7-Nakakapanibago

22.9K 857 148
                                    

Biglang nagising si Tammy mula sa kanyang pagkakatulog. Hindi niya namalayan ang oras nang mapahiga siya sa kama, at lalong hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya.

Breakfast muna ako.

Iniisip niyang bababa siya mula sa kanyang kwarto at maaabutan ang kanilang kasambahay na nagluluto ng agahan.

Ngunit nang minulat niya ang kanyang mga mata, tumambad sa kanya ang kadiliman ng kanyang kwartong tinutuluyan. Nakahiga pala siya sa mababang kama kung saan ramdam niya ang lapat ng kanyang likod sa manipis na kutsyon.

At ngayon niya naalala ang lahat.

Nasa nakaraan pala ako. As in, past ng Pilipinas. 19th century. Panahon ng Kastila.

Naiinis siya sa sarili na nakalimutan pala niyang tanungin kung anong taon ba ito. Pero ayaw niyang mahalata siya, sa kadahilanang baka mapagkamalan siyang mahina ang ulo. Sa ngayon ay naisipan niyang huwag ipaalam na galing siya sa hinaharap. Siguradong walang maniniwala sa kanya. Ang alam nila ay galing siya sa Hong Kong at nawalan ng gamit. Kailangan niya ng matutuluyan at swerte naman at pinayagan siyang maging kapwa kasambahay sa isang dormitoryo na puro mga lalaking estudyante ang nakatira.

Kakayanin ko kaya ito?

Ramdam ni Tammy ang pag-agos ng luha sa kanyang mga mata. Ngunit agad niya itong pinalis. Kung napasok siya sa mahiwagang gulo na ito, dapat ay matuto siyang harapin ang consequences.

May narinig siyang katok sa pintuan ng kanyang kwarto. Agad siyang bumangon at binuksan ito.

"Hija, mag-agahan muna tayo bago magluto para sa mga estudyante."

Si Aling Simang pala ito.

"Susunod po ako sa inyo. Mag-aayos muna ako."

Tumango ang matanda at bago umalis, ito ang bilin niya:

"Ang kainan natin ay sa may kusina. May nakahanda na doon tinapay at kesong puti. Magkape ka na rin."

"Okay... Ibig kong sabihin, susunod po."

"Dalian mo at alas-singko na ng umaga. Gigising ang mga iyan ng bandang alas-sais y media."

Iyon ang huling sinabi ng matanda bago siya umalis.

Dali-daling nagsipilyo si Tammy gamit ang kanyang modernong toothbrush at toothpaste sabay hilamos. Pagkatapos ay agad niya itong tinago sa kanyang maliit na satchel backpack, na inilagay niya sa ilalim ng kanyang unan. Dahil hindi pa siya nakakahingi ng damit, pinagtiyagaan na lang niyang isuot ang damit niya at nagtali na lang siya ng kanyang buhok. Tapos ay umakyat na siya sa dormitoryo at dumiretso sa kusina. Nakita niya ang isang maliit na parihabang lamesa at apat na upuan.

Totoo nga na may naghihintay na pandesal, kesong puti, at mainit na kape. Andoon din sa hapag si Aling Simang. Matalas niyang tinignan ang dalaga, na tahimik na tumango sa kanya at naupo sa harapan nito.

Wala silang sinabi habang nag-aagahan. Lihim na maligaya si Tammy dahil matagal din siyang nalipasan ng gutom at ngayon lang din nakakain.

19th century breakfast! Sarap naman pala ng pandesal dito pati kesong puti!

Natapos din kumain ang dalawa. Nagpresenta na si Tammy na siya ang maghuhugas ng mga pinagkainan, nang may dumating na binata.

"Buenas Dias, Señora Simang."

The SenoritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon