23-Pangitain

15.3K 605 217
                                    

(Rated SPG for mature themes)

"Julian?"

Pinuntahan nila Tammy at Ilyong ang bahay ni Julian, na kapatid ng namayapang si Manuel. Naka-ilang katok sila bago nalaman na bukas pala ang pintuan, kaya tahimik na lang silang pumasok.

Walang tao sa salas, kaya dumiretso sila sa kusina, na nagsisilbi rin na hapag-kainan. Doon nila naabutan si Julian na natutulog sa lamesa.

"Mukhang natutulog," bulong ng dalaga kay Ilyong.

Gumalaw na si Julian at nagising. Unti-unti niyang inangat ang ulo at nagkusot ng mga mata. "O, kayo pala," bungad niya.

"Dala lang namin ang mga damit at ilang kagamitan ni Manuel mula sa dormitorio." Sumenyas si Tammy kay Ilyong, na may dalang malaking bayong ng damit. "Ibabalik namin sa iyo. Alam ko ikaw lang ang natitira niyang pamilya."

"Ilagay niyo na lang diyan." Tinuro ni Julian ang isang lamesa sa kanto.

Tumango na lang si Emilio at nilapag ang bayong sa ibabaw ng nasabing lamesa.

"Ayos ka lang ba?" Napansin ni Tammy ang malalim na mga linya sa mga mata ni Julian, na para bang wala siyang matinong tulog. Di rin niya masabi na medyo masama na ang amoy ng nasabing bahay, na para bang may mga naipon na basura o kung ano man.

"Oo, maayos naman ako," mahinang sagot ni Julian. Tumayo siya at may kinuhang bote, sabay tagay nito.

"Bakit wala ka pala noong nilibing ang kapatid mo?" Tanong pa ni Tammy.

Umubo si Julian bago ito nakasagot. "Hindi ko kayang makita na nililibing ang kaisa-isa kong kapatid. Oo, ako na ang may kasalanan nito... Dapat nakinig ako sa kanya."

Napaluhod si Julian at tumangis. Lumapit sila Tammy at Ilyong at tinulungan siyang tumayo. Inupo nila ito sa kanyang silya sa may lamesa.

"Nauunawaan namin iyon... Pero huwag mo sanang pabayaan ang iyong sarili," paalala ng dalaga. "Ibibili ka namin ng pagkain, kung gusto mo."

"Huwag na, kaya kong bumili," tanggi ni Julian.

"Hindi maganda sa kalusugan ang pag-inom ng labis," wika ni Emilio. Naglakad siya sa may banggera at tinignan ang naka hilerang mga bote ng alak.

"Wala ka nang pakialam sa kung anong gusto kong gawin!" Sigaw ni Julian. Binato niya ang bote ng alak sa direksyon ni Emilio. Buti na lang nakailag siya nang tumama ang bote sa may pader. Nabasag ito at bumagsak bilang butil-butil na mga piraso.

"Julian! Sana makinig ka sa amin at alagaan ang iyong sarili!" Wika ni Tammy.

"Paano ko mabubuo ang aking sarili kung ang aking pagkatao ay niyurakan?!" Panaghoy ni Julian. "Nawala na nga ang pinakamamahal ko, pati na rin ang aking kapatid! Alam niyo ba kung ano ang ginawa sa akin habang ako'y nakapiit? Binugbog ako ng mga gwardiya sibil, pati na rin ang walang hiyang si Sebastian Carreon! Hindi lang iyon, pinagsamantalahan pa nila ako!  Ginawa nila iyon habang lumong sa impluwensiya ng opyo!"

Tuluyan nang umiyak si Julian at alam ni Tammy na wala silang magagawa para pakalmahin siya. Walang silbi ang mga salita para maibsan ang sugat sa kanyang buong pagkatao.

"Por Diyos," bulong ni Emilio.

Nang matapos nang umiyak si Julian ay kumalma siya. Inabutan siya ni Tammy ng isang basong tubig. Buti na lang at ininom niya ito.

"Kung wala na kayong sasabihin ay umalis na kayo. Balewala rin ang mga nais niyong iparating sa akin," wika ni Julian.

Napansin ni Emilio ang isang aklat sa lamesa.

The SenoritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon