K8: Thanatos

2K 169 28
                                    


Last 12 chapters! <3

90 VOTES next Chapter.

Thank you for choosing RBW  bilang isa sa mga istorya sa wattpad na sinusubaybayan ninyo. I love you all! <3


Kabanata 8

" THANATOS "


" Ang lupain na 'to ay hindi maaaring tanggapin ang kagawaran ng kapangyarihan kay Crescentine. Siya ay anak ng isang masamang anghel na ngayon ay isinilang sa pamilya ng mga lobo at gumawa nang napakaraming pagkakasala. Ang konseho ng mga anghel ay hindi mapapayagan ang nais mo, maging ang Great Spirit. " wika ng tagapagsalita sa pintuan ng kalangitan.

" Bakit ikaw ang nagsasabi niyan! Sapat ang kakayahan ni Crescentine para kam'tin niya ang kalakasan na 'yon at higit sa lahat dito siya lumaki, at kahit na bali-baliktarin natin ang mundo, puti ang pakpak ni Crescentine!" pakiramdam ni Rozen kinukuyumos ang puso niya dahil walang nais humarap sa kanya, tila ba isang malaking kalokohan ang ninanais niya. Siya lamang ang nakatungtong doon dahil humigpit ang seguridad ng mga anghel, sa tarangkahan pa lamang ay ikamamatay na ni Xerxes kung tatangkain nitong pumasok.

Ang mga anghel ay mayroon ding bersiyon ng Underground Gods –ang mga Greatest Spirit. Kaya hindi saklaw ng mga Underground Gods ang mga anghel at ang mga mortal na nilalang, maliban kung ito'y mga itinapon o ibinasura ng kalangitan dahil sa napakaraming kasalanan.

" Puti ang pakpak niya, isa 'yong kabanalan –" huminahon ang boses ni Rozen wari'y pinipilit kalmahin ang sarili.

" Ina, bakit nandiyan ka lang?" isang boses ang narinig ni Rozen at ng tagapagsalita kaya nilingon nila 'to. Si Crestia ang nakita nila at bakas sa mukha nito ang pagtataka.

" Crestia!" nakadama ng kakampi si Rozen. Anak niya 'to kahit pa ito ay regalo lamang ng Great Spirit, isang pamilya sila.

"Ina, lubos akong nag-aalala sa 'yo, at kay Crescentine!" nangilid ang luha ni Crestia na puting-puti ang humahakab sa katawan nitong kasuotan. Mabilis nitong tinawid ang pagitan nila at niyakap siya, lumakas ang pag-iyak nito. " Hindi ko malaman kung paano kayo hahanapin, halos masira na ang ulo ko, " anito pa at nang may maalala ay marahan nitong inilayo sa kanya si Rozen, ngunit nanatiling nakahawak ang kamay niya sa balikat nito. " Nasaan si Crescentine? Maayos lang ba siya? Ina, buhay pa ba siya?" sunod-sunod ang tanong ni Crestia.

"Buhay pa siya, at nasa panganib ang buhay niya sa Underground. Bawat oras ay mahalaga, kaya narito ko para hingin ang bendisyon ng Great Spirit na ipagkaloob kay Crescentine ang Great Angelus, " ani Rozen na ikinabigla ni Crestia.

Ang Great Angelus ay isang malakas na kapangyarihan. Hindi sa 'di siya bilib sa kakayahan ni Crescentine, ngunit ang karanasan at edad nito'y hindi pa naaayon. At higit sa lahat, kakayanin ba ng katawan nito ang isang kalakasang ganoon katindi?

" Ina, " ani Crestia na nagtatalo ang isipan dahil nasa peligro ang buhay ni Crescentine doon. At ang pagpayag ng konseho, makukuha ba nila?

**

SHIN

Bawat nilalang na makita ko pinapaslang ko. Pakiramdam ko sasabog ang damdamin ko sa galit na nararamdaman ko. Napakaraming dagok ang pinagdaanan ng pamilya ko, higit ang mga magulang ko.

Hindi ko halos mapaghiwalay ang mga ngipin ko sa pagtitiim-bagang. Hindi ko kailanman tatalikuran ang laban na 'to at kahit kailan hinding-hindi ko hihilingin na buhayin ako, mas nanaisin kong mapaslang ng lumalaban. Iyon ang sabi ni papa, kahihiyan ang pagtalikod sa laban. Kung may higit pang Diyos sa kanila, maaari bang hilingin ng isang makasalanan at pinili pang mas maging makasalanan na sa pagkakataon na 'to, sa panahon na 'to, maaari bang magkasama na si mama at papa ng payapa? Maari bang tapusin na niya ang pagdurusa ng aking ina na matagal ng umaasa sa pagbabalik niya?

Tormented Fate 2: THE 8TH UNHOLY GODTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon