100 VOTES next CHAPT!
KABANATA 12
FAREWELL
"Palalayain ang mga anak ni Crescent. Iyan ang napagkasunduan,"si Zero kay Virgo nang siya lang ang abutan nito sa bulwagan ng pagpupulong. "Isa ng diyos si Crescent. Kaya naman kapag naupo siya sa trono niya ay kabilang na siya sa 'ting konseho,"
"Anong kahibangan 'yan?!" pagalit ngunit pilit pinakakalma ni Virgo ang boses niya.
"Magdedeklara ng digmaan si Crescent sampung taon mula ngayon, mas mabuti pang palakasin mo ang militar at armas mo." si Zero na isang glass rubics cube naman ang iniikot-ikot.
"Sa tingin mo matatalo ako ng isang bagitong Diyos?" palatak ni Virgo.
"Sinong may alam? Isa lang ang sigurado ko, sampung taon mula ngayon muling babalik sa pito ang Diyos at maaaring bumaba pa nang husto ang bilang." ngiti ni Zero, " At handa ang nasasakupan ko sa posibleng digmaan na ibabanta ninuman," ngiti pa ni Zero.
"Kung 'di mo sila palalayain, kami mismo ang kukuha sa kanila at magpapalabas. Iyon lang malaking pinsala ang iiwan namin kung ganoon,"
"Pinapanigan mo rin siya?!"
"Wala akong pinapanigan, gusto ko lang ang isipin na pantay ang magiging laban sampung taon mula ngayon," ngiti ni Zero bago ito tumayo.
Galit na galit si Virgo kaya kuyom na kuyom ang palad niya. Sa labis na galit niya lumakas ang pag-ulan sa kanyang mundo. Si Seventh kailangan na maging lihim ang pagiging tau-tauhan nito sa kanyang mundo.
Wala rin siyang nagawa kundi palayain ang mga anak ni Crescent at masunmpungan ng mga ito sa pagmulat ng mata ang mundong nilikha ng ama nito. Sampung taon mula ngayon, sisiguraduhin na niyang mapapaslang ang pamilya ni Crescent. Hangga't 'di nakakamit ni Crescent ang lalaking Dragon sa ika-walong pintuan ay mananatiling mababang uri ng Diyos ito.
**
"Pinalaya nila kami," ani Vlad nang mamulatan bigla ang Zordick Mansion, sa labas ng hardin kasama niya roon ang mga kasamahan niyang pumasok sa loob ng Dungeon. Wala na roon si Lacie at Lyra. Kung ganoon, tama ang pakiwari niya na nagising na si Crescent at wala na rin si Lyra.
"Pumanaw na si Lyra," ani Vishnu na hawak ang kaliwang mata. Walang umiimik, lahat nabigla, maging si Lacie ay nawawala kaya posibleng wala na rin ito. Hindi sila makagalaw halos, wala silang nagawa, ang dahilan ng pagsama nila ay para iligtas si Lyra kung sakali pero hindi nila nagawa, isang kahihiyan na nakauwi silang buhay na tila ba pinrotektahan lang nila ang sarili.
"Kailangan ko ng umalis, tatanggapin ko ano man ang kaparusahan ng Panginoon," ani Winter, bilang isang miyembro ng Scorpion, hindi niya nagawang iligtas si Lyra at mas nanaisin pa niya ang kamatayan dahil sa nagawa.
"Sasama ako, hindi ako makakatungo roon kundi dahil sa 'yo," ani Vishnu.
"Sasama rin kami," si Greece na tinignan si Alice na tumango habang pinupunasan ang mga luha niya.
Nang makaalis na ang mga ito ay siya namang dating ng asawa ni Vlad na si Rain.
"Nagbalik ka na," agad itong yumakap sa asawa at kinintalan 'to ng mariing halik bago 'to nginitian at nadama niya ang pagkakagulo ng isipan ni Vlad. Hindi man niya gustong dagdagan ang isipin nito ay kinailangan niyang ipakita rito ang liham sa itim na papel na siyang ginagamit ng mga Wolveus na may puting tinta ang kapares.
Nagtataka man sa sulat ay inabot ni Vlad ang liham na ipinakita ni Rain at ibinukas iyon. Nagimbal siya sa paraan ng pagsulat niyon, magulo, mariin at tila puno ng galit.

BINABASA MO ANG
Tormented Fate 2: THE 8TH UNHOLY GOD
Hombres LoboDUNGEON WAR Nang makarating si Lyra sa Dungeon para iligtas ang mga anak niya ay kasama niya ang mga matatalik na kaibigan. Ang mga ito ang katulong niya sa digmaan habang nahihimbing si Crescent, dahil sa kapangyarihan niya na iginawad dito. ...