100 VOTES next CHAPTER <33
KABANATA 10
" SAKRIPISYO "
**
"Hindi ko na mahihintay ang laban, hindi na 'ko magtatagal sa mundong 'to," nakuyom ni Shin ang mga palad. Pakiramdam niya anumang oras mawawala na siya sa katinuan, masyado nang napagkakaisahan sila. Maging ang kanilang ina ay nadaramay. Nararamdaman niya ang kanyang ina sa mundong iyon at wala ang presensiya ng ama.
" Ang galit ang nagpapalakas sa 'yo, 'wag mo ring hayaan na kontrolin ka nito. Shin, pag-isipan mo munang –" nangiti na lang si Vlad nang mawala na 'to sa harapan niya. Habang nagkakaisa ang marami sa mga pagpipilian ng Diyos ay siya namang pagtungo roon ni Shin at walang pasintabing inilabas ang mga matatalim na kuko at bawat makasalubong niya'y pinapatay niya, malupit na kamatayan at wala siyang kahit na anong iniisip kundi makalabas sa lugar na 'yon. Napakarami ng mga ito kaya naman tinawag niya ang power spirit niya, " Crimson!" sigaw niya kasunod ng paglabas ng isang malaking putlang Tetragama at lumabas ang isang nag-aapoy na malaking Leon ang itsura. Nagbalik na ang kapangyarihan niya, nagbalik na ang kaibigan niyang si Crimson at higit sa lahat nagbalik na ang paghahangad sa puso niya.
Inilabas niya ang espada niya at mabilis namang hinigop no'n si Crimson, napapaligiran na siya at maging ang mga Diyos ay kinapagtaka kung sino ang lalaking nakasuot ng itim na hood na 'yon hanggang tumambad sa kanila ang inakalang patay ng anak ni Crescent.
"Shin!" si Vishnu na nabigla rin, napakaraming kalaban nagkakagulo na at umugong ang isang boses na nagsasabing paslangin ang nilalang na hindi sumusunod sa patakaran ng Dungeon Arena.
"Tandaan n'yo lahat ng ginagawa n'yo sa 'min, tandaan n'yo ang mga kalupitan na tinamasa namin sa inyo dahil hihigitan 'yon nang paghihirap na daranasin n'yo!" malakas at puno nang poot na alingawngaw ng boses ni Shin. Hindi siya mamamatay kahit napakaraming pagsugod at mahika ang tumatama sa kanya, mas matibay ang sandata niyang poot. Halos nagliliyab ang espada niya na sa isang wasiwas lamang ay nagdudulot ng malaking pagsugod, hangin na nababalot ng apoy na sumusunog sa bawat matatamaan.
" Sa bawat isang kasiyahan, siyam na beses ang ganti ng sakit sa kanya! Hindi siya ang pinakamasama, hindi siya kikitil ng buhay kung 'di siya ang aagrabayaduhin! Ibinintang n'yo sa kanya ang lahat, kahit mas maraming higit na makasalanan sa kanya! Kayo ang nagpabago sa kanya, kayo ang bumuo ng halimaw sa pagkatao ng aming ama, pagsisisihan n'yo.... pagsisisihan n'yo lahat ng 'to!" sigaw ni Shin na nagpabitak-bitak ng lupa kaya naman nakadama ng pagkaalarma ang mga lalaban sa Dungeon Arena. Tila 'to tigreng handang sumila at pumatay.
" Crescentine," si Minana nang bumitaw 'to sa kanya. Isang shield ang binuo ni Crescentine para 'di mapasok si Minana, " Malalaman mo na napaslang na 'ko kung mawawala ang shield na 'yan, sa pagkakataong 'yon tumakbo ka at tumakas, gagawa ako ng paraan para magkaroon ng dimensiyon patungo sa kalangitan ng mga tala," ani Crescentine, ang taktika na 'yon ang sasagip sa iba, pero hindi sa kanya, ikakamatay niya 'yon kaya kahit kailan hindi niya naisip na magkakaroon ng pakinabang ang kapangyarihang 'yon sa kanya, pero kung matatagpuan niya ang ina at makakatakas na ito sa mundong 'yon kasama ni Minana at nang iba pa, siguro 'di na masamang isakripisyo ang buhay niya.
Nakuyom niya ang palad, kitang-kita niya kung gaano kalakas si Shin at puro pagsigaw ng kamatayan ang naririnig niya. Mga nagtitilamsikang dugo na maging siya'y inaabot. Nakita niya rin ang pakikipaglaban nila Vishnu kasama ang iba pa, nakiisa 'to sa layunin ni Shin na hindi na maghintay pa.
Ilang beses niyang nakita nag nagliliyab na apoy sa bawat pag-atake nito, daig pa nitong nagkakalat ng apoy ng impiyerno. Galit na galit ito.
Samantalang si Vlad ay nasa tuktok lang ng isang bato at minamasdan ang kaganapan. Kung hindi mamamatay ang mga anak ni Crescent, nasisiguro niyang magiging makapangyarihan ang lipi nito na iniiwasan ng mga Diyos ng Underground. Wala pang buhay na sakripisyo si Crescent, ngunit sino ang kukunin kay Crescent? May makakapigil ba sa kapalaran ng bawat isang Diyos?
BINABASA MO ANG
Tormented Fate 2: THE 8TH UNHOLY GOD
WerewolfDUNGEON WAR Nang makarating si Lyra sa Dungeon para iligtas ang mga anak niya ay kasama niya ang mga matatalik na kaibigan. Ang mga ito ang katulong niya sa digmaan habang nahihimbing si Crescent, dahil sa kapangyarihan niya na iginawad dito. ...