CHAPTER 34

5.1K 123 14
                                    

CORAZON

Kahit nasa sasakyan na't binabaybay ang daan patungo sa tahanan ng judge na sinasabi ni Donny ay hindi makalma ang tibok ng kanyang puso. She can't believe they're getting married tonight. Kahit pa masaya, hindi niya maiwasang isipin ang Ate Joy niya.

Kanina nang malaman ang tunay na dahilan kung bakit sa sampung taon ay hindi man lang nagpakita si Donny sa kanya, walang galit ang namuo sa kanyang dibdib para sa kapatid. Even before she understood how her Ate Joy was just trying to protect her. Kaya nga hindi rin sila magkasundo tungkol sa mga magulang. Ayaw nitong naghihintay at umaasa siya sa wala para lamang masaktan sa huli.

Matigas man ang puso ng Ate Joy niya at noo'y madalas pang nasasangkot sa kung ano-ano'ng kalokohan, isa lamang ang nasisiguro niya. Na tuwing mangangailangan siya ng suporta at pamilya, naroon ito at hinding-hindi mawawala.

So somehow she understood why she has to do that. Shy she has asked Donny to stay away from her. Nais nitong protektahan siya sa posibleng sakit na iniisip nitong maidudulot ni Donny sa kanya. Ang hindi nito alam ay mas masakit ang malayo kay Donny.

"Baby, what are you thinking?" malamyos at baritonong tinig ni Donny ang humugot sa kanya mula sa malalim na pag-iisip.

Nilingon niya ito. Ang mga mata'y nakatutok sa daan. Ang isang kamay ay hawak ang manibela habang ang isa'y itinataas ang kanyang kamay patungo sa labi nito para hagkan.

"D-Donny, si ate...gusto ko muna siyang maka-usap."

She wanted so bad to marry him. But there are lots of things needed to be settled first. Bakit ba ngayon lang niya ito iniisip?

"She knows my plan, Corazon. May basbas niya ito," sumulyap ito sa kanya para bigyan siya ng magandang ngiti bago ibinalik din agad ang atensiyon sa kalsada.

Nabigla siya sa narinig. "Talaga? Paano?"

"Noong bago pa lang kita sundan sa resort kung saan kayo nagbakasyon ng mga kaibigan mo. I talked to your sister. As expected, she still doesn't like me. But I was so desperate to have you back again that nothing could ever stop me. I literally begged for her blessing," he chuckled. Ngunit pinapakita ng mga mata nito ang naging hirap nito noong mga panahong iyon.

"Alam ko kung gaano siya ka-importante sa'yo, Corazon. I can't just disregard her. Sa huli hinayaan niya ako sa plano ko. Though I know that's only because she expects me to fail. Kalahati ng rason ay siguro dahil masyado na siyang nakukulitan sa'kin," ngumisi itong muli. "We'll talk to her once we get back to San Bernardo. Sigurado rin naman ako'ng inaasahan niya na tayo roon. For now, I have to marry you first."

Hindi siya makapaniwalang ginawa ito lahat ni Donny para sa kanya. He has the world on his hands. His name, wealth and looks could give him anything without even lifting a finger. Pero nakiusap ito para sa basbas ng kanyang kapatid. Sinuyo siya nito kahit pa puro pagtaboy at masasakit na salita ang ibinigay niya rito.

Nanlabo ang kanyang paningin habang pinagmamasdan ito. Why does he have to do all of these? It's easier to just walk away and forget her. Mas madali rin kung magmamahal ito ng iba. Tingin niya'y wala namang babae ang tatanggi kay Donny. Pero bakit nagpakahirap ito ng ganoon para lang sa kanya?

Huminto ang sasakyan nang dahil sa stop light. Nilingon siya ni Donny ng naka-ngiti ngunit agad ding nalusaw nang makita ang kanyang anyo.

"Hey, little girl, why are you crying?" he leaned forward to wipe away her tears. Bakas sa maganda nitong mga mata ang matinding pag-alala.

"Gusto mo pa ba talagang pakasalan ako? Pakiramdam ko masyado ako'ng maraming kasalanan sa'yo."

"What?" nangingiti nitong tanong sa kanya. "Wala kang kasalanan sa'kin. Ako ang maraming atraso sa'yo, Corazon."

Falling for Mr. Wrong (A SharDon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon