7 UNDERGROUND GODS
ZANDRO
CATALYST
ZERO
VIRGO
WRATHER
VERMILLION
SAPIRO
Kabanata 1
Si Haven ay kabilang sa konseho ng mga anghel na sumasalungat sa kautusan ng nakatataas.Sinusuportahan ni Haven ang isa sa Underground God Demon na si Catalyst –siya rin ang naging taga-pamagitan upang maipaabot kay Lyra ang palaso na magiging susi ni Lyra at ng mga kasamahan nito upang makapasok sa loob ng Dungeon, ang pinakailalim na parte ng Underground World kung saan matatagpuan sa itaas niyon ang mga kinikilalang Diyos na si Catalyst, Zandro, Virgo, Wrather, Vermillion, Zero at Sapiro.
Nang pawalan ang palaso nagsabog 'yon ng liwanag na nagbukas ng isang lagusan. Kasama ang kambal na si Lacie at Alice, Greece SinClair, Vlad Zordick, Vishnu, Winter at Frances pumasok si Lyra sa loob ng Dungeon.
Papasok pa lamang sila'y naramdaman na 'yon ng mga Diyos ng Underground na nakaupo sa kani-kanilang trono sa itaas na bahagi ng Dungeon kung saan nakatunghay sila sa magaganap. Ang paikot na itaas na bahagi ng Dungeon ay nahahati sa walong trono na noon pa ma'y ginawa na at mauupuan na sa susunod na mga panahon dahil sa pagpili kay Crescent.
" Paano siya nakapasok dito?" naroon ang pgtataka kay Zandro. Hindi niya pahihintulutan na pumasok si Lyra sa Dungeon dahil hindi birong panganib ang kahaharapin nito. Isa pa isa sa batas nila na hindi makialam sa labanan kung ito'y pinamumunuan ng isa sa kanilang mga Diyos –gano'n sila kaya 'di nagaganap ang digmaan.
" Makakapasok lang siya dito kung may nagbigay sa kanya ng pahintulot mula sa isa sa 'tin, " ani Zero. Bagaman malalayo ang pagitan nila ay nakakapag-usap sila dahil sa kakayahan nilang mag-usap usap gamit ang kanilang isipan.
" Dahil pinahintulutan siya at ako ang nangangalaga sa Dungeon, alam kong batid n'yo na pero sasabihin ko pa rin, " tumawa si Virgo, " Ito na ang magiging libingan niya kasama ng mga anak niya, " ngumisi si Virgo habang minamasdan ang tuluyang pagpasok nila Lyra sa Dungeon. Sa harapan niyon ay tila nahalina ang mga iba't ibang malalakas na halimaw roon sa liwanag na dulot ng pagbubukas ng Dungeon. Iyon ang inaasam nilang liwanag dahil nakakalabas sila mula roon kaya naman mabilis sumugod ang mga naglalakihang halimaw na may taas na sampu hanggang labing-limang talampakan. Mau ulo ng isang toro na may baluktot na panuwag, may mga matang tila sa isang sawa, at ngiping matatalas. Mabalahibo rin ang mga ito ngunit nakatayo sa dalawang paa at may hawak na iba't ibang uri ng sandata. Ang pinakamalalaki naman na labing-limang talampakan ay mga kulay asul at lumot na sireno ng karagatan na may kaunting hawig sa tao ngunit kakikitaan ng hawig sa mga isda. May hawak ang mga ito na tila baseball bat na may iba't ibang kulay ng diamante ang limang bilog na hugis tatsulok. Kung bibilangin ang mabibilis na nagtatakbuhan ay nasa limangdaan ang sumusugod.
" Dito pa lang mamamatay na sila, "si Vermillion na siyang may mahabang buhok sa mga Diyos na nakatirintas at ang mga mata'y tila sa ahas rin nito nakuha. Sa likuran ng trono niya'y naroon si Yana ang kanyang kabiyak na katulad niya rin ng mga mata at itim na buhok na nagpapakita lamang na sa iisang lahi sila nabibilang.
" Ano sa tingin mo, Panginoong Catalyst? " bulong ni Croissant ang madalas kasama ni Catalyst sa kanyang trono kapag naroon. Kasama nito ang katulad nitong Elfo ang anyo na si Daradadam.
BINABASA MO ANG
Tormented Fate 2: THE 8TH UNHOLY GOD
LobisomemDUNGEON WAR Nang makarating si Lyra sa Dungeon para iligtas ang mga anak niya ay kasama niya ang mga matatalik na kaibigan. Ang mga ito ang katulong niya sa digmaan habang nahihimbing si Crescent, dahil sa kapangyarihan niya na iginawad dito. ...