Chapter 29

224K 6.6K 2.1K
                                    

Sa mga pupunta po mamayang 1pm sa book signing, mag-ingat po kayo :) Tuloy na tuloy po siya kapag hnd umulan ng malakas :) Sa mga nagtatanong, sa SMX Convention Center po yun sa MOA :)

Unti unti nang malalaman ang mga sikreto at ang mga kasinungalingan.

-Onneechan

______________________________________________________________________________

CHAPTER 29

=x=x=x MAXWELL x=x=x=

"Baka si Shane ang kumuha kay Rhianne?" tanong ni Julia. "You see, siya talaga ang nag-iisang may kaugnayan sa sinulat ni Rhianne sa notebook niya."

"I agree. Tinakbuhan niya tayo nang makita niyang hinahabol natin siya." Sabi naman ni Ian.

Napasimangot ako. Paano magagawa ni Shane yon? Nandoon siya nung naospital ako.

At sino yung babaeng napunta sa bahay tuwing gabi? Sino yung babaeng nakikita ng lola ni Ian tuwing gabi dati? Sino yung babaeng hinabol ko? Sino yung babaeng sumaksak sa binti ko?

Si Rhianne yun diba? Alam kong si Rhianne yon. Kulay brown ang buhok. Pati pabango ay Rhianne na Rhianne. Suot niya pa ang jacket na paborito at palagi niyang suot.

Ano ang paliwanag sa amin ni Rhianne doon? Bakit niya kami tinatakbuhan? Bakit niya ako sinaksak?

At higit sa lahat, bakit niya ako iniwan nang wala sinasabi sa akin?

"Maxwell?" napatingin ako sa Louisse.

"Bakit?"

"Okay ka lang?" Tanong niya. "Natulala ka bigla diyan at mukhang malalim pa ang iniisip mo."

"Oo. Saan na tayo pupunta?" tanong ko.

Natahimik kami. Hindi namin alam kung nasaan na si Shane. Hindi rin namin alam kung saan hahanapin si Rhianne.

Naiinis ako.

Parang hindi ko na kilala si Rhianne.

Tatawagin ko pa nga ba siyang Rhianne? Gayong hindi naman Rhianne ang pangalan niya?

At iba ang totoong may-ari ng pangalang Rhianne?

=x=x=x THIRD PERSON'S POV x=x=x=

[A/N: Ang third person's pov ay narrator's pov. Flashback scene po ito.]

Many years ago...

"Geneva!" napalingon si Geneva sa lalaking nasa pinto. "May dala akong pasalubong!"

Napangiti si Geneva. Labis na tuwa ang nararamdaman niya. Napakamaalaga ng kanyang asawa. Lalo na't buntis siya at malapit nang manganak.

"Nako, Daniel. Hindi ka na dapat nag-abala. Napagod ka ba sa trabaho mo? Uminom ka ba ng gamot? Sinisipon ka parin oh." saad ni Geneva habang yakap-yakap ang asawa.

Nagkwentuhan ang mag-asawa. Sila lang dalawa ang magkasama sa bahay.

Nagtanan sila nang malamang tutol ang kanilang mga magulang sa kanilang pagsasama. Simula non ay silang dalawa nalang ang magkasama.

"Anong gusto mong ipangalan sa magiging anak nating babae?" nakangiting tanong ni Daniel.

"Hmmm.." nag-isip sandali si Geneva. "Gusto ko Rhianne."

"Rhianne? Bakit Rhianne?" nagtatakang tanong ni Daniel.

"Maganda kasing pakinggan. Isang magandang pangalan para sa isang magandang babae." sabi ni Geneva.

"Gusto ko Shane." sabi naman ni Daniel. "Ang ganda rin pakinggan ng pangalang Shane."

"Nako. Bahala na. Ilang araw nalang ay manganganak nako. Teka.." napatingin sa paligid si Geneva. "May naaamoy ka ba Daniel?"

Napasimangot si Daniel. Nagtaka ang lalaki.

"May sipon ako. Wala akong maamoy. Bakit Geneva? Ano bang naamoy mo?" tanong ni Daniel.

"Ah wala. Baka guni-guni ko lang." sabi naman ni Geneva.

Namatay bigla ang mga ilaw.

"Nako! Nakalimutan kong magbayad ng kuryente!" naiinis na sabi ni Daniel. Tumayo na si Geneva at kumuha ng mga kandila.

"Geneva, magbabayad muna ako ng kuryente. Bukas pa yata ang Teralco. Mabilis lang ako. Malapit lang naman." paalam ni Daniel at tuluyan na ngang umalis ang lalaki.

Nakangiting nagsisindi ng kandila si Geneva sa kusina. Baka nga guni-guni niya lang ang naamoy niyang gasolina kanina.

Natabig niya bigla ang kandila. Napahawak siya sa tiyan niya. May umaagos na tubig sa mga binti niya.

'Manganganak nako!'

Napatingin siya sa lamesa. Paanong kumalat nang ganon kabilis ang apoy?

Nanlaki ang mga mata niya. Hindi na ito guni-guni. Totoo ang naamoy niyang gasolina kanina.

Nagmamadali siyang tumakbo palabas ng kusina.

'Nasaan na ba si Daniel?'

Biglang bumukas ang pinto at nakita niya ang kanyang asawa.

"Anong nangyari?" lumapit ito kaagad sa kanya. "Manganganak ka na?!"

Napatingin ang lalaki sa kusina.

Niyakap niya bigla si Geneva at ihinarap sa pintuan ng bahay.

"Nasusunog ang bahay Daniel." naiyak na sabi ni Geneva. Takot na takot siya dahil manganganak na siya at nasusunog pa ang kanilang bahay.

"Tumakbo ka na sa labas. Kukunin ko ang mga gamit natin sa labas. Dali!"

=x=x=x MAXWELL x=x=x=

"Buksan mo nga ulit yung notebook ni Rhianne." Utos ko kay Louisse. Inabot na sa akin ni Louisse yung notebook.

Kinuha ko sa kamay ni Julia yung ballpen niyang may UV light at inilawan ang isang page ng notebook.

'Madalas kaming maglaro sa isang lumamg bahay. Wala na kasing nakatira doon at bukas palagi ang gate. Madalas nga kaming magtakutan at magbahay-bahayan doon.'

"Ito." turo ko. "Dito tayo pumunta."

Lumapit sila sa akin at tinignan ang binabasa ko.

"Saan naman natin hahanapin ang bahay na 'yan?" tanong ni Ian.

Tinignan ko ulit ang nakasulat sa notebook. Wala nang iba pang nakasulat tungkol sa bahay. Kahit address ay wala.

"Teka.." napatingin kami kay Louisse. "May lumang bahay tayong nadadaanan palagi kapag pauwi tayo. Lumang luma na talaga yon at walang taong nakatira. Baka doon."

Tumayo na ako bigla.

"Tara, tignan natin."

________________________________________________________________________________________________

Mamaya na po ang book signing! 1pm sa SMX Convention Center, MOA Complex :)) Sana maayos ang panahon para matuloy :D

-Onneechan

Special Section 2 (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon