Kabanata 9
THE QUEEN'S QUEST
"VIRGO," Banggit ni Lyra sa ngalan ng pintuang papasukin nila. " Kinakailangan na nating maghiwa-hiwalay. Nauubos lang ang oras natin sa lugar na 'to," aniya na mahigpit na hinawakan ang hawak na palaso.
" Kakayanin mo bang mag-isa?" si Vishnu.
"Oo, kakayanin ni Lyra 'yan," sansala ni Greece sa maaaring idugtong ni Vishnu. Hindi isang mahina si Lyra, malakas 'tong babae sadya lamang na masyadong malakas si Crescent kaya kung tignan ito ay mahinang babae. Pero sino man sa kanila ay mahina kumpara kay Crescent at aminado siya na napakapanganib nito. " Lyra, lumabas ka agad. Huling laban mo na 'to, sila lang naman ang nagpapahirap sa inyo," dugtong pa ni Greece kaya ngumiti si Lyra. Kung ibang pagkakataon, baka umiyak pa siya pero gusto niya na talagang umalis sa salitang " Mahina," at katulad ng sinabi ni Crescent sa anak nilang si Shin noon, ang Kamatayan sa digmaan ay isang kalakasan, mas tamang mamatay ng lumalaban kesa sumuko ng nabubuhay.
"Lyra, hindi masama ang ibig kong sabihin. Hindi ko lang gustong mawalay ka sa 'ming paningin dahil higit kanino man, ikaw ang kalakasan at kahinaan ni Crescent. At takot kaming gamitin ka nila bilang sandata, " ani Vishnu na niyakap si Lyra. " Mag-iingat ka, kailangan natin magmadali, natutuwa ako na malaki ang ipinagbago mo. Nasisiyahan akong makita ka bilang isang tunay na mandirigma, " marahan itong bumitiw kay Lyra.
"Bakit ganito ang mga kamay ko, " ani Alice na tila naglalaho ang kamay at maging sila Vishnu mismo.
"Kami ay may palaro sa Dungeon Arena, ang nais namin ay kunin ang iba sa inyo bilang kalahok. Dadalhin na namin kayo," wika ng isang boses sa kung saan. " Ang kabiyak lamang ni Crescent ang maiiwan, sapagkat siya lang naman ang may kailangan sa mga Underground Gods," wika pa nito.
Sa mga salitang sinabi ng boses ay nahintatakutan si Vishnu maging si Winter ay nakadama ng kakaiba. Ilalayo sila kay Lyra, ibig sabihin lang may balak ang mga itong masama kay Lyra.
"LYRAAAAAAAAAAA!" Sigaw ni Vishnu na nais pa sanang may sabihin ngunit naglaho na silang apat at naiwan si Lyra na nagtataka. Nag-iisa na siya, panghihinaan ba siya ng loob? Hindi maaari, kung saan man dadalhin ang mga ito ay magtatagpo pa rin sila at sigurado na pare-pareho naman silang lalaban.
Nabigla siya nang umingit ang pintuan sa likuran niya. At nang lingunin niya ang pintuan ni Virgo ay tila inaaya na siyang pumasok. Hindi niya batid na kumpara sa ibang mga pintuan, ang mga kalaban nila ay mga pangkaraniwan lamang o' pinakamadali lang ang mga pagsubok. Samantalang kay Virgo, ay naglaan ng espesyal para kay Lyra.
Walang pagdadalawang isip niya 'yong pinasok. Kahit iwasan niya ang nakakapaghinalang pintuan na 'yon ngayon, babalik pa rin siya roon para kumpletuhin ang mga diamante sa bawat pintuan.
" Crescent, hindi tayo susuko, ano man ang mangyari." hinawakan ni Lyra ang kontrata niya kay Crescent.
Isang malawakang liwanag ang nakita niya na agad nagpasilaw sa kanya. Iniharang niya ang braso upang ipananggalang sa kanyang mata, agad rin namang nakabawi ang paningin niya sa biglaang liwanag. Marahan niyang ibinaba ang braso at minasdan ang lugar na kinalalagyan. Isa iyong malaking arena ngunit walang ibang nilalang roon maliban sa kanya. Nasa gitna siyang disyerto at walang kahit na isa man na puno siyang matanaw. Disyerto na malamig ang simoy ng hangin.
"Maligayang pagdating," wika ng isang boses na nagpalingon kay Lyra sa likuran niya. Isang makisig na lalaki ang natagpuan niya ngunit naroon ang kakaibang ngiti sa labi, hinawakan niya agad ang punyal na mula kay Crescent. Damang-dama niya agad na mapanganib ito.
" Gusto ko sanang makarating ka muna sa susunod na pagsubok mo bago kita kitain, ngunit hindi ko na mapigilan ang aking sarili," halos tunawin ni Virgo ng tingin si Lyra na abala sa pagmamasid sa bawat galaw nito. Maaaring bigla na lamang siya nitong sugurin.
![](https://img.wattpad.com/cover/90669641-288-k704440.jpg)
BINABASA MO ANG
Tormented Fate 2: THE 8TH UNHOLY GOD
Hombres LoboDUNGEON WAR Nang makarating si Lyra sa Dungeon para iligtas ang mga anak niya ay kasama niya ang mga matatalik na kaibigan. Ang mga ito ang katulong niya sa digmaan habang nahihimbing si Crescent, dahil sa kapangyarihan niya na iginawad dito. ...