K20: Lyra!

1.9K 195 55
                                    

PUREBLOOD series 5!

THE CLUMSY QUEEN and HER ILL-TEMPERED VAMPIRE KING! ( Hope you'll read this! This is my first ROMCOMVAMPIRE genre! Seeyah! <3 And thank you for making this story (TF II) #14 in werewolves category! <3


KABANATA 20

LYRA!

"Anong nawawala siya? Imposibleng mangyaring umalis si Minana dito nang 'di malalaman ng kahit na sino sa inyo!" ang kahinahunan ni Crescentine ay wala sa mga oras na 'yon. Kung hindi pa niya napapansin na naggagabi na hindi pa niya malalaman na nawawala ito dahil sa pagiging abala niya.

"Iyon ang totoo, hindi namin alam kung paano siyang nakalabas,"ani Second na napipikon na rin. Sila ang nakatalaga sa mismong tanging lugar na daanan palabas ng daigdig nila.

"Totoo ang sinasabi namin, isa pa wala namang dahilan para pagtakpan namin hindi ba?" mahinahon na wika ni Sixth na naaalarma na mag-away ang mga ito.

"Kailangan kong puntahan si papa, kailangan ko siyang mahanap," aniya sa sarili. Iniwan niya ng walang paalam ang mga ito.

"Sa tingin mo ba tama na nandito talaga tayo?" si Second.

"Si Crescent na ang Panginoon at ama natin, wala tayong ibang mundo maliban dito. Dito bilang tayo, pero sa New World wala tayong lugar," malungkot na saad ni Sixth na ngumiti para takpan ang kalungkutan na nadarama. Alam nila, alam nilang wala silang ama na maituturing kay Crescent –may tunay 'tong mga anak at hindi tama na makiamot sila sa p'westo ng mga ito.

**

"Katulad na katulad ni Serpolette si Lyra," ani Tomo na nangingiti habang minamasdan si Serpolette na sisima-simangot.

"Si Tala kabaligtaran siya ng mga katangian ni Lyra," si Leo.

"Sa tingin mo ba si Serpolette si Lyra?" ani Tomo na nangangamba rin dahil baka magkamali sila ng palagay.

"Nitong mga nakalipas na araw, sa tingin ko nakukuha na rin ni Serpolette ang atensiyon ng Panginoon, dahil sa kitang-kita na ang bawat galaw at limitasyon niya ay si Lyra napapansin ko na madalas siyang tinitignan ng Panginoon at nakita ko narin na nginitian siya nito." ani Leo

"Kahit parang aso't pusa si Tala at Serpolette marami namang pagkakataon na nagkakasundo sila. Hindi ko naman nakikita ang pagiging labis nilang magkatunggali." Bumuntong-hininga si Tomo at muling tinignan si Serpolette na inaamoy ang mga bulaklak na pinitas nito habang ngiting-ngiti.

Samantala si Tala ang kasama ni Crescent. Sa mga araw na lumilipas nalalaman niya na hindi kasing buti si Crescent ng itsura nito. May mga ugali 'tong nakakapangamba at nakakatakot ang mga tingin nito. Pakiramdam niya mahinang-mahina siya sa kompetisyon sa pagitan nila ni Serpolette at nasasaktan siya kapag nakikita niyang ito lamang ang tinitignan ni Crescent.

At ang pinakamasakit na nakita niya na hindi nagpatulog sa kanya ay nang makita ang dalawa na magkasama sa kalaliman ng gabi sa hardin at may pinag-uusapan. Nakangiti si Crescent at sa ngayon tila hindi na siya nito napapansin. Naririnig na niya ang mga katangian ni Lyra ay kabaligtaran niya at doon siya pinanghihinaan ng loob. Baka nga hindi siya si Lyra.

"May nais ka ba?" tanong nito nang 'di siya tinitignan. Nasa libro ang atensiyon nito.

"Ah, kumain ka na ba? Gusto mo bang ipagluto kita?" pinasigla niya ang boses.

"Hindi." tipid na sagot nito, walang amor.

"Umm, tsa'a?"pinipilit niyang patatagin ang loob. Mahal niya 'to, mahal na mahal. Iyon ang nararamdaman niya para rito, hindi na niya iniisip kung siya si Lyra kundi ang pag-ibig na nadarama niya para dito. Hindi na 'to kumibo kaya naman lumabas siya para ikuha 'to ng tsa'a. Nanghihina ang pakiramdam niya –napakalamig na ng pakitungo nito sa kanya.

Tormented Fate 2: THE 8TH UNHOLY GODTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon