Thank you for the Votes! T^T Natouch ako! Thank you! Sana subaybayan n'yo pa ang lahat ng SERIES ng RBW. Promise! ^_^ I'll do my best! <3
I'm planning to have my Book 1 ( Second Batch ) If you want this copy pm me here or better in my facebook acct. Mas madali kasi akong maupdate pag doon!
Next Epilogue -- oo maiksi lang ang Epilogue! Haha kaya 'di ko 'to ginawang Epilogue, mamaya sabihin 'di ako marunong sa Epilogue. Haha!
Add me: Jovielyn Rivera(MisaCrayola)
Group: MisaCrayola
FINALE
TALA ( LYRA )
Tila may malamig na tubig ang gumising sa natutulog kong diwa. Malamig ang pakiramdam ng bawat himaymay ng dugo ko. Damang-dama ko ang pag-agos niyon sa katawan ko. Unti-unting bumalisbis ang luha ko nang maalala ko ang tagpo kung saan nakita ko si Crescent na inaabot ang maliit ko pang palad noon. Ang ngiti niya na para sa 'kin lang, ang mga mata niyang tila sa 'kin lang din noon nakatutok.
Ang mga kapalpakan ko noon sa pagluluto na kinakain pa rin niya. Ang mga pag-unawa niya sa 'kin sa kabila ng galit ko sa kanya –mula kay Ceres, sa iba pa, higit sa lahat sa pagkamatay noon ni Shin.
Ang mga yakap niya at kalungkutan at pagpaparaya kahit ang katumbas no'n ay makasasakit sa kanya. Ang pagtakip niya sa mga mata ko sa t'wing may papaslangin siya. Marahil hindi na tulad noon nang tumagal na, ngunit ang pagtanggap niya sa 'kin ay lubhang pinasaya siya. Kahit pa nalaman nitong bampira siya.
Ang mga pinagdaanan namin na mas marami yatang masasakit na bahagi bagama't natatabunan 'yon ng kahit isang ngiti lang mula sa kanya. Ang kalakasan niyang hinahangaan ko at kinatatakutan.
Ang pagiging malakas niya na minsan hiniling kong sana'y hindi na lang napunta sa kanya. Baka kung 'di malakas at ganoon katalino si Crescent, tahimik ang buhay niya at mas marami kaming panahon na maging masaya. Pero ang lahat ng ito ang pinagdaanan namin hindi ba? Ito ang humubog sa 'min, ito ang nagpatunay ng pag-ibig niya sa 'kin na kahit anumang tagal ang separasyon namin sa isa't isa, may babalikan kaming isa't isa.
Mahal na mahal niya 'ko higit sa buhay niya. Iyan ang palagi niyang sinasabi. Pero nangako kami sa isa't isa bago ang huling separasyon namin na kakayanin naming mabuhay ng wala ang isa't isa para sa 'ming mga anak.
'Yung kasal namin na simula lang pala nang mas matinding pagdadaanan namin. Noong bata ako, inakala ko na kapag ikinasal na, iyon na 'yung HAPPY ENDING hindi pa rin pala. Pero isang sagradong bagay ang kasal sa 'min ni Crescent, hindi ko makakalimutan na bagama't ang lobo at tulad niyang mataas na nilalang (Prinsipe) ay kinakailangan ng maraming asawa. Pero hindi siya nagkaroon ng iba at nagsupling man sa iba.
Walo lamang ang siyam niyang buntot sa mga oras na 'yon. Galit ang nakalarawan sa nanlilisik niyang mga mata.
Namasdan ko nang muli siyang mahati sa dalawa. Tila ba humiwalay na naman ang isang bahagi niya at mabilis na napunta sa likuran ni Virgo.
Hindi maaaring maghiwalay sila! Mapanganib, kailangan nilang maging isa.
"Bakit naghiwalay na naman kayo!" sigaw ko. Pero naglaho ang nasa likuran ni Virgo at tanging si Dark na nasa harapan na lamang nito ang natira. Bago ko pa mahanap ang isa'y may braso ng yumakap mula sa likuran ko.
"Para makipaglaban siya at siguraduhing kahit gasgas ay hindi ka na magkakaroon, Lyra,"ani Crescent sa malambing na tono."Kapag hindi na kontrol ni Dark ang lahat, tandaan mo na ikaw lang ang makapipigil sa kanya, pag-isahin mo kaming muli sa oras na makamit ni Virgo ang kaparusahan niya,"ang tono niya'y naging mapanganib.
BINABASA MO ANG
Tormented Fate 2: THE 8TH UNHOLY GOD
Hombres LoboDUNGEON WAR Nang makarating si Lyra sa Dungeon para iligtas ang mga anak niya ay kasama niya ang mga matatalik na kaibigan. Ang mga ito ang katulong niya sa digmaan habang nahihimbing si Crescent, dahil sa kapangyarihan niya na iginawad dito. ...