KABANATA 13: PICTURE PERFECT
( May parte ng Seventh Sanctum dito, gayunpaman inaanyayahan ko kayo na basahin si Seventh dahil pansamantalang titigil ang TORMENTED FATE II upang magbigay daan sa kabanata ni Seventh, wag kayong mag-alala dahil matatagpuan n'yo roon ang buong pamilya nila. Pero mag uupdate rin ako dito, kung kinakailangan. )
At ang TORMENTED FATE ay nakatakdang i-self published sa buwan ng JUNE sa parehong presyo ng Book 1 at Book 2. Salamat!
"Master," si Tamtam na nasa 'di kalayuan. Kitang-kita niya ang labis na galit ni Seventh, nanlilisik ang mga mata nito at kuyom na kuyom ang palad nito sa hawak nitong sandata mula kay Crescent.
"Ang iyong ama ang may kasalanan, inilagay niya sa panganib ang iyong ina—"
"Hindi niya ilalagay sa panganib si mama!" lalong nagtagis ang bagang ni Seventh,"Hindi niya kailanman nanaisin na malagay sa panganib si mama,at nasisiguro ko na labis ang pagluluksa niya,"
Nakarinig siya nang kakaibang ingay mula sa itaas tila isang bibrasyon na may kasamang mahika ang palakas nang palakas patungo sa kanya. At ang nakakapagtaka roon ay tila siya lamang ang nakaririnig at masyadong masakit sa pandinig 'yon.
"Tam—" ani Seventh dahil tila pinipiga ang isipan niya. Nahawakan niya ang ulo niya at nadinig niya pa ang may pag-aalalang boses ni Peace.Anong klaseng ingay 'yon, parang masisiraan siya at pagkakataon na ng mga heneral ni Virgo na patayin siya pero bakit hindi ginagawa ng mga ito? Ano bang mas uunahin niyang isipin!
"Master!" nagpalit anyo si Tamtam, nakita niya ang pabagsak na pulang enerhiya kay Seventh, agad niya 'tong niyakap at siya ang nakadama ng mala-kidlat na sakit ng pagbagsak niyon, nakuryente siya at nawalan ng malay. Tumigil na rin ang ingay.
"Tam!" nag-aalalang hinawakan ni Seventh ang walang malay na si Tamtam, namumutla 'to.
Nabigla rin si Virgo dahil pumalpak ang ginawa niya. Ang babaeng 'yon! Malilintikan 'to sa kanya! Isang buong araw pa bago muli niyang magamit ang ganoong puwersa para permanenteng mabura ang alaala ni Seventh.
Napamaang si Virgo nang sa isang iglap ay bumagsak na walang ulo ang isa sa mga lalaking heneral niya at ang galit na mukha ni Seventh ang bumungad sa kanya kasunod niyon ang mabilis at nagliliyab na pakikipagpalitan nito ng wasiwas ng espada at ang walang habas na pagpatay nito sa mga heneral niya. Narinig niya rin ang awit ni kamatayan, kitang-kita niya ang galit na galit na pulang mga mata nito na nagpapadugo sa bawat heneral niyang matitigan nito saka nito puputulan ng ulo at iba't ibang bahagi ng katawan.
Napatayo siya sa kanyang trono, malakas na nilalang si Seventh. Lalo niyang ninanais 'to, isa nito lamang ay natumbasan na ang kanyang mga alagad. Kakaiba talaga ito.
Dinaluhan nito ang dalagang guardian na noo'y isang maliit lamang. "Tam," sumilay ang ngiti ni Seventh ng makitang nagmumulat na 'to. Pero agad napawi 'yon nang makita ang takot sa mga mata nito.
"Sino ka?Sino ako? Bakit wala akong maalala," anito na itla naghihisterikal kaya naman nag-alala si Seventh. May balak bang tumanggal ng mga alaala niya.
"Tam—"
"Bitiwan mo 'ko!" anito na tinabig siya at lumayo sa kanya.
"Anong nangyayari sa kanya?!" galit na sigaw ni Seventh kay Peace.
"Hindi ko alam,"naiiyak na sagot ni Peace.
"Tam, bakit naman ngayon pa? Kung kailan mas kailangan kita," masisiraan yata siya ng maaga. Kamamatay lang ng ina, ngayon naman ang isa sa mahalagang bahagi ng buhay niya ang nawalan ng alaala at tila natatakot pa sa kanya.
BINABASA MO ANG
Tormented Fate 2: THE 8TH UNHOLY GOD
LobisomemDUNGEON WAR Nang makarating si Lyra sa Dungeon para iligtas ang mga anak niya ay kasama niya ang mga matatalik na kaibigan. Ang mga ito ang katulong niya sa digmaan habang nahihimbing si Crescent, dahil sa kapangyarihan niya na iginawad dito. ...