K18: CRESCENT

2K 225 41
                                    

Dahil maraming votes akong natanggap last chapter, hahahaha napa-update ako! Yihhiii!

Sige nga titignan ko kung ikekeri pa uli. 120 ang next chapter! :) 


KABANATA 18

CRESCENT



"Panginoon, may kakaibang lagusan ang bumubukas sa timog at maging sa silangan ng kastilyo!" si Tomo na naghahalusinasyon na naman. Pero tila wala lang iyon kay Crescent na abala pa rin sa pagbabasa at sa trono nito ito nakaupo ngayon.

"Panginoon, mga halimaw ang pumapasok sa 'ting paraiso!" dugtong pa ni Tomo, napakarami niyon at talagang wawasakin ng mga ito ang daigdig nila.

"Marami pang bagong lagusan ama," si Chrysanta na nagmamadali. Napakaraming halimaw at mga kakaibang lagusan na pinaglalagusan ng mga halimaw patungo sa kanilang daigdig. Nakapangingilabot ang dami niyon.

"Kumikilos na sila?" ngumiti si Crescent at marahang isinara ang maliit na libro nito at marahang tumayo. Ang kanyang pagkamuhi ay hinubog siyang higit. Marami sa lahi niya ang napaslang dahil sa paghihirap sa pakikipagdigma sa isa't isa. Pero iyon ang batas niya, malalakas ang nilalang na maninirahan roon at makakamit niya lahat ng naisin niya lalo na ang New World.

Sa balkonahe sila nagtungo at minasdan ni Crescent ang napakaraming iba't ibang halimaw na may nakapangingilabot na anyo. Karamihan roon ay mga dragon na may isang mata at kung anu-ano pa na lumilipad at pulu-pulutong kung mangwasak. Napakarami –sapat upang wasakin ang daigdig niya sa isang iglap.

Nagpula ang mata ni Crescent at lumabas ang isang simbolismo –ang simbolismo ay paraan ng pagpapahayag ng mensahe sa mga anak niya at kinupkop na binata. Isang ngiti ang sumilay sa labi niya.

"Marahil ang daigdig ko'y hindi sing-tibay at tatag ng daigdig ninyo na hindi madaling pasukin, ngunit oras na malaman ko kung paano ko makakarating sa lugar n'yo wala akong buhay na ititira." Sa isipan ni Crescent na tumalikod na.

**

"Kung akala mo Crescent ay magaling ka na, puwes kailangan mong lulunin ang yabang mo!" humalakhak si Virgo—ang mga halimaw na kinasangkapan niya'y mula sa kanyang paglilikha. Si Crescent sa kabaguhan nito bilang Diyos marami pa itong 'di kayang gawin, at mananatili lang ito sa kakanyahan nito at mahina pa rin kumpara sa kanila na nasa trono. Paanong 'di siya mainibugho kung ang liham na ipinadala nito'y nagpapahayag ng digmaan sa nalalapit na panahon. Akala ba nito na kakayanin sila? Ganoon ba kagaling ang tingin nito sa sarili? Nakakatawa.

"Para saan ba ang pulong na ito?" si Zero na naupo na sa trono niya sa bulwagan ng Underground.

"Sa pagkakaalam ko ngayon natin makikilala ang kahalili ni Catalyst," si Wrather na naroon pa rin ang panibugho kay Crescent kaya tulad ni Vermillion ay magkakampi sila upang paslangin ang bagitong Diyos na animo'y alam na kaagad ang lahat.

Dumating rin si Zandro at una nitong tinignan ang upuan ni Crescent. Wala pa rin itong balak makipagpulong sa kanila? Tsk.

"Ano bang nangyayari kay Catalyst? Balita ko'y maraming masamang kaganapan ngayon sa daigdig niya, handa akong tumulong," si Virgo, ngising-ngisi siya dahil kung magkataon ay madali niyang masasakop ang daigdig ni Catalyst lalo na't may tau-tauhan lang 'to sa puwesto.

"Ako ng bahala sa bagay na 'yon,"si Zandro na alam ang iniisip ni Virgo. Pero nasaan nga ba si Catalyst? Isang liham ang iniwan nito sa kanya na nagsasabi na maglalaho ito pansamantala upang magpagaling dahil labis itong napinsala. At sa mga oras na 'to nakahanda na siyang paslangin lahat ng nilalang sa daigdig ni Catalyst para iligtas 'to sa kamatayan. Ang mga nilalang na 'yon na makasalanan ang nagdudulot ng karamdaman kay Catalyst.

Tormented Fate 2: THE 8TH UNHOLY GODTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon