Kinagabihan, tahimik na dumating si Manuel sa dormitoryo. Agad nahalata ng grupo nila Dario ang kanyang tahimik at malungkot na disposisyon, pati na rin sila Tammy at Tetay. Wala siyang imik mula nang kumain sila ng hapunan hanggang sa matapos sila.
"Anong nangyari doon?" Siniko ni Tetay si Tammy habang nagliligpit sila ng lamesa.
"Mukhang may malalim na iniisip si Manuel," bulong ni Tammy.
Kausapin ko kaya? Naisip niya.
"Siguro pwede kang magtanong sa kung anong bumabagabag sa kanya," suhestiyon ni Tetay.
"Hahanap ako ng tyempo para malapitan siya. Sa huli kong nalaman kay Manuel, dumating kuya niya dito at mukhang pinagtalunan nila ang tungkol sa kasintahan ni Julian," kwento ni Tammy.
Muntik nang nabitawan ni Tetay ang dala niyang mga plato. "Naku! Iyan na nga ba ang sinasabi ko!" Naramdaman ni Tetay na napalakas ang boses niya, kaya lumapit siya kay Tammy at binulong, "Baka nga magkakagulo dahil desidido si Julian kay Señorita Almira. Sana huwag magkatotoo hinala ko."
Lumakad papalayo si Tetay para mag-urong at iniwang nakatunganga si Tammy.
Ano kayang iniisip ni Manuel? Baka nga totoo hinala namin ni Tetay na tungkol iyon kay Kuya Julian at Señorita Almira.
Nang matapos na siya sa kanyang mga gawain, hinanap ni Tammy si Manuel. Buti na lang at nakita niya ito na nakadungaw sa bintana sa may salas. Dahan-dahan niya itong nilapitan.
"Maganda ang gabi ngayon, hindi ba?" Bungad ni Tammy.
"Oh, ikaw pala," wika ni Manuel nang naramdaman niya ang presensiya ng dalaga. Umusod siya para matabihan siya nito.
"Parang ang lalim ng iniisip mo." Nagpakita si Tammy ng munting ngiti sa binata.
"Para sa isang binibini, ikaw ay prangka at mukhang sanay nang makipag-usap sa isang binata." Napasandal si Manuel sa may bintana. "Sa lahat ng mga babaeng nakilala ko, ikaw ang pinaka-prangka. May pagkapilya rin. Naalala ko nang makipaglaban tayo kina Aron Sarrael. Saan mo nga pala natutunan ang kakayahang makipag-suntukan?"
"Naku, sanay naman ako makipag-usap sa lalaki dahil sa mga trabahador ng ama ko. Noong bata ako, palagi ko silang kausap at kabiruan. At natutunan kong makipaglaban sa kalye dahil tinuruan akong lumaban. Dinadamitan ako bilang isang lalaki dati kaya ako naging kilos lalaki."
Palusot lang iyon ni Tammy. Nahalata niyang napapansin ni Manuel na iba ang mga kilos niya kaysa sa mga babae ng kapanahunang iyon.
Di mapigilan ni Tammy na matawa.
"Pati ang tawa mo, tawa ng isang galawgaw na babae," ngisi ni Manuel. Halatang naaaliw ito sa kanya.
"Eh ikaw naman, panay hawak mo sa kamay ko noong ginamot kita," paalala ng dalaga. "Yung totoo, Manuel. Natitipuhan mo ako noh?" Sinagi niya ang tagliran nito.
Namula si Manuel at nilayo ang tingin sa kanya.
"Umamin ka na! Yihee!"
Naramdaman ni Tammy na lalong nanahimik ang binata. O sige na, di kita pipiliting umamin. Baka assuming lang ako. Isa ka pang medyo flirt eh.

BINABASA MO ANG
The Senorita
Narrativa StoricaSino kaya ang misteryosong babae sa likod ng isang lumang painting? Bakit siya nakatalikod at kilala lamang sa titulo na La Señorita or "The Señorita"? (Mi Senorita Duology Book 1) (COMPLETED-Wattys 2017 Storysmiths Awardee) Photo: "Una India" Oil...