Chapter 18 - Again

224K 6.9K 1.7K
                                    

Alam mo yung feeling na yung hinahanap mo biglang susulpot sa harap mo?

-Onneechan

____________________________________________________________________________

CHAPTER 18 - Again

=x=x=x MAXWELL x=x=x=

"Si Rhianne kaya yung baby noon?" rinig kong tanong ni Julia. Simula nang makauwi kami dito sa bahay namin, yun na ang bumabagabag sa isip ko. Possible kayang ampon si Rhianne? Siya kaya yung baby noon?

"Wala naman siyang sinabi sa amin noon na ampon siya." mahinang sabi ni Louisse.

"Ano ba ang mga alam niyo tungkol kay Rhianne?" tanong ni Ian.

"Ang alam namin ay nagpakamatay ang mommy nya noon dahil nalaman na may kabit ang tatay niya..." sabi ni Louisse.

"Yun lang?" tanong ulit ni Ian. "Wala nang iba?"

Nagkatinginan kaming tatlo ni Alexander at Louisse. Pareho kami ng mga naalala. Naalala namin ang nangyari noon. Naalala namin sina Ynna at Bryan. Mas magandang wag nalang namin sabihin kay Ian at Julia. Hindi na nila kailangan pang malaman.

"Sa tingin ko, kailangan na natin magpahinga." Tumayo na si Alexander. "10:00pm na, maaga pa pasok natin bukas."

"Pero..." sabi ni Julia. "Paano kung..."

"Magpahinga na muna tayo Julia." Umakyat na sa taas si Alexander. Sumunod naman sa kanya si Louisse.

"Mukhang hindi naman ako makakatulog dahil sa mga nalaman ko.." sabi ni Ian. Umakyat na rin sila ni Julia sa taas.

Habang ako.. naiwang nakaupo at nag-iisip sa sofa.

Bakit parang ang dami kong hindi alam tungkol sayo Rhianne?

Bakit ang dami mong tinatago?

~~~~~~~~~~~~~~

'Tagu-taguan sa ilalim ng buwan..'

Nakaramdam ako ng malamig na hangin. Sino 'yun?

'..wala sa harap..'

Pinilit kong idilat ang mga mata ko. Nakatulog pala ako sa sofa.

'..wala sa likod..'

Bakit sobrang dilim dito sa sala? Ang lamig ng boses ng nakanta. Nakakakilabot.

'..pagbilang ko ng tatlo....nakatago na AKO..'

Tumayo ako bigla at hinanap ang switch ng ilaw. Kung sino man ang kasama ko ngayon... alam kong hindi maganda ang motibo.

'..Isa..'

Kinapa ko ang pader.

'..Dalawa..'

Sht. Nasaan ba yung switch!

'TATLO!'

Bumukas ang ilaw sa sala.

Ako nalang mag-isa.

Pumasok ang malakas na hangin mula sa labas. Bukas ang bintana!

Tumakbo ako at binuksan ang pinto. May nakita akong anino na natakbo sa kalye.

Kulay brown ang buhok.. naka-jacket na pula.

"RHIANNE!" sigaw ko pero hindi niya ako nilingon. Ang bilis ng takbo niya. Hindi ko siya mahabol.

"RHIANNE!" sigaw ko ulit. "BAKIT MO BA KAMI TINATAGUAN!"

Lumiko siya sa isang madilim na eskinita. Hindi na ako nagdalawang isip na sundan siya kahit alam kong madilim at delikado doon. Kailangan kong mahabol si Rhianne.

Ang anino nalang niya at ang madilim na imahe ang nakikita ko. Tumigil siya sa pagtakbo nang nasa bandang gitna na kami ng eskinita.

"Rhianne.. bakit mo ba ako tinatakbuhan? Bakit ba ayaw mo magpakita sa amin.." hinihingal kong tanong. "Nahihirapan na ako. Nahihirapan na kami.. Bumalik ka na please.."

Naramdaman kong tumulo na ang mga luha ko.

"Maxwell.." nanlaki ang mga mata ko. May kakaiba sa boses niya. Iba ang boses niya.. o baka dahil matagal ko nang hindi naririnig ang boses ni Rhianne? "Mahal na mahal kita.

Tumakbo siya ulit. Ngunit bago siya tumakbo palayo.. may matulis na bagay na tumusok sa binti ko.

Isang maliit na kutsilyo.

______________________________________________________________________________

Maikli po muna, sorry :/ :))

-Onneechan

Special Section 2 (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon