EPILOGUE
SEVENTH
Lumabas ang tatlong ahas ni Virgo na sumira sa itaas na bahagi ng kastilyo. Nagwawala 'yon at halos walang kontrol. Ilang beses na bumuga ng laway na nakalalapnos kaya agad kaming naalarma. Nakalutang sa ere si Virgo habang isinisigaw niya lahat ng mga pagbabayaran ni papa sa kanya.
Si Papa na kasunod na dumating ni Virgo at habang gumuguhit sa kalangitan ang mga kidlat at dumadagundong naman ang sunod-sunod na kulog. Sunog ang kumalat sa buong lugar dahil sa mga walang kontrol na pagbagsak ng mga kidlat. Maging ang mga halimaw na nagmumula sa mga lagusan ay hindi binuhay ng mga kidlat.
Sumigaw si Chrysanta na iligtas namin ang mga may buhay pa at pagsama-samahin sa harang. Ginawa namin 'yon dahil hindi naman namin nakikitang agrabyado si papa, tila magsisimula pa lamang ang laban nila ni Virgo.
Nakalutang maging siya at nagliliyab ang isa sa mga buntot niya. Iba ang mga mata niya at labis ang galit na nadarama ko sa awra niya. May tinawag siyang 'Crassus' kasunod no'n ang paglabas ng isang nagliliyab na dragon na ikinabigla ko. Higit siya kay Hephaestus, hindi na 'ko magtataka na siya na ang sinasabing pinakamalakas na kapatid at tagapagbantay ng pintuan ng diyos ni papa.
Ilang beses akong napahinto sa ginagawa ko dahil maging si Virgo'y halatang nangilabot. Bakit hindi? Napakalaki ng Dragon at nanliit ang kapangyarihan niya. Ito ang isa sa pagkakataon na makikita kong makikipaglaban si papa.
Inakala ko na tatapusin na ng Dragon si Virgo at ang hawak nitong espiritu ng tatlong ulo ng ahas. Ngunit hindi, dahil naging sandata siya na nabuo sa kaliwang kamay ni papa. Alam ko na huminto maging si Crescentine at Shin –ang kaliwang kamay ang pinakamalakas na bahagi ni papa. Hindi niya ginagamit 'yon kahit sa mga nakaraang kalaban niya. Pero ngayon gagamitin niya 'yon. Sabagay, isa pa ring diyos si Virgo ng Underground.
Maraming pag-aalimura na binanggit si Virgo ngunit wala kaming narinig kahit isa kay papa. Ngunit ang bumuhay ng galit namin ng sabihin niya kung paano niya nilinlang si mama, pinagnasahan at pinatay.
" Le fevre da ra Helios!" ang galit na galit na sigaw ni papa. Ang mga salitang 'yon ay ang pinaka-nakalalapastangan na salita na maging sa hayop ay hindi mo nararapat sabihin. Nakuyom ko ang mga palad ko dahil sa tindi rin ng galit na nadarama ko.
Ang babaeng sinaktan niya ay ang pinakamahalagang parte ng buhay naming lahat. Pakiwari ko'y niyuyurakan niya ang lahi't angkan namin sa harap-harapang paglapastangan niya sa 'ming ina.
"Shin! Crescentine!"sigaw ko sa mga kapatid ko na namumuhi rin at nagreresulta 'yon ng mga pagyanig.
"Kailangan niyang magdusaaaaaa!"galit na sigaw ni Shin.
Ilang beses na dumura ang damuhong ahas patungo sa 'ming ama na mabilis 'yong naiiwasan at sa t'wing nalalapit 'yon ay agad nitong hinaharang ang espada na kahit gasgas ay hindi nagkakaroon. Ang liyab ng apoy niyon ay higit sa asido ng alaga ni Virgo.
Si Virgo ay lumikod lang sa kanyang alaga at panay ang utos. May mga binanggit siyang spell kaya lalong lumaki ang mga lagusan at naglabasan ang iba't ibang halimaw na nakapagtatakang nagsama-sama at nabuo.
Iyon ang tinungo namin at kinalaban. Habang sa harang naroon ang kapatid namin si Chrysanta at ang iba pa. Sa sama-samang kapangyarihan namin ay natapos naming tatlo ang kalaban at nang lingunin namin ang laban sa pagitan ni papa at Virgo ay batid na namin kung paano matatapos ang laban.
Sa isipan nag-usap-usap kami na gawin na ang inaral naming spell patungo sa makabagong Abyss. Nagtungo kami sa ibabang bahagi ng laban at bumuo ng isang makapangyarihang Circle.
BINABASA MO ANG
Tormented Fate 2: THE 8TH UNHOLY GOD
LobisomemDUNGEON WAR Nang makarating si Lyra sa Dungeon para iligtas ang mga anak niya ay kasama niya ang mga matatalik na kaibigan. Ang mga ito ang katulong niya sa digmaan habang nahihimbing si Crescent, dahil sa kapangyarihan niya na iginawad dito. ...