Kabanata 17
PICTURE OF A THOUSAND WORDS
"Narinig mo ba ang usap-usapan, pinalitan daw ang Panginoong Catalyst ng isang tagapagmana, hindi kaya totoong pumanaw na siya?"
"Baka sinasabi lamang iyon upang paniwalain tayo, tandaan mo 'to sampung taon na hindi nadaragdagan ang populasyon natin. Hindi rin naman natin alam ang itsura ng Panginoon na 'yon kaya anong malay natin kung pinalalabas lamang iyon ng mga nagsisilbi sa kanya,"
Ang balitang ang anak ni Catalyst ang mamumuno ay usap-usapan. Ngunit iyon ay katotohanan, bagaman ang balitang iyon ay hindi halos gustong paniwalaan ng mga naninilbihan ng personal kay Catalyst.
Ang batang ampon nito na tagapagmana ang mamumuno sa daigdig na iniwan nito pansamantala? At ibinilin nito na lahat ng nais ng anak nito'y kinakailangang sundin dahil lubha siyang magagalit kung hindi. Anong magagawa ng isang bata para mamumuno? Anong kakanyahan nito para pagtiwalaan 'to ng kanilang Panginoon? Gayunpaman, ito ang utos sa kanila na kinakailangan nilang sundin ano man ang mangyari.
Si Tala at Serpolette ay 'di agad nakalabas ng daigdig dahil sa biglaang pagkawala ni Catalyst. Muli ay mas sinanay ang dalawa upang maging napakagandang dilag na kaaya-aya at kaakit-akit. Sa daigdig ni Catalyst ay 'di hamak na napakabilis ng pagtakbo ng panahon.
Isang taon ang matulin na lumipas simula nang mawala si Catalyst, lalong naging magulo ang daigdig nito kaya naman gustong-gusto ng paslangin ng mga tapat na tagalingkod ni Catalyst ang mga ito bagaman iyon ay kasalanan sa kanilang Panginoon.
"Panginoon –" hindi na gusto ni Delfin ang nagaganap lalo pa't ang anak ni Catalyst ay ngayon lamang naupo sa trono nito at wala ang ngiti sa labi nito. Nakasuot ito ng kasuotang pang prinsipe at wari'y may iniisip –isa pa rin 'tong bata!
"Bumuo ng sampung pangkat, hulihin lahat ng makakasalanan at iharap sa 'king harapan. Sa Siyudad-Sentral ay tutungo ako upang saksihan ang kamatayan nila sa harap ng madla." Ngiti ang sumilay sa labi ni Prince.
Nabigla si Delfin sa narinig sampu ng matataas pang heneral na nagsisilbi sa kastilyo. Ang batang ito na kilala nilang matimpiin, mabuti at walang kasamaan noon ay heto't naglabas ng kautusang 'di nila magawang paniwalaan.
Tumayo si Prince sa kinauupuan niya. "Paslangin ang sumusuway sa 'king ama, ang mga insektong tulad nila'y 'di nababagay sa siyudad na paraiso, susundin n'yo ko o itatakwil ko kayo?" ngiti pang muli ang dinugtong niya sa salitain niyang 'yon.
"Masusunod Panginoon!" mabilis na tumungo ang labing-dalawang heneral at lubhang natuwa sa basbas ng batang kahalili ng kanilang Panginoong Catalyst.
"Magaling, mahal na Prinsipe," isang lalaking itim na usok lamang sa una ang pumorma at naging isang nilalang na may itim na buhok at kulay pulang mga mata. Ang kuko nito'y itim at ang ngiti'y nakahahalina.
"Ang mga sumusuway ay kinakailangang parusahan, sila ang papatay sa 'yong ama kaya naman bawat isa sa kanila'y hindi dapat mabuhay. Hayaang maghari sa puso nila ang takot, hayaang makilala nila kung sino ang dapat irespeto, at sisimulan nating pagtulungang baguhin ang daigdig na 'to." Ngiting nakapangingilabot ang lumarawan sa labi ng binatang iyon na humawak pa sa magkabilang balikat ng batang anak-anakan ni Catalyst.
"Sebastian, ililigtas mo ang aking ama hindi ba? Tama 'tong ginagawa ko hindi ba? Ito lang ang tanging paraan, " paniniguro ng batang lalaki.
"Ikaw ang magliligtas sa kanya, ikaw ang Hari, Emperador at Diyos ng daigdig na 'to. Lahat nang iyong naisin ay mangyayari. Ikaw ang kokontrol sa lahat at 'di mo hahayaang kontrolin ka ng iba, aking kamahalan," bulong nito.
BINABASA MO ANG
Tormented Fate 2: THE 8TH UNHOLY GOD
WerewolfDUNGEON WAR Nang makarating si Lyra sa Dungeon para iligtas ang mga anak niya ay kasama niya ang mga matatalik na kaibigan. Ang mga ito ang katulong niya sa digmaan habang nahihimbing si Crescent, dahil sa kapangyarihan niya na iginawad dito. ...