Pasensiya na naging abala talaga 'ko! ^_^ Katuwa 'yung votes hahaha! Lovelots! <3 Sana parati kayong masipag magcomment and votes para naman napapabilis updates ko hahaha! Mwaaah! Thank You, from the bottom of my heart! <3#Misa_Crayola
KABANATA 18
TIGHT
Kabanata 18
" S-salamat," nanginginig kong wika sa kanya. Parang sasabog ang puso ko maging ang isipan ko'y tila 'di magawang mag-isip ng maayos lalo pa't tila lalo lang nakapagpapagulo sa 'kin ang nagsasabog na amoy ng napakabangong bulaklak ngayon na malapit siya sa 'kin.
"Tala," boses iyon ni Serpolette kaya naman agad akong tumayo sa labis na pagkapahiya. Nakita ko rin na marahan siyang tumindig at halos tingalain ko siya sa tangkad niya.
"Paumanhin," nahihiyang wika ko habang iniikot ko ang paningin ko sa lahat. Ibinalik ko ang tingin ko sa lalaking nasa harapan ko at nanlamig ang pakiramdam ko nang magtama ang paningin namin –saglit lang dahil agad siyang nag-iwas. Bakit may kirot sa damdamin ko ng ibaling niya ang tingin niya sa ibang direksiyon?
Hindi ko siya narinig na nagsalita. Naglakad lang siya patungo kay Master Dragon habang ako ay sumunod lamang ang paningin sa kanya. Siya nga ba talaga ang laman ng panaginip ko? Pumasok sila sa malaking pintuang may mga disenyong gawa sa ginto na alam kong tanggapan lamang ng pinaka-importanteng bisita sa Slave Trade.
"Paumanhin kung hindi ka niya nasagot, bibihira talagang magsalita ang Panginoon," wika ng lalaking may puting buhok at may magandang pangangatawan. Maging ang itsura niya ay maganda rin –nangangahulugan na tunay ang mga sabi-sabi na tila mga anghel ng lupa ang mga taong lobo.
"Isa ka bang lobo?" napalakas na tanong ko kaya naman lumapit na sa 'kin si Serpolette. Tila nabigla rin ang lalaki sa harapan ko pero agad siyang nakabawi at ngumiti.
"Paano mo nalaman?"tanong niya na nakapagkit ang ngiti. Lalo lamang sumasal ang tibok ng puso ko dahil malaki ang tiyansa na tama ang mga panaginip ko tungkol sa lalaking kanina lamang ay nasa harapan ko. Parang magpasahanggang ngayon ay 'di ko mapaniwalaan na nasa realidad ako –baka isa lamang 'tong panaginip?!
"Tala –"mahinang wika ni Serpolette sa 'kin pero narinig kong tinawag siya ni Mada'am kaya naman iniwan niya 'ko.
"Sa parte bang 'yon ang veranda?"turo niya sa direksiyong tama naman.
Sa kagustuhan kong may malaman sumagot ako nang"Sasamahan na kita, isa kang bisita kaya naman hayaan mong asitahin kita," nginitian ko siya, bakit ang gaan-gaan nang loob ko sa kanya? Parang matagal na simula nang makilala ko siya –pero imposible. Imposible nga ba?
"Salamat,"aniya habang papalapit na kami sa veranda. Sinalubong agad kami ng sariwang hangin at samyo ng mga bulaklak—pero walang makahihigit sa napakabangong amoy ng lalaking kanina lamang ay nagawa akong pawalain sa sarili. Napakaperpekto; ang bawat detalye ng pisikal niyang anyo ay tila isang 'di makatotohanang likha ngunit dumaan siya sa 'king harapan.
"Matagal ka na dito? Parang unang beses lang kitang nakita, imposible na sa ganda mong 'yan hindi kita matanaw," ngiti niya sa 'kin kaya nangiti naman ako. Kahit madalas kong marinig ang pamumuring pisikal sa 'kin iilan lang ang nakapagpapangiti talaga ng totoo sa 'kin. Pakiramdam ko wala sa kanya 'yung pagnanasa at pagsiyasat sa 'king katawan gaya ng ginagawa ng ibang kalalakihan na gusto yata akong hubdan t'wing kausap.
"Bago lamang ako dito, mula kami ng kaibigan kong si Serpolette sa ibang daigdig. Nakakatuwa na totoo pala talaga ang lahing lobo? Ano ba't mas gusto ko pa atang magkuwento kesa alamin ang ngalan mo, paumanhin," nahihiyang wika ko.
BINABASA MO ANG
Tormented Fate 2: THE 8TH UNHOLY GOD
Hombres LoboDUNGEON WAR Nang makarating si Lyra sa Dungeon para iligtas ang mga anak niya ay kasama niya ang mga matatalik na kaibigan. Ang mga ito ang katulong niya sa digmaan habang nahihimbing si Crescent, dahil sa kapangyarihan niya na iginawad dito. ...