2-Museum

29.2K 1.1K 208
                                    

"Good morning ma'am, maari po bang makita ang mga paintings sa basement?"

Pinuntahan ni Tammy ang Manila Art Museum para makita ang painting ng "The Señorita". Nasa reception desk siya at nagbabakasakali na payagan siyang bumaba doon sa basement.

Ngumiti ang babaeng receptionist. "Sige hija. Siguro gusto mong makita ang La Señorita painting, tama ba?"

"Paano niyo nalaman Ate?" Nanlaki ang mga mata ni Tammy.

"Halos lahat ng nagpupunta sa basement ng museo ay iyon lang ang gustong makita!" Natatawang ekspresyon ng receptionist. "Alam mo ba, may tsismis dito na yung babae sa painting ay humaharap? Naglalakad pa nga sa hallway eh!"

"Kakatakot naman iyon! Pero maganda ba mukha ni La Señorita?" Pag-uusisa ni Tammy.

"Walang nakakaalam ng itsura niya. Pero pag nakita ko sasabihin ko sa iyo," biro sa kanya ng receptionist. "Kaya huwag ka pupunta dito pag gabi ah?" Paalala sa kanya. "Siguro nga may espiritu doon sa painting."

"Nako, makababa na nga ng basement! Assignment ko kasi iyong painting."

Tumango si Tammy at nagsimulang maglakad sa hallways ng museo. Sari-saring mga obra maestra ang kanyang nakita. Tumitigil siya maya't maya para hangaan ang isang painting o iskulptura.

Ilan sandali pa ang nilakad niya at nakarating na siya sa hagdanan pababa sa basement. Nakatayo si Tammy sa may gilid ng hagdan at nakatitig sa pintuan ng basement. May bumbilya sa itaas ng pintuan, pero parang pundido na ito dahil pakurap-kurap ang ilaw.

"Kaya ko kayang gawin ito?" Ngayon pa lang ay ramdam niya na malakas ang kabog ng dibdib niya. Bakit ako kinakabahan, eh painting lang naman iyon? Tanong niya sa sarili.

Huminga siya ng malalim at dahan-dahang bumaba. Nang makarating na siya sa dulo ay tumambad sa kanya ang isang pintuan na may doorknob na gawa sa kulay gintong metal. Hinawakan ni Tammy ang knob at inikot ito. Nagitla siya nang bumukas nang kusa ang pintuan.

May ilaw naman pala sa loob ng basement. Agad nakita ni Tammy ang ilang mga painting na may takip na puting tela.

Siguro inaayos yung ibang painting. Saan kaya dito ang The Señorita?

Nagmasid si Tammy habang naglalakad hanggang sa makita niya sa harapan niya ang kanyang hinahanap.

Isang babaeng naka baro't saya na nakatalikod. Ito na ang La Señorita.

"Maganda palang painting ito," bulong ni Tammy sa sarili. Nilapitan niya ito at tinignan kung may plate sa ibaba ang painting, na maaring nagsasabi kung kailan at sino ang gumawa nito. Pero wala man lang itong palatandaan, kahit na description sa tabi ng painting.

"Wala ata akong mahahagilap na info tungkol dito. Painting lang siya na nasa basement, iyon lang. Sayang ang lakad ko oh," dismayadong nasabi ni Tammy.

Tumalikod na siya at akmang lalabas na ng basement nang may narinig siyang boses na bumubulong sa kanya.

Huwag mo nang alamin pa ang madilim na lihim ng kasaysayan!

Napahinto si Tammy mula sa kinatatayuan. Ramdam niya ang pagtindig ng kanyang mga balahibo.

Positibo siyang narinig niya ang boses na iyon!

Kumaripas na ng takbo ang natatakot na dalaga hanggang sa makaakyat na siya sa ground floor ng museo. Patuloy pa rin siya sa pagtakbo at di na siya tumigil nang tinanong siya ng receptionist.

"Miss, okay lang po kayo?!" Malakas na sigaw nito.

Hindi pinansin ni Tammy ang nagtatanong sa kanya. Patakbo siyang lumabas ng museo at nang makarating siya sa isang bench sa may poste ay napaupo ito. Hingal na hingal siya na naghahabol ng hininga, habang ramdam niya ang tagaktak ng pawis sa kanyang noo.

Anong boses iyon? Nakakatakot. Parang sa akin talaga nakikipag-usap!

Naisipan niyang ibahin na lang ang topic ng kanyang research work. Pero nang maisip niyang malapit na ang pasukan ay nabatid niyang wala na siyang panahon.

Nanaig pa rin sa kanya ang kagustuhang makakalap ng impormasyon tungkol sa La Señorita.

Pero paano niya iyon gagawin, lalo na at may kung anong boses na nagbabanta na huwag na niyang alamin pa ang tungkol dito?

(Itutuloy)

The SenoritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon