CHAPTER 22

2.9K 122 49
                                    

CORAZON

Nakasalubong niya ang kasambahay na kinausap ni Donny kanina para mag-akyat ng meryenda sa itaas. Pilit niyang iniwas ang mga mata mula sa nagtataka nitong titig. Paglampas niya rito ay dumiretso na kaagad siya palabas ng double doors. Malayo pa lang ay pinagbuksan na siya ng gate ng mga nagbabantay doon.

Nang sa wakas ay tuluyang makalabas sa bakuran ni Donny ay tila doon lamang naging magaan ang paligid. Ilang hakbang pa bago siya huminto upang sumagap ng sapat na hangin sa kanyang baga at kalmahin ang nagugulong sistema.

Baliw na puso. Sa tagal ng panahon na iyon ay nanatili itong lihim na nakakapit sa maling tao. Was this really her fate? To be left and fooled over and over again? Hindi niya alam kung bakit siya pa. Wala naman siyang natatandaang malaking kasalanan na nagawa niya sa buong buhay niya.

Or maybe she did? She trusted too much. She forgave too easily. She fell too hard. In the end, this is what she got. Pero kasalanan ba ang mga iyon?

"Corazon!" tinig iyon ni Kisses mula sa likod. Mukhang sinundan siya nito nang hindi niya lingunin ang mga pagtawag nito sa kanya kanina.

Pinahid niya ang luhang namuo sa paligid ng kanyang mga mata. Naramdaman niya ang malambot nitong kamay sa kanyang braso na marahang pinipihit siya upang lingunin niya ito.

Humarap lamang siya nang masigurong wala na itong mahahalata pa sa mukha niya. She forced a smile when she came face to face with a worried Kisses. Ayaw niya itong magtaka at magtanong pa.

Naging mas malamlam ang ekspresyon nito. Kinababakasan ng simpatya ang mga mata nito habang tinatanaw siya. "Corazon, are you alright?"

Mabilis siyang tumango, "Ayos lang ako, Miss Kisses."

Nagbuga ito ng hangin at saglit na pumikit bago nagdilat. "Look, I'm really sorry for how Donny acted a while ago. I don't know what gotten into his mind-"

"Naku, wala po iyon. Tama naman si Attorney. Tapos na ang sadya ko kanina sa kanya kaya wala na ring rason para manatili pa ako."

"I'm inviting you for snack, Corazon," nailing ito. "Hindi pa kasi ako maayos na nakakapag-pasalamat sa'yo sa pagtulong sa'kin no'ng maligaw ako sa school ninyo. Isa pa, I don't have friends here. Wala ako'ng ibang magulo kung hindi si Donny lang. Gusto ko sanang maging mag-kaibigan tayong dalawa."

Natigilan siya sa sinabi ni Kisses. "A-Ako?"

"Yes," Kisses beamed. "You really look nice, Corazon. Napakagaan pa ng loob ko sa'yo. Alam mo I've always dreamed of having a little sister. Unfortunately, hindi na ako nasundan pa." Binuntutan nito iyon ng mahinhin na halakhak.

Malungkot siyang napangiti. Napakabuti talaga ni Kisses sa kanya. Hindi niya maiwasang makadama ng kaunting konsensiya. Pakiramdam niya ay niloloko niya ito. She has a past with Donny and up until now she's in love with her man. At ngayon gusto siya nitong maging kaibigan?

"K-Kailangan ko na talagang umuwi, Miss Kisses. May...mga trabaho pa kasi ako'ng kailangang tapusin."

The sides of her beautiful lips tugged downward. Sinsero ang nakikita niyang disappointment sa mga mata nito. "Ganoon ba, Corazon? Sayang naman. But...maybe next time? Hindi pa naman ako aalis dito kaagad. Nag-leave ako sa trabaho para masamahan si Donny dito. He'll stay here until the construction of the building and gymnasium in your school will be finished."

She said a silent 'ah'. Hindi pala permanente si Donny dito. Pagkatapos ng construction ay aalis din ito kasama si Kisses at babalik sa Maynila.

"Ihahatid na kita. Saan ba ang inyo, Corazon?" alok nito sa kanya.

Falling for Mr. Wrong (A SharDon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon