Happy Halloween! #HalloweenTreat
-Onneechan
______________________________________________________________________________
=x=x=x MAXWELL x=x=x=
"Tara na?" tanong ni Ian pagkaupo nya sa driver's seat.
"Paano si Alexander?" nag-aalalang tanong ko. "Maiwan ka nalang kaya Louisse"
"Hindi." Seryosong sabi ni Louisse. "Gusto kong makita ang pagmumukha ng kumuha kay Rhianne."
"Paano kung patibong ito?" tanong ni Ian.
"Kaya nga mas maigi kung maiwan ka dito Louisse. Kapag hindi pa kami nakakabalik makalipas ang 1hr ay tumawag ka na ng pulis at papuntahin mo sa address na ito," utos ko.
"Ayoko," inis niyang sabi. "Last time pinaiwan niyo rin ako para ako tatawag ng pulis. Gusto kong ako naman ang nandoon para iligtas si Rhianne."
"Louisse. Noong time nina Ynna, niligtas mo kaming lahat dahil ikaw ang tumawag sa pulis. Hindi lang si Rhianne ang niligtas mo. Kaming lahat din," sabi ko.
"Ayoko."
Napakamot nalang ako sa ulo ko. Ang tigas ng ulo!
"Fine," sabi ko.
Nagsimula nang magdrive si Ian papunta sa address na nakasulat sa papel. Kinakabahan ako.
Ito na, Rhianne. Magkikita na tayo.
Buhay ka pa kaya?
Ilang minuto rin nagmaneho si Ian. Mukhang sa labas pa ng city ang lugar.
Tumingin ako sa labas. Unti-unti nang dumadami ang puno sa paligid. Puro matataas na damo nalang ang nakikita namin at wala na kaming naaaninag na bahay. 8:00am na.
Malayo palang ay may nakita na along pulang bahay. Ramdam kong doon kami papunta ngayon. Luma na siya pero malaki.
Rhianne, malapit na ako.
Pinarada na ni Ian yung kotse sa tapat ng bahay.
"Nandito na tayo," mahina niyang sabi. Unang bumaba si Louisse. Napabuntong hininga nalang ako at inilabas ang revolver ko bago bumaba ng kotse.
"Louisse oh," inabot ko sa kanya yung swiss knife ko.
=x=x=x LOUISSE x=x=x=
Naunang maglakad si Maxwell papasok ng bahay. Kasunod ako at nasa likod ko naman si Ian.
Pamilyar sa akin ang scene na 'to.
Parang last year.
Noong bahay nina Ynna at Bryan ang pinapasok namin.
Siguro nga'y naulit nanaman ang mga pangyayari.
Kailan ba magiging payapa ang mga buhay namin?
Pagkabukas ng pinto ay nakita naming nakabukas lahat ng ilaw. Lumang luma ang bahay. Mukhang matagal hindi ginamit.
May narinig kaming bumagsak sa taas.
"Narinig nyo 'yon?" tanong ni Ian. Tumango lang kami at umakyat na.
Ang bilis ng tibok ng puso ko.
Kinakabahan ako.
Si Alexander lang ang iniisip ko ngayon. Siguro nga dapat nagpaiwan nalang ako sa ospital.
Pero kaibigan ko si Rhianne. Bestfriend ko siya.
Bawat hakbang paakyat ay ingat na ingat kami. Takot na baka may makarinig sa amin. Pagdating namin sa 2nd floor ay may mahabang hallway pero isa lang ang pinto.
BINABASA MO ANG
Special Section 2 (Published under Pop Fiction)
Mystery / ThrillerSpecial Section book 2. Hindi mo siya mahahanap. Hindi mo siya matatakbuhan. Available in Bookstores, Convenience Stores, newsstands and online nationwide for only P175! :)