K22: PROPESIYA

1.9K 149 23
                                    

Isasakto ko ng 25 chapters! :) <3

Last 3 --

Coming Next:

SHIN -- THE BEAST in ME ( 15 Chaps )

Wala si Crescentine dahil siya ay marami pang misyon sa buhay. Haha!

SEVENTH SANCTUM

THE EMPEROR'S BLOOD ( BLOOD/ LUNAR )



**

"Ama!" sigaw ni Peace. Pakiramdam ng dalaga ay sinisilaban ang marka niya na mula kay Crescent. Pakiramdam niya mas nanaisin pa niyang matulog ng mahabang panahon kesa maramdaman ang paulit-ulit na pagpapahirap sa kanya ng death-mark.

"Hayop talaga siya!" gigil na gigil si Virgo. Kinakailangan niyang makaganti kay Crescent.

"Ama, si Seventh, hindi mo pa ba siya maibabalik dito?" si Peace na pilit tumatayo sa pagkakahiga.

Inalalayan siya ng ama upang makaayos ng upo."Ama, labis akong nahihirapan, wala bang paraan upang tanggalin ko ang markang 'to?" awang-awa na si Peace sa sarili at doble naman ang sakit niyon para kay Virgo lalo pa't mahal na mahal niya ang anak.

"H'wag kang mag alala, hindi maaaring hindi kita maipaghiganti! At si Seventh, babalik siya sa 'yo anak, hindi ko hahayaan na bumali siya sa kanyang mga pangako."Pagpapagaan ni Virgo sa nadarama ng kanyang anak.

Kung akala mo napakadaling kalabanin ako, magsisisi ka Crescent. Isa 'kong Upper God at hindi isang pipitsugin lamang. Bago ka pa lamang, at nasisiguro ko sa 'yo na pagdudulutan kita ng maraming delubyo. At ipaparanas ko sa mga anak mo ang hagupit ng paghihiganti ko.

"Amaaaaaa..."nagsisimula na naman hawakan ni Peace ang leeg niya. "Amaaaaaaaaa! Nasasakal ako, ama tulungan mo 'ko!" umiiyak nang umiiyak si Peace katulad ng iba pang nalagyan ng Death-Mark ni Crescent.

**

TALA ( LYRA)

"Crescent—"nahinto ako sa paglalakad nang makita ko siya sa hardin at sa kaliwang palad niya na nakalahad ay isang pulang enerhiya. Naringgan ko siya ng kakaibang mga salita –salitang tila may mahika. Tila hindi niya 'ko naririnig kaya naman minasdan ko lang siya. Marahil malalim ang konsentrasyon niya.

Unti-unti nakita ko ang kalangitan na may mga kidlat ng gumuguhit ngunit wala roon ang dagundong ng kulog. Napakadilim ng gabi ngayon –kahit isang bituin wala akong matanaw. Isang malakas na hangin ang biglang dumaan sa 'min kaya napasigaw ako sa pagkabigla dahil halos nagtaasan lahat ng buhok ko ganoon rin ang sa kanya. Ngunit kahit anong lakas ng sigaw ko ay wala pa rin siyang naging pagtugon.

Isang pulang enerhiyang bilog sa kanyang paanan ang lumabas –nagliliwanag at animo'y may apoy na unti-unting nagliliyab sa paligid niyon.

Isang ilang na isla ang kinalalagyan namin. Dito sa New World matatagpuan namin ang Panginoong Catalyst –nasa kanya ang mga alaala ko. At naniniwala ako na mabuti siyang nilalang sapagkat siya ang dahilan kung bakit kami nagtagpo muli ni Crescent.

Hindi biro ang pinagdaanan ko sa Isla Bella –ilang beses akong nasampal dahil sa pagkakamali ko sa pagsasayaw. Ilang beses akong nagtangkang tumakas dahil ayoko ng buhay bilang taga-aliw, ilang beses rin akong kinulong dahil sa mga sugat na tinatamo ko na nakakapagpapangit daw sa 'king balat. Kinakailangan maging marikit at kaakit-akit –iyan ang palagi nilang bilin. Isang karumihan kung kahit pilat ay magkakaroon kami.

Tormented Fate 2: THE 8TH UNHOLY GODTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon