A/N
PLAGIARISM IS A CRIME.
NO SOFTCOPIES AVAILABLE, SORRY.
-OnneeChan
____________________________________________________________
=x=x=x MAXWELL x=x=x=
"The struggles I face from day to day
Are struggles that won't seem to fade away
I wake in the morning and what do I see
A lost little girl mourning to be..."
*BELL BELL BELL* (isipin nating school bell yan)
"Okay class, before you go, don't forget your project. Sa Monday na pasahan ha. Class dismissed." tumayo na si Prof at lumabas ng classroom.
Tumayo na ako at lumapit kay Rhianne. Nginitian niya ako. Yung ngiting kahit buong araw mo pa titigan ay hindi ka magsasawa.
"Ang ganda ng poem mo Rhianne! Inspired ka 'no?" sabi ni Louisse. Tumingin naman sa akin si Rhianne at ngumiti nanaman.
"Tara na. Gusto ko nang umuwi at magpahinga." singit naman ni Alexander.
Sabay sabay kaming umuwi. College students na kami at pare-parehas ang course namin. Pati nga schedule parehas kami. Sa iisang bahay rin kami nakatira since malayo ang University na pinapasukan namin sa sarili naming mga bahay.
Siguro dahil na rin sa hindi namin kayang kalimutan ang nangyari dati kaya hindi namin kayang mahiwalay sa isa't isa..
"Okay ka lang Rhianne? Bakit parang ang tahimik mo?" narinig kong sabi ni Louisse. Paakyat na sila sa taas habang kami ni Alexander ay nakaupo sa sofa dito sa sala.
Napatingin ako kay Alexander at nakita kong nakatingin din siya kanila Louisse at Rhianne.
"Pagod lang ako." ngumiti ng matipid si Rhianne at tuluyan nang umakyat sa taas.
Umupo sa tabi namin si Louisse. "May problema kaya sa Rhianne?"
"Baka pagod lang talaga siya." sabi ko.
"Try mo kaya siyang kausapin?" sabi sa akin ni Louisse.
Tumayo kagad ako at umakyat sa taas.
*KATOK KATOK KATOK* (sound ng kumakatok)
"Rhianne..?" dahan dahan kong binuksan ang pinto niya. Nakita ko siyang nakaupo sa upuan sa bintana niya. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. "May problema ka ba?"
Tumingin siya sa akin at nakita ko ang mga mata niya. May kakaiba sa mata niya. Parang.. may lungkot. May takot.
"Maxwell..." niyakap niya ako ng mahigpit. Nanginginig ang boses niya.
"Ano bang nangyare Rhianne? Anong problema?" nag-aalala kong tanong.
Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin. Tinitigan niya ako. May ibig-sabihin ang mga titig niya sa akin. Pero hindi ko maintindihan.
Ano bang problema ?
"Wag mo akong iwan..." bulong niya. May tumulong mga luha sa kanyang mga mata. "Wag mo akong iwan, please."
Kumunot noo ko. "Ikaw? Iiwan ko? Bakit naman kita iiwan?" niyakap ko siya.
Umiiyak parin siya. "Shh.. wag ka na umiyak. Hinding hindi kita iiwan."
Tinayo ko siya at hiniga sa kama niya. Humiga ako sa tabi niya at hinaplos ang buhok niya. "Matulog ka na. Nandito lang ako. Hindi kita iiwan."
Pumikit siya at yumakap sa akin.
Ano ba nangyayari sayo Rhianne ?
*Kinabukasan*
Nakaramdam ako ng mainit na sikat ng araw. Dinilat ko ang mga mata ko. Tanghali na yata.
"Rhianne?" pagtingin ko sa tabi ko'y wala na si Rhianne.
"MAXWELL! GISING NA! LUNCH TIME NA! BUMABA KA NA DIYAN!" sigaw ni Louisse. Dali-dali akong tumayo at bumaba. Nakita kong nakaupo na si Louisse at Alexander sa dining table.
"Good Morning. Este Good Afternoon na." sabi ni Alexander. "Mukhang puyat ka ah?"
"Dapat ginising mo na si Rhianne para sabay na kayo bumaba." sabi naman ni Louisse. Napatingin ako sa kanya.
"Gising na siya ah?" sabi ko. "Tabi kami natulog kagabi. Wala na siya sa taas."
"Ha? Di pa namin siya nakikita. Di pa siya nababa." sabi ni Louisse. "Tsaka bakit kayo tabi matulog? Bawal yun diba?"
"Sigurado ba kayong hindi niyo nakita si Rhianne?" Sabi ko. Tumayo ako at umakyat sa taas.
"Rhianne?" binuksan ko yung kwarto niya. Wala siya dun. Binuksan ko rin yung kwarto ko at yung kwarto nila Louisse at Alexander. Wala rin siya dun.
Bumaba ako at tinignan ang banyo. "RHIANNE?"
"Ano ba nangyayari Maxwell?" tanong ni Louisse. "Kinakabahan naman ako sayo eh."
"Wala si Rhianne sa taas. Sigurado ba kayong hindi niyo siya nakita kaninang umaga?" tanong ko sa kanila.
"Hindi. Maaga ako nagising kaninang umaga." sabi ni Louisse.
"Baka naman umalis lang si Rhianne." sabi ni Alexander.
Yumuko ako. Baka nga. Teka.. "Hindi naalis si Rhianne nang walang paalam. Magpapaalam muna sa atin yun bago umalis. At impossibleng umalis ng maaga yon."
"Baka naman nakalimutan niya lang magpaalam." sabi ni Louisse. "Kumain muna tayo. I'm sure okay lang si Rhianne."
Umupo na sila ulit sa dining table at kumain na. Hindi ako mapakali. Nararamdaman kong may nangyaring masama.
Lumabas ako at naglakad papunta sa gate. Teka..
Nanlaki ang mata ko. Dugo ba 'to?
"ALEXANDER! LOUISSE!" sigaw ko. Shit. Please. Wag sana. Shit.
"Ano bang problema Maxwell?" sigaw ni Louisse papalapit sa akin. Nakita kong nakasunod sa kanya si Alexander.
Tinuro ko ang gate.
"A-anong.. AHHHHHHHHHHHHHHHH!" niyakap siya ni Alexander at tinalikod.
Shit. Utang na loob. Hindi sana kay Rhianne ang dugong yan. Please.
________________________________________________________________
Yung poem po sa umpisa ay hindi ko ginawa. Nacopy paste ko lang po. :)
-Onneechan
BINABASA MO ANG
Special Section 2 (Published under Pop Fiction)
Mystery / ThrillerSpecial Section book 2. Hindi mo siya mahahanap. Hindi mo siya matatakbuhan. Available in Bookstores, Convenience Stores, newsstands and online nationwide for only P175! :)