19-Pagpapanggap

17K 644 157
                                    

"Mabuti at nakarating ka, Binibining Tami!"

Agad na sinalubong si Tammy ng isang mahigpit na yakap mula kay Señorita Almira.

"Salamat! Mukhang sabik ka nang makita ako," wika ni Tammy. "Nasaan pala mama mo?" Tanong niya.

"May binisita lang na kaibigan. Halika, tayo ay magmeryenda! Nagpabili ako ng kakanin at may kasamang mainit na tsokolate."

Dinala ni Señorita Almira si Tammy sa azotea. May nakahanda na nga doon na meryenda sa maliit na lamesa.

"Mukhang masarap ah!" Di mapigilan ni Tammy na ngumiti.

Naupo na sila at nagsimula nang kumain. Mas tahimik na sila ngayon kumpara ng una silang magkita. Pero halata na masaya ang Señorita.

"Ikaw ba ay nasa maayos na kalagayan sa dormitoryo?" Si Señorita Almira ang nagsimula ng usapan.

"Oo naman. Maayos naman sila sa akin. Ikaw, kumusta?"

"Ito, nalulumbay."

"Bakit?"

"Malapit na akong itakdang ikasal kay Sebastian."

Lumamlam ang mga mata ni Señorita Almira.

"Ngayong gabi ay uuwi ang aking ama at magkakaroon ng salo-salo sa bahay ng mga Carreon. Aayusin ang nalalapit naming pag-iisang dibdib."

"Señorita... Alam ko na si Julian ang tunay mong minamahal."

"Siya nga, Binibini. Ilang-beses ko nang sinabi kina Mama na wala na akong nararamdaman para kay Sebastian. Pero mapilit pa rin silang ituloy ang kasal, lalo na si Papa. Para raw lumago ang negosyo naming mag-anak."

"Hindi ba pwedeng subukan mo ulit mahalin si Sebastian? Magkakilala na kayo dati pa, baka posible," wika ni Tammy.

Nanahimik si Almira. "Kung ganoon lang kadali iyon. Pero... Pero..."

"Ayokong makisali sa relasyon niyo, pero huwag mo sanang masamain ang payo ko," marahan na winika ni Tammy.

Nanahimik ulit sila hanggang sa nagsalita ulit si Almira.

"Binibini, maari mo ba akong gawan ng pabor ngayong gabi?"

Biglang kinabahan si Tammy nang marinig niya ang salitang pabor.

"Ano iyon?"

"Maari ka bang magpanggap muna bilang ako sa pagtitipon nila sa bahay nila Sebastian? Makikipagkita kasi ako ngayong gabi kay Julian."

Ito na nga ba sinasabi ko.

Hindi alam ni Tammy ang sasabihin. Natanto niya na kasambahay lang siya sa dormitoryo kumpara kay Señorita Almira. Hindi siya pwedeng tumanggi sa kahilingan nito.

Kaya pumayag na rin siyang magpanggap bilang si Almira, labag man ito sa kanyang kalooban.

"Sabihin mo sa akin ang gagawin. Pumapayag na ako."

Seryoso ang pananalita ni Tammy. Wala nang urungan ito.

"Salamat," ngiti ni Almira.

Pagkatapos kumain ay nakipagpalit ng damit ang Señorita kay Tammy, para hindi mahalata na lalabas siya ng bahay. Pinasuot kay Tammy ang magarang blusang puti na may burda, at may katerno itong panuelo. Isang malawak na kulay rosas na saya ang pang-ibaba niya, at sa mga paa ay bakya na gawa sa kahoy.

Tinaas ni Señorita Almira ang buhok ni Tammy. Nilagyan siya ng krema sa mukha na parang pulbos (sa isip ni Tammy ay para itong chin chan su), at pinapula rin ang kanyang mga labi.

The SenoritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon