CHAPTER 3

3.3K 134 12
                                    

CORAZON

Mahigpit pa rin ang hawak ng lalaki sa kanyang braso. Unti-unti ay napapalayo na sila sa simbahan at hindi niya maiwasang makadama ng kaba. Hindi pa rin niya ito kilala! Kahit na mukha naman ito'ng mabait dahil sa maamong mukha, mali pa rin na magtiwala siya sa isang tao dahil lang sa guwapo ito!

Sa wakas ay naisipan din nitong huminto. Itinukod niya ang isa niyang kamay sa kanyang tuhod habang naghahabol ng hininga. Hindi man lang siya nito binibitawan. Pinapanood siya nito habang humahagilap ng hangin para sa sarili nitong baga.

"S-Sino...ka...ba?" nagpumiglas siya ngunit hindi siya nito binitawan. "Ano ba?! Sisigaw ako!"

They're now on the residential area. Madilim at bibihira ang mga tao dahil halos lahat ay naroon sa may simbahan para tunghayan ang sagala. Walang pag-asang makahanap siya ng tulong dito!

"I'm not gonna hurt you," tinaas nito ang malayang palad. "Matagal-tagal na rin kasi mula noong huling beses ako'ng magpunta dito. Wala naman masyadong nagbago but of course hindi ko na maalala ang mga pasikot-sikot."

Taga-dito ang lalaking ito? Kahit paano ay napakalma siya no'n. Kung sakaling may mangyaring masama sa kanya ay maisusumbong niya ito at may makakakilala dito. That is, if she's still alive by then.

Umayos siya ng tayo. Napakalapit nito sa kanya at hindi niya alam kung bakit nababagabag siyang nasa kanya ang buong atensiyon nito. Kailangan niyang makatakas mula rito. May nagsasabi sa kanyang mali ang sumama sa lalaking ito at hindi lamang iyon dahil sa hindi niya ito kilala.

The man continued looking at her curiously. He has beautiful pair of eyes. Nakaka-distract din talaga ang labi nito. Gusto niyang ituwid ang mga mata sa mata nito ngunit pilit iyong bumabalik sa maganda nitong labi.

May pangit ba sa lalaking ito? Para doon na lang niya itutuon ang atensiyon niya imbis na sa perpektong features ng pagmumukha nito. Dahil tingin niya mas tamang kinamumuhian ito kaysa pinupuri sa isip niya!

Tinabingi nito ang ulo. Naka-angat ang gilid ng mga labi nito para sa isang ngisi, "Yes?"

Umakyat yata ang lahat ng dugo sa kanyang mukha at kahit hindi niya nakikita ang sarili ay alam niyang namumula siya. Napakurap siya nang mapagtantong masayado siyang matagal at lantad kung tumitig dito!

Hindi ito ang kauna-unahang beses na naka-kita siya ng guwapo! Pero hindi niya alam kung ano'ng mayroon sa lalaking 'to na basta na lang siyang napapatitig at napapa-tameme!

She tried to act like she's not going to tolerate any shit from but it's just hard because he's so tall! Paano mo sisindakin ang taong mala-Goliath? Para lang siyang bubwit sa harapan nito, eh!

"Bitawan mo na nga muna ako," aniya.

"Paano kung takbuhan mo ako?" mapaglaro ang tinig nito.

Ngunit wala siyang panahong makipag-laro! Baka hinahanap na siya ni Myriah sa sagala. Kinakailangan niya nang makabalik.

"Hindi!"

"I don't believe you," he smirked.

Wow. Ang galing po pala natin? Ito na ang nga ang kumaladkad sa kanya patungo dito ay ito pa ang may ganang maging alangan sa sinasabi niya! Well, hindi naman sa mali ang naisip nito...

"Hindi nga," madiin niyang sinabi.

Ilang sandali silang nagsukatan ng tingin nito. Sa huli ay nagpaubaya ito at binitiwan siya. Pakaripas na siya ng takbo ngunit nahigit siya nito sa kanyang bewang! Tumama ang kanyang likod sa dibdib nito at hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang kalabog ng kanyang puso.

Falling for Mr. Wrong (A SharDon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon