Shin & Jasmine pt. 1

1.5K 125 29
                                    


Chapter 20

JASMINE

"Nabalitaan ko nga," walang pakialam na wika ko. Unang-una, nasaktan ako nang sobra. Nag-alala ako kay Shin dahil pumunta siya ng Underground. Pero mas masakit pala na malaman na sa pagbabalik niya kahit isang sulyap lang hindi niya 'ko pinagpakitaan.

"Nandito siya sa New World," dugtong pa ni Sydney. Isa siya sa kaibigan ko.

"Wala namang imposible do'n," pero aaminin ko medyo kinabahan naman ako sa nalaman ko.

Mahal ko si Shin. Marami na kaming pinagdaanan dalawa. May mga pagkakataong sweet na rin siya pero mas lamang talaga na binubuwisit niya lamang ako. Pero ganoon pa man, mas ginusto ko siya dahil sa kabila ng ilang ulit na pagbagsak niya tumatayo siya.

"Sigurado ka na ba sa gusto mong pakasalan?" alinlangan pa si Sydney.

"Ang mahalaga hindi ko na gusto si Shin, doon siya sa ama niya at maging tuta nito. Sawa na 'kong maghintay sa kanya nang paulit-ulit." Inis na ibinaba ko ang suklay ko at tumayo na.I'm wearing my summer dress para sa shoots, tinuloy ko ang pagiging artista at ngayon nga lang uli ako lalabas.

Hindi pa natutuloy ang kasal ko dahil nga abala pa sila sa paghahanap kay Francine, at nag-aalala kaming lahat sa kaligtasan niya. Pero may sulat ngang dumating na mabuti ang kalagayan nito, ganoon rin ang sinabi ng babaylan na nasa maayos 'tong kalagayan. Pero saang lugar ito naroon?

"I'm going, see you later," paalam ko kay Sydney. Lumabas na 'ko ng kuwarto ko at iniwan siya roon sa loob. Aaminin ko na malaki talaga ang pagtatampo ko kay Shin, naiisip ko na lang na masyado akong umasam sa kanya. Hindi naman niya 'ko mahal para ipaglaban 'di ba? Baka nga mas natuwa pa siya na hindi na sangayon ang papa niya sa 'ming dalawa.

Vampire Knight General iyan ang pakakasalan ko. He performed almost like a pureblood. He's handsome, full of respect, at pagdating sa mga digmaan palagi siyang nagdadala ng tagumpay. Hindi ko na gustong isipin pa 'yung pag-ibig, nasasawa na kong hintayin si Shin –nasasawa na 'ko sa walang kasiguraduhan.

Paglabas ko ng tarangkahan ng mansion, hinahanap ng mata ko 'yung vampire driver ko.

"Jasmine,"

Tila nanlamig ang katawan ko sa boses na bigla na lamang nagsalita sa kung saan. Diniretso ko ang tingin ko at mula sa madilim na bahagi nakita ko na naiilawan na ang mukha niya habang palapit. Makalipas ang ilang taon, magpapakita pa talaga siya sa 'kin? Gusto ko siyang sampalin pero pinigil ko, kahit 'yung luha ko pinigil ko.

"Ikaw pala, Shin," pormal kong tugon sa kanya.

Titig na titig siya sa 'kin and it makes me conscious. Palapit siya nang palapit at padagundong nang padagundong ang dibdib ko.

"May barrier na pala kayo," aniya.

"Ah," tipid na sagot ko. Nasaan na ba 'yung driver ko? Naman!Nakakainis, parang lalabas na 'yung puso ko.

"Mag-usap tayo,"

Gusto ko sanang tumanggi pero kailangan ko rin siguro talagang kausapin ko siya. Nakagat ko ang ibabang labi ko.Kailangan hindi ako maging emosyonal, ayokong ipakita sa kanya na hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako at gusto ko siyang sampalin dahil huli na siyang dumating.

Pumasok ako sa loob at sumunod naman siya. Ibang-iba ang pakiramdam na alam kong nasa malapit siya, gusto kong maging masaya at yakapin siya pero hindi na ito 'yung tamang panahon para yakapin ko siya at sabihin na mahal na mahal ko siya. Hindi na.

Tormented Fate 2: THE 8TH UNHOLY GODTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon