CHAPTER 28

3.4K 135 21
                                    

CORAZON

Pinalis niya ang luhang walang habas pa rin sa pagbagsak. Magkakasunod na paghugot ng hininga ang kanyang ginawa para lamang makalma. Her heart felt so heavy. She doesn't know why it did. Bakit kung kailan sa tingin niya'y tama ang kanyang ginawa saka naman pakiramdam niya'y may mali?

Umiling siya at nagpatuloy muli sa paglalakad. Lutang at tila nawawala sa bawat hakbang. Pinaglaruan lang naman siya ni Donny noon hindi ba? That's what his friends said. She's not his type of girl. Donny wants his girl to be very feminine and beautiful. She's neither of those before. Bakit siya mako-konsensiya ngayon para sa sakit na tingin niya'y inilapat niya rito?

She shook her head again. Hoping that she'd stop thinking about Donny. Ngunit kailan nga ba niya iyon nagawa? Kailan siya huminto sa pag-iisip tungkol dito? Even before his memories always finds a way to invade her mind. At habang mas lalo niyang itinutulak palayo ang mga ala-alang iyon, mas lalo itong bumabalik sa kanya.

Niyakap niya ang sarili nang umihip ang malamig na hangin. Bukod sa torches at iilang ilaw na nagkalat sa paligid, ang bilog na buwan ang siyang nagsisilbi niyang liwanag sa paglalakad.

"Corazon..."

She stopped in midstride upon hearing Vitto's voice. Nang magtaas siya ng tingin dito ay kita niya kung paanong nabalot ng pag-aalala ang mga mata nito. "Are you alright? Susundan na sana kita."

"A-Ah..." napakamot siya ng ulo. Nakalimutan niya ang mga kaibigang naghihintay nang dahil sa komprontasyon nila ni Donny kanina. "Sorry. Baka gutom na kayo."

Ngumisi si Vitto, "Nagsimula na silang kumain. Pero ako hinihintay kita."

Tila may iba pang pakahulugan ang huli nitong sinabi base sa tonong gamit ni Vitto. Saglit silang binalot ng katihimikan. Tanging ang hampas ng alon sa dalampasigan ang nagsisilbing tagapuno sa katahimikang iyon.

"Halika na. Nakakapagod iyong game niyo kanina. Kailangan mong kumain para 'di ka manghina." Vitto offered his hand to her.

Pinagmasdan niya iyon at sa isang iglap ay hindi na si Vitto ang nakikita niya kung hindi si Donny. His smiling handsome face while offering his hand. The very first man she ever held hands with. The man she thought would never leave and hurt her.

Siguro nga masyado siyang maagang nagtiwala. Masyadong maaga siyang naniwala. Kaya tuloy ito ang kinahinatnan niya.

"Corazon. Hey, why are you crying?" lumapit si Vitto sa kanya at kinulong sa magkabilang palad nito ang kanyang mukha.

Pilit niyang pinapalis ang kamay nito ngunit hindi siya pinapalaya. He brushed her tears with his thumb. Nahihiya siya sa bawat luhang inilalabas ng kanyang mga mata. "Sorry. S-Sorry. Wala lang 'to." Nagpumilit siyang tumawa ngunit lalo lamang siyang nahikbi. Letse!

"Shhh...tahan na. Tahan na, Corazon..." niyakap siya ni Vitto.

Ang isang braso'y naka-siguro sa kanyang bewang habang ang kamay ay nasa likuran ng kanyang ulo. Yumuko siya sa dibdib nito at sa halip na tumahan ay mas lalo siyang naiyak.

"What happened? Are you hurt?" malumanay nitong tanong sa kanya.

Tumango siya. But the pain is not physical. The pain comes from deep within her heart. Mahal na mahal niya si Donny at gusto niyang pakinggan ang mga paliwanag nito. Gusto niyang maniwala sa bawat sasabihin nito basta makasama niya lang ito. But part of her is already tired from all the pain this life has caused her.

"Magiging maayos din ang lahat. I know you're strong, Corazon. I know you're strong," patuloy na alo ni Vitto sa kanya.

But she's not. She's not strong. She was forced to, yes, but the truth is she's not strong.

Falling for Mr. Wrong (A SharDon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon