CORAZON
Idiniin niya ang compress sa kamao ni Donny. He sat bolt upright with his eyes twitching. Ikinulong nito sa pamamagitan ng pagkagat ng ibabang labi ang paniguradong daing na nais kumawala. But other than that, his face didn't show any signs of pain. Ni hindi nito binawi ang kamay mula sa kanya.
"Bakit ko namang gugustuhing makita ka?" aniyang walang kagatol-gatol.
Nagtaas ng tingin si Donny sa kanya. A flash of pain registered in his dark orbs. Ngunit tila guni-guni lamang iyon nang maging blangkong muli ang mga mata nito habang pinagmamasdan siya.
Hinintay niya itong may sabihin ngunit nanatili itong tahimik. Una siyang nagbawi ng mga mata at tahimik na lamang pinagpatuloy ang ginagawa. Taliwas sa kalmadong anyo niya ang bagyo ng galit na namumuo sa loob-loob niya.
Damn him for saying that! At ano sa tingin nito ang ginagawa nito? Iniisip ba ni Donny na maloloko siya nitong muli? Na mauuto siya nito sa matatamis na mga salitang minsan niyang pinaniwalaan? At paano si Kisses? She thought Donny already changed. Mukhang maging ang akalang iyon ay mali siya.
Hininto niya ang ginagawa at agad na binitawan ang kamay nito na tila napaso na roon. Maling patagalin pa niya si Donny dito.
"Sa inyo mo na lang gamutin 'yan," aniya paglapag ng compress sa coffee table saka tumayo. Kailangan niyang lumayo. Alam niyang kahit paano naman ay alam pa rin ng utak niya ang tama at mali. But with Donny she just can't be so sure.
Minsan na rin siyang nahulog sa patibong nito kahit pa sinabi niya na sa sarili niyang hindi ito ang tipo ng lalaking gugustuhin niyang mapalapit sa kanya. He's very dangerous. What she feels for him up to this point is just as deadly. Mas mainam na lumayo upang mas makasiguro.
Sa ilang saglit na lumipas ay wala siyang narinig ni kaluskos mula sa kasama niyang lalaki. Doon lamang siya umikot para tignan kung ano nang nangyari kay Donny. She saw him sitting on the same spot. But now he's looking at something on the glass cabinet where her certificates, trophies and medals throughout her volleyball career were displayed.
Ngunit huli na niyang napagtanto kung ano pang naka-display doon na siyang partikular na pinagmamasdan ni Donny. She blocked his view from the rubber shoes he had given her before. Itinago niya iyon at pinaka-ingatan tulad ng kanyang nararamdaman para dito. And now that Donny saw it, para lang nabunyag dito ang lahat.
"Attorney Pangilinan, sinabi kong umalis ka na!" sigaw niya upang pagtakpan ang pagkapahiya. She was ashamed to expose that up until now she's being fooled!
Tumayo si Donny at akmang lalapit sa kanya. His eyes were sorrowful and in obvious pain. Pinaikot na niya ang utak sa ideyang niloloko lamang siya nito kaya nakadama siya ng pagtataka dahil pakiramdam niya totoo ang mga nakikita niya rito.
Kailan ba talaga siya matututo?
"Corazon—"
"Attorney...please...umalis ka na," gustuhin man niyang patuloy itong ipagtabuyan ay nauubusan na siya ng lakas. This day has been very long. Napapagod na siya sa lahat ng mga nangyari.
Napahinto ito nang marahil ay marinig ang pakiusap sa kanyang tono. Kinuyom nito ang mga kamao at halata ang hirap sa pagpipigil ng kung ano.
"Ayaw ko nang makita ka ulit..." she almost whispered.
Narinig niya ang pagsinghap ni Donny. Nasisiguro niyang gaano man kahina ang kanyang pagsasalita ay hindi iyon nabigong makaabot sa pandinig nito. His strained muscles started to relax. Prente na nitong ipinamulsa ang isang kamay sa bulsa. His face became expressionless again but unreadable emotions still lingered in his eyes.
![](https://img.wattpad.com/cover/94239378-288-k168528.jpg)
BINABASA MO ANG
Falling for Mr. Wrong (A SharDon Fanfiction)
ФанфикAlam ni Corazon kung ano ang mga katangiang hinahanap niya sa isang lalaki para masabing ito na si Mr. Right. Until Donato "Donny" Pangilinan came in to the picture and made her experience strange feelings. But why? He's the total opposite of her dr...