Walang nadatnan si Tammy nang umuwi siya sa kanilang tahanan. Nakipag-usap siya sa kasambahay, na sinabing bukas pa uuwi ang kanyang mga magulang galing Hong Kong.
"Bukas pa po, Yaya? Anong oras dating nila?"
"Mga gabi pa, hija."
"Ah ganoon po ba?"
"Oo. Kumain ka na ng hapunan. May nakahanda diyan." Ngumiti sa kanya si Yaya.
"Ok po. Salamat."
Mag-isa siyang kumain ng hapunang nakahanda sa lamesa. Pagkatapos ay dumiretso siya sa kwarto, nag-shower, at nagbihis ng pantulog.
Napahiga si Tammy sa kama. Muling bumalik sa kanya ang naging buhay niya noong nakaraan. Na-miss niya ang modernong pamumuhay, aminado siya doon. Ngunit ang paglalakbay niya sa nakaraan ang nagpabago sa kanyang pagkatao. Natuto siyang maging indepenent at ng mga mano-manong gawaing bahay gaya ng paglalaba at pagluluto. Ngunit higit sa lahat, di niya inaakalang magkakaroon siya ng mga kaibigan.
Naisip niya sila Aling Simang, Tetay, at ang mga binata sa dormitorio. Naisip din niya ang maiksing panahon na naging kaibigan niya si Señorita Almira, at ang mga sandaling kapiling niya si Manuel.
Kung nasaan man sila ngayon, sana ay payapa na sila. Sila Aling Simang kaya, anong nangyari?
Bumaling si Tammy sa gilid at inabot ang calling card na binigay sa kanya ng receptionist sa museum. Naisip niya na pupuntahan niya ang taong ito bukas ng umaga, para matapos na ang kanyang assignment.
---
Maagang gumising si Tammy at nag-almusal. Pagkatapos ay naligo at nagbihis ito.
Agad niyang piniling isuot ang isang blue na shirtdress at silver flats. Habang nag-aayos siya ay doon niya natanto na miss din niyang mag baro't saya. Matagal din siyang di nakakapag-make up, at na-realize niya na gumanda ang kutis niya.
Siguro nga mas malinis ang hangin noong araw kaysa ngayon.
Naglagay siya ng face powder at lip tint. Napangiti siya sa sariling repleksyon sa salamin. Nabawasan ang kaartehan ko ah, biro niya.
Kinuha niya ang satchel bag at hawak niya ang calling card. Nagpaalam siya sa yaya nila at sinabing may pupuntahan lang siya.
Buti na lang ay inalok siyang magpahatid sa kotse nila, kaya doon na lang siya sumakay.
"Kuya, dito po sa address na ito..." Binasa niya ang calling card.
"Ah, sa Santa Ana pala! Sige ihahatid kita doon. Hihintayin pa ba kita?" Tanong ng driver.
"Kayo po, baka may byahe pa po kayo bago sunduin sila Papa sa airport."
"Wala pa naman, Ma'am Tammy. Hintayin na lang kita sa labas. Teka, para saan ba iyan dadalawin mo?" Kyuryoso nitong tanong.
"Sa assignment ko po sa school. May iinterviewhin lang."
"Ok po, mag-seatbelt ka na. Let's go!"
Nagsimula na ang byahe. Dahil malapit na ang Bagong Taon, hindi naman gaanong mabigat ang trapik. Nakarating din sila sa Santa Ana. Sinundan ng driver ang address na binigay ni Tammy, at tumigil sila sa isang lumang bahay na mukhang grandioso at maayos.
BINABASA MO ANG
The Senorita
Ficción históricaSino kaya ang misteryosong babae sa likod ng isang lumang painting? Bakit siya nakatalikod at kilala lamang sa titulo na La Señorita or "The Señorita"? (Mi Senorita Duology Book 1) (COMPLETED-Wattys 2017 Storysmiths Awardee) Photo: "Una India" Oil...