Thank you! *u* Nakakatuwa naman na maraming nagbabasa nito. Lovelots! *u*
80 VOTES next CHAPTER <3
KABANATA 7
THE 8TH GOD
" Heneral Pearl!" nakalarawan ang pagkatakot sa mukha ng isang babaeng tagasilbi ng lumapit kay Pearl na makakasalubong nito.
"May problema ba?" wala sa tamang wisyo si Pearl para parusahan ang mga nasa Dungeon dahil sa kabagalan ng mga ito sa pagta-trabaho. Namatay ang gusto niyang laruan na si Shin, kung 'di 'to napinsala nang husto sa Abyss marahil buhay pa ang maangas na binata.
" Nawawala si Minana sa kanyang bilangguan!"anito na ikinabigla ni Pearl. Hindi kailanman magtatangkang tumakas si Minana. Ilang beses niya 'tong sinubukan –tinatanggalan niya 'to ng kandado kaya anong naisipan nito para tumakas? Wala ito sa hustong isip lalo pa't labis ang takot na nararamdaman nito sa kanya.
" Hindi siya makakaalis dito," tiim-bagang na wika ni Pearl. " Sabihin sa mga matataas kong guwardiya na utusan ang kanilang mga grupo na isara ang bawat lagusan na maaaring daanan ni Minana. Ibukas ang daanan patungo sa Dungeon Arena! Kailangan matuto ng babaeng 'yan, " lalong nagtumindi ang galit ni Pearl. Anong nakain nito para suwayin siya?! Wala nga 'tong kaalam-alam sa pasikot-sikot ng tore.
Ang Dungeon Arena ay isang ganapan ng labanan at pustahan ng mga Diyos. Ang pinakamalalakas na napipili ng mga ito ay nagiging bahagi ng mga pinagtitiwalaang tauhan ng mga ito, kaya nga umpisa pa lamang ay may hinimas ng mga manlalaro ang mga ito na siyang susubaybayan ng mga ito hanggang tagumpay o kamatayan.
Ang mga nasa Dungeon ay hindi tinutulungan ng mga Diyos sa labanan. Dahil gusto rin nilang makapili nang hustong tauhan sa p'westong ibibigay nila para sa mga ito. At sa araw na 'to magsisimula ang pagdagsa mga alipin sa Dungeon na nagnanais na makalaban sa Dungeon Arena upang matakasan ang pagkakakaalipin sa Deepest –ang ilalim na parte ng Dungeon kung saan ang mga ito nagta-trabaho, nasasaktan, inaalipin at namamatay.
Maaari rin na hindi sumangayon ang nanalong kalahok na maging alipin ng mga Diyos at naisin ng mga itong makalaya lamang. Ito ang mga humahanay sa grupo ng " FREEDOM PLAYER " kung saan nagdesisyon silang h'wag piliin ng kahit na sinong Diyos dahil ang nais nila'y makalaya oras na manalo. Kaya naman ang grupo ay nahahati sa FREEDOM PLAYERS at DUNGEON PLAYERS na siya namang nagnanais na piliin sila ng mga Diyos bilang alipin ng mga ito. Sa loob ng dalawampung palarong naganap sa Dungeon Arena – lahat ng nanalo roon ay naging alipin ng mga Diyos. Iilan lamang ang humahanay sa Freedom Players at nasasawi rin ang mga ito. Ngunit sa kasaysayan ng laro na nagaganap tuwing ika-dalawampung taon ang nakakalipas ay kilala ang mga FREEDOM PLAYERS bilang mga walang alam kaya pumila roon o' masyadong malakas ang tingin sa sarili kaya kahit isa walang nanalo sa mga ito.
Ang Freedom Players ay may itim na bilog na magsisilbing pin ng mga ito na may CODE letter and number. Ang Dungeon Players naman ay puti na may pulang sulat ng Code combination na letter and number din. Ang laban ay nakadepende sa nais ng mga Diyos. Ngunit kahit nasa iisang grupo ay maaaring magkalaban lalo pa't sa kasaysayan ay siyamnapu't limang porsiyento ay sa Dungeon Players bumibilang.
Lahat ng lalabas sa pintuan ng Dungeon Arena ay magiging kalahok. Kaya naman si Minana ay mapapabilang roon, dahil lahat ng tarangkahan ay ipinasara niya. At tanging ang daan lang sa Arena ang bukas, kailangan nitong matuto sa pagiging tampalasan.
Lakad-takbo ang ginawa ni Minana at Crescentine. Maraming pintuang nakapinid kaya iba't ibang ruta ang dinaanan nila. Mabigat ang lugar ni Virgo para kay Crescentine, marahil dahil sa isa siyang anghel kaya naman ang Underground ay isang mapanganib na lugar para sa kanya.
BINABASA MO ANG
Tormented Fate 2: THE 8TH UNHOLY GOD
WerewolfDUNGEON WAR Nang makarating si Lyra sa Dungeon para iligtas ang mga anak niya ay kasama niya ang mga matatalik na kaibigan. Ang mga ito ang katulong niya sa digmaan habang nahihimbing si Crescent, dahil sa kapangyarihan niya na iginawad dito. ...