kapatid niya.
Nagkibit-balikat na lamang siya. Uumagahin na naman siguro iyon sa pag-inom kasama ng mga barkada. Habang iniisip iyon ay naiinis pa rin siya! Nag-aalala siya para dito! Hindi lamang dahil baka mapalayas ito ng tiyahin nila kung hindi baka kung ano'ng kapahamakan na ang napapasok nito dahil sa mga kaibigan!
BINABASA MO ANG
Falling for Mr. Wrong (A SharDon Fanfiction)
FanfictionAlam ni Corazon kung ano ang mga katangiang hinahanap niya sa isang lalaki para masabing ito na si Mr. Right. Until Donato "Donny" Pangilinan came in to the picture and made her experience strange feelings. But why? He's the total opposite of her dr...