Mabilisang type at 'di nag-proofread. Patawarin ang errors HAHAHA i just have to update this dahil sa daming ganap ng SharDon yesterday *sabog hearts*
--------------------------------------------------------------------
CORAZON
Inilapag niya ang baso ng gatas at palot na may cookies sa mesa ni Kristine na kasalukuyang nakikipag-video call sa mga kaibigan nito. Masigla ito habang ikinukuwento ang tungkol sa naging pagbisita ni Donny at ang pagpayag nitong dumalo sa debut ng pinsan niya bilang escort nito.
"Kung hindi pa siguro siya pumunta ngayon, mahihiya ako'ng i-invite siya. Much more ang aluking maging escort ko! My god, nakakahiya. Pero mabait naman si Donny at pumayag kaagad. Kung alam ko lang 'di sana matagal ko na siyang kinausap."
Humalakhak si Heaven sa sinabi nito, "Sino ba'ng tatangging maging escort mo, Kristine?"
"I know, right? Sila Kristoff at Gab pa nga ang nag-aalok sa mga sarili nilang maging escort mo sa debut! They're like the most handsome and most popular guys in our school kaya!" si Raine. "Iba ka talaga girl!"
"I won't be surprised kung pagkatapos ng debut mo you'll be closer with Donny na. And you know what will happen next!"
"Oh my god. Now I'm really so excited!" maligayang sabi ni Kristine sa mga ito.
Tahimik niyang sinara ang pintuan upang hindi ma-istorbo ang mga ito. Malalim ang naging buntong-hininga niya upang pawiin ang kung ano'ng bara sa kanyang dibdib.
Pinilig niya ang ulo niya at pababa na sana ng hagdanan nang tumunog ang kanyang cellphone. Huminto siya at hinugot iyon mula sa bulsa ng kanyang shorts. Binuksan niya ang mensaheng pinadala.
"Those flowers and chocolates are for you. But I figured you won't accept them, especially, in front of your cousin."
It was followed by another text message from Donny.
"Inalok ako ng mama ni Kristine na maging escort sa debut niya. I accepted it because of you. Alam kong iyon ang gusto mong gawin ko dahil iniisip mo ang kapakanan ng pinsan mo at ayaw mong ma-disappoint ko siya."
Bahagyang umangat ang gilid ng kanyang labi. Kanina nang marinig niya ang pagpayag ni Donny...inaamin niyang nakadama siya ng kaunting kurot sa puso. Pero siguro kung tatanggihan nga nito iyon ay mas lalo lamang sasama ang loob niya dahil sa pagbigo nito sa kanyang pinsan.
Kahit naman ganoon iyon si Kristine sa kanya ay gusto niya pa ring sumaya ito. And Donny being Kristine's escort in her debut would surely make her cousin so happy.
"Raz!" sigaw ni Maymay mula sa ibaba. "Itapon mo na 'tong basura at ako na ang maghuhugas ng mga plato."
"Sige!" sagot niya rito. Pinagmasdan ang mensahe ng ilang sandali bago ibinalik ang cellphone sa loob ng kanyang bulsa para gawin ang utos.
Dumaan siya sa kusina upang kunin ang garbage bag na nasa likod-bahay. Maingay na ang rumaragasang tubig mula sa gripo at ang mga kubyertos na kumakalansing sa paghuhugas ni Maymay.
Hindi pa man nakakalabas ng bahay ay tumunod muli ang kanyang cellphone para sa isang tawag. Nagbuga siya ng hangin at hindi na lamang iyon pinansin. Siguradong si Donny lang naman iyon.
Hanggang sa mga oras na ito ay hindi pa rin niya alam kung ano ba ang nais mangyari. Ang tanging nararamdaman niya ay pagka-ilang dito at isa pang emosyong pilit niyang itinatanggi. May punto ang lahat ng babala sa kanya ng kanyang Ate Joy at natatakot siyang magkatotoo ang mga iyon oras na humina ang kanyang depensa.
She knew what she's looking for in a guy. Ngunit bukod sa hindi pa siya handa para doon sa ngayon ay wala naman kay Donny ang mga katangiang iyon! She wants someone who is responsible, mature and loyal. And Donny doesn't have those qualities! Siguro naman sapat nang babala sa kanya iyon na hindi ang tulad ni Donny ang dapat pinaglalaanan ng damdamin?
BINABASA MO ANG
Falling for Mr. Wrong (A SharDon Fanfiction)
Fiksi PenggemarAlam ni Corazon kung ano ang mga katangiang hinahanap niya sa isang lalaki para masabing ito na si Mr. Right. Until Donato "Donny" Pangilinan came in to the picture and made her experience strange feelings. But why? He's the total opposite of her dr...