30-Huling Kabanata

20.4K 729 344
                                    

Author's note: I realized na ang daming shippers nila Tammy at Emilio, so I made this ending for them. Kasi gusto ko, happy kayo hehehe. *sabog confetti* Read on!

Huling Kabanata V. 2

Ang dami niyang inakala, na mali naman pala.

Akala niya, magiging masaya na siya sa trabaho sa Hong Kong. Iyon pala, susuko rin siya dito at uuwi ng Pilipinas pagkatapos ng isa at kalahating taon.

Akala niya, ang lalaking nakilala sa airport ay ang dating nakilala sa nakaraan. Ngayon lang niya natanto na di porke't magkapangalan ay magkapareho. Pagkatapos ng isang taon ng pagiging magkarelasyon ay di rin sila nagkatuluyan.

Dumating ang di-inaasahang oportunidad na makapagtrabaho sa Singapore ang kasintahan. Pumayag naman siya na makalipad ito at makapag-usap sa chat at Skype. Hanggang sa kanilang nalaman na para lang napipilitan sila na panatilihin ang relasyon. Kaya para maiwasan ang mga away at di-pagkakaintindihan ay nakipagkalas na lang sila.

Masakit mawalan ng minamahal, ngunit tinaggap ito ni Tammy. Tinanggap niya ang lahat ng pagsubok. Ilang gabi siyang umiiyak at nalilito.

Marami nga ang napahamak sa mga akala. Ngunit tila nakalimutan niya ito.

---

Makalipas ang limang taon ay nagpaka-busy si Tammy sa kanyang naging trabaho. Nag-aral siya ng baking and pastry making at matagumpay niyang natapos ang kurso. Agad siyang binigyan ng trabaho sa isang coffee shop na tinatayo ng kanyang kaibigan. Iyon ang nakatulong sa kanya na makapag-move on mula sa nabigong karera at pag-ibig.

Pumatok agad ang nasabing coffee shop na nasa area ng San Juan, Manila. Kahit busy ay gusto ni Tammy ang ginagawa. Laking pasalamat niya na suportado siya ng kanyang mga magulang; minsan pa nga ay sa kanila kumukuha ng cakes ang mga kakilala nito sa negosyo.

Isang araw ay may pumasok na binata. Umorder ito ng black coffee at isang slice ng chocolate cake.

Absent ang isang staff, kaya si Tammy ang nag-serve ng order.

"Here's your order, Sir." Maingat niyang nilapag ang tray sa table ng lalaki.

"Thank you." Tipid siyang ngumiti.

He feels familiar. Naisip ni Tammy na parang nakilala na niya ito dati. Well, nakabihis ito ng checkered na polo, dark jeans, at naka-salamin. Lumakad siya at bumalik na sa kitchen.

Maya-maya ay tinawag si Tammy ng isang staff.

"Ma'am, gusto po kayong makausap ng customer kanina." Mukhang di-mapakali ang barista.

"Bakit naman?"

"Wala pong sinabi. He only said he just wants to talk to you."

Agad lumabas ng kitchen si Tammy at hinarap ang lakaki.

"Good day Sir. I'm Tammy, the resident baker in this coffee shop. May I know your concern?"

Tinignan siya ng lalaki. Unti-unting sumilay ang isang ngiti sa kanyang mga labi at sinabing:

"I love your cake! I hope you can bake a cake for my friend's upcoming wedding in three months. He personally asked me to find a baker. I hope you do wedding cakes."

Parang nabunutan ng tinik si Tammy nang marinig ito. Good feedback naman pala.

"Yes we do wedding cakes. I'll give you the rates. Let's discuss it."

Dinala niya ang lalaking customer sa tabi at nag-usap tungkol sa wedding cakes. Pumayag si Tammy na gawin ang cake.

"Magiging masaya ang bride at groom! Ay, ito pala calling card ko."

The SenoritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon