Waaah! Thank you sa votes and comments! Nakakatuwa, nag update na 'ko. Sana po mag comment pa rin kayo sa reaction n'yo sa buong kuwento ng RBW 1 up to this. <3 You can tag me on facebook or kindly comment doon sa isang chapter na ang title ay MISACRAYOLA.
Next Chapter:
THE EPILOGUE ( WAKAS )
130 VOTES next Chapter! <3
Add me: Jovielyn Rivera (MisaCrayola)
Group: MisaCrayola
Chapter 25.2
MALAKING Pagsugod ang gumulatang sa daigdig ni Catalyst. Libo-libong halimaw ang lumalabas sa bawat itim na lagusang bigla na lamang lumitaw sa iba't ibang bahagi ng daigdig na 'yon. Sinundan pa 'yon nang malalakas na kulog at kidlat maging ilang ulit na paglindol na tila wawasakin na nga talaga ang daigdig na minsang naging masagana't buhay na buhay pagdating sa iba't ibang industriya't agrikultura.
"Catalyst,"nag-aalala si Chrysanta dahil baka gumuho ang kastilyo. Wala pa rin itong malay. Naririnig na nila ang mga kawal ni Catalyst na nakikipaglaban sa mga halimaw na nais sumira sa kastilyo. Maging si Haven ay sa labas ng kastilyo habang si Sebastian at Prince ay tumungo sa Isla Bella. Pero anong silbi kung iilan lamang sila?! Napakarami nang pagsugod at hindi nila kayang hatiin ang mga sarili nila sa pagsagip sa daigdig na 'yon!
"Ang bintana!" si Lyra na kasama ni Chrysanta'y nakita ang pagkaka-crack ng bintana. Mabilis siyang tumakbo roon upang harangan ang napipintong pagkawasak na maaaring bumubog kay Chrysanta at Catalyst.
"Mortal! Hindi mo kami mapoprotektahan!"sigaw sa kanya ni Chrysanta na naglabas ng isang pentagram na ibinato nito sa mga nababasag na bintana at nagsilbi iyong pampatibay.
"Catalyst,"naiiyak na wika ni Chrysanta nang mabaling ang atensiyon niya rito. Bumabangon 'to marahil dama nito ang nagaganap.
"Bakit hindi pa kayo umalis?"paos na tanong nito. Nakita niya si Tala at hindi niya alam kung bakit ito naroon. Nasapo niya ang ulo niya, mukhang dito na talaga siya magtatapos.
Tumayo siya at pansamantalang gumamit ng magic na magbibigay sa kanya ng panandaliang lakas. Tulad ng inaasahan si Virgo ang may kagagawan!
"H'wag kayong lalabas sa kuwarto na 'to, bago pa gumuho ang kastilyo magtungo na kayo sa New World,"ani Catalyst.
Umiling si Chrysanta,"Naka-sealed ang New World, hindi ko alam pero kanina na dinadala ko kayo roon hindi ko na magawa. Pakiramdam ko gumamit na sila ng mahika para tuluyang isara 'yon!" wala namang iba ang gagawa no'n kundi ang mga pureblood at spell caster.
Nagtiim-bagang si Catalyst. Kung ganoon, mamamatay silang lahat.
Alam ni Virgo ang kahinaan niya ngayon. At sa lagay ng kapangyarihan nito ay makakayanan nitong sakupin siya lalo pa't hindi isang malaking pamayanan ang daigdig niya. Pangkaraniwan ang mga naroon at ang mga hindi lamang ay iilan. Ngunit sa preparasyon at laki ng pangkat ng mga dala ni Virgo, nanganganib sila.
"Bakit ka pinabayaan ni Crescent dito?"tanong niya kay Tala.
"Nagtungo siya saglit sa Black Gate, babalik din siya—"ani Lyra.
"BLACK GATE? Para saan? Nagpapakamatay ba siya?!"sigaw ni Catalyst kaya nag-alala si Chrysanta at Lyra, mapanganib ba 'yon? Inakala nilang may kakausapin lang 'to roon.
Nakita nilang dalawa nang maglabas si Catalyst ng mga gintong palaso mula sa kamay nito.
"Wag ka ng lumikha niyan, nanganganib ka na nga!"si Chrysanta na pinipigil 'tong lumikha ng palaso. Malaking kapangyarihan ang kaakibat ng bawat isang palaso.
BINABASA MO ANG
Tormented Fate 2: THE 8TH UNHOLY GOD
WerewolfDUNGEON WAR Nang makarating si Lyra sa Dungeon para iligtas ang mga anak niya ay kasama niya ang mga matatalik na kaibigan. Ang mga ito ang katulong niya sa digmaan habang nahihimbing si Crescent, dahil sa kapangyarihan niya na iginawad dito. ...