20-Pag-uusap

15.6K 617 220
                                    

Pagkatapos ng hapunan, namalagi muna si Tammy sa azotea. Ang malamig na simoy ng hangin ang nagpakalma sa kanya kahit na ang dami niyang iniisip.

Paano na ito? Itutuloy nila ang kasal nila Señorita at Senyor Julian. Alam ba ng mga magulang ni Almira at ni Sebastian na may iba siya? Kung naitago nila iyon ni Julian ng matagal na panahon, ang galing naman.

At paano pag ako na ang pinagpanggap na si Almira, tapos ang totoong Almira ay makikipagtanan na kay Julian? Kawawa naman ako. Di na ako makakabalik sa amin. Dapat hindi mangyari iyon. Bahala na ang Diyos na gumawa ng paraan, kasi mali talaga balak nilang gawin pagtanan. Sana man lang naging honest na si Almira sa umpisa.

"Almira?"

Agad napalingon si Tammy nang marinig ang boses ni Sebastian Carreon. Nakita niyang papalakad ito papunta sa kanya.

"Ikaw pala." Pinilit ni Tammy na umarteng mahinhin at matamlay.

Naramdaman niya ang pagyakap ni Sebastian mula sa kanyang likuran. "Anong iniisip mo, mi amor?"

Hindi makasagot si Tammy. Umalis siya sa pagkakayakap ni Sebastian at hinarap niya ito.

"Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit."

Sinabi niya ang linya bilang si "Almira" at si Tammy. Talagang kinakabahan siya sa kung anong mangyayari sa mga susunod na araw.

Inangat niya ang kanyang tingin sa binata. Agad niyang natanto ang nag-uumapaw na pagmamahal sa kanyang mga mata.

Mukha namang sincere si Kuya, pero bakit kaya ayaw na ayaw ni Señorita sa kanya? Sabi niya, nawala ang pag-ibig niya dito. Dahil kaya matagal siyang nawala at nagpunta sa España?

"Huwag kang mag-alala. Sisiguraduhin ko na mamahalin kita ng buong puso." Hinawakan ng binata ang parehong kamay ni Tammy.

Kuya, sana malaman mo na may ibang kasama ang Señorita mo sa mga oras na ito. Hindi ako ang iyong Almira.

The SenoritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon