16-Señorita Almira

17.2K 699 81
                                    

Nagising na lang si Tammy na nakahiga sa isang kwarto.

"Kumusta ka, hija?"

Si Aling Simang ang nagtanong nito, na nakaupo sa tabi ni Tammy. Sa kabilang dako naman ng kama ay sila Doña Elena at Señorita Almira naman ang nakabantay sa kanya. Bakas ang pag-aalala sa kanilang tatlo.

Pinilit bumangon ni Tammy ngunit pinigilan siya ni Aling Simang. "Huwag mong ipilit kung di mo kaya."

"Paano po ako makakauwi sa atin?" Naramdaman ni Tammy na parang nanghihina pa siya.

"Maari muna siyang mamalagi dito," alok ni Señorita Almira. "Kahit bukas na siya umuwi sa dormitoryo. Ipapahatid ko siya sa aming kutsero. Ano sa palagay mo, Binibini?"

Mukha namang mabait ang Señorita. Naramdaman ni Tammy na totoo ang kanyang malasakit sa kanya.

"Kami lang naman ng anak ko ang nandito, kasama ang mga kasambahay. Kaya magiging maayos siya," dugtong ni Doña Elena.

"Salamat po," magalang na sagot ni Tammy.

Tumayo si Aling Simang. "May kumpiyansa naman ako sa inyo, kaya iiwan ko muna dito si Tami. Magpagaling ka. Bukas ay maari ka nang bumalik sa dormitoryo."

"Paalam po, Aling Simang."

Ngumiti lang ang ginang sa kanya at umalis.

Tumayo si Doña Elena. "Ikukuha kita ng sopas nang makakain ka na."

"Nakakahiya naman po---"

"Naku naman hija, wala iyon! Dapat kang kumain dahil halatang nanghihina ka pa."

Ngumiti si Doña Elena sa kanya. Umalis siya at bumalik na may dalang mainit na mangkok ng sopas. Nakabangon si Tammy sa tulong ni Señorita Almira, at nakapagsimula na rin siyang makakain ng hapunan.

Nang matapos na siya ay kinaya na rin niyang bumangon sa kama. Tinulungan siya ni Almira na makapag-ayos. Binigyan din siya nito ng damit na pwedeng pantulog.

"Ang ganda naman nito." Nakaupo si Tammy sa harap ng salamin habang namamangha sa suot niyang puting pantulog. "Siguro mamahalin ito. Nakakahiya naman, nakaabala pa ako."

"Hay, kanina ka pa nahihiya! Wala sa amin iyon! Bagay nga sa iyo." Ngumiti si Almira sa kanya mula sa kanyang likuran. "Masuklayan nga kita."

Kinuha ni Almira ang pansuklay ng buhok na nakapatong sa may tukador. Nagsimula na niyang suklayin ang buhok ni Tammy.

"Ginagawa sa akin ito ni mama noong bata pa ako. Aba, malago rin pala ng buhok mo!" Tawa nito.

"Nakakainis nga pag makapal ang buhok eh!" Natawa si Tammy.

"Biyaya iyan. At biyaya rin na nagkakilala tayo. Para akong may kapatid, lalo na halos iisa ang mukha natin!" Halata ang pagkagiliw niya kay Tammy.

"Bakit kaya tayo magkamukha?" Pagtataka ni Tammy.

Di kaya siya ang nasa painting ng La Señorita? Grabe may feeling ako siya iyon! Naisip niya. At di kaya ninuno ko si Señorita Almira? Wala akong alam sa family history namin.

"Sabi raw nila, pito raw ang mga kamukha mo sa buong mundo," ika ni Señorita Almira. "Mukhang pinalad ako na makilala kita!"

"Oo nga eh," matipid na ngumiti si Tammy.

The SenoritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon