Chapter 30

221K 7K 4.7K
                                    

BASAHIN ANG AUTHOR's NOTE!

        MAY BOOKSIGNING AKO SA CANLUBANG, LAGUNA! :D OCTOBER 18 :D SEE YOU!

-Onneechan

______________________________________________________________________

CHAPTER 30

=x=x=x MAXWELL x=x=x=

"Sigurado kang dito yon?" tanong ni Julia.

"Tignan natin," dire-diretsong pumasok si Alexander. Hinatak siya pabalik ni Ian.

"T-Teka!" sabi ni Ian. "Ganon nalang? Papasok nalang bigla? Di man lang magreready?"

"Bakit?" singit ni Julia. "Anong gusto mo? May dalang foods and everything?"

"Baliw." bulong ni Louisse habang nakatingin kay Julia.

"Hindi. Ang ibig kong sabihin ay hindi man lang ba tayo magreready sa kung sino man ang nasa loob niyan? Paano kung nandiyan na sa loob yung may hawak kay Rhianne? Baka nakakalimutan niyo, ang kumuha kay Rhianne ang pumatay sa lola ko. Kayang kaya tayong patayin niyan," wika ni Ian.

"Alam ko Ian." sabi ni Alexander. "Wag kang mag-alala, walang mangyayaring masama."

"Ha?" napakamot nalang sa ulo si Ian nang tuloy-tuloy paring pumasok si Alexander sa loob. Wala na kaming nagawa kundi sumunod sa kanya na pumasok. Pero bago pumasok ay kumuha ng sangay ng puno si Ian. Para daw 'ready'.

Pagpasok namin ay amoy luma ang sumalubong sa amin. Maalikabok at madilim.

"Ang dilim naman. Anong oras na?" tanong ko. Tumingin naman si Ian sa cellphone niya.

"8:30pm." sagot niya.

Binuksan namin ang mga phone namin at inilawan ang paligid. Bakanteng room. May hagdan paakyat sa taas at puro agiw sa pader.

"Ahhhhhhhhhhhhhhh!" napatingin kaming lahat kay Julia.

"Anong nangyari?" natatarantang tanong ni Alexander.

"MAY IPIS! OMG. FEELING BUTTERFLY SIYA!" maarteng tili ni Julia.

Nakakairita.

"Ang arte mo badtrip." naiinis na sabi ni Louisse.

"Akyat na tayo sa taas. Itigil niyo na yan. Ang ingay niyo." sabi naman ni Alexander. Umakyat sa kami sa hagdan. Bawat hakbang at parang magigiba na yung hagdan.

"Nakakatakot naman. Baka mabutas nalang bigla." bulong ni Ian.

"Shh.." saway ni Alexander. Pinakinggan namin ang paligid sa 2nd floor. Parang may naririnig kaming mahinang tunog.

"Saan galing yon?" tanong ko.

"Parang piano." sabi naman ni Louisse.

[pakiplay po yung video sa multimedia sa gilid para malaman kung ano yung tunog ng piano na naririnig nila :D Kung ayaw niyo, bahala kayo. Walang thrill :( ]

Naglakad kami papunta sa dulo ng hallway. Nakabukas ang isang pinto at parang may kandila sa loob.

Dahan-dahang binuksan ni Alexander ang pinto. Nakita naming may lamesa sa gitna ng kwarto at may kandilang nakasindi sa gitna ng lamesa. Meron ding maliit na stereo sa tabi ng kandila. Doon nanggagaling yung naririnig naming tunog.

Naramdaman ko ang malamig na kamay ni Julia sa braso ko. Tinignan ko naman siya.

"Pahawak lang. I'm scared na eh." maarte niyang bulong. Pumasok na kami sa loob ng kwarto.

"A-Ano 'to?" sabi ni Louisse. May pinulot siyang bagay sa ilalim ng lamesa. Lumapit kami sa kanya.

Teka...

"Wig?" nagtatakang tanong ni Ian.

"Bakit may wig diyan?" tanong naman ni Julia. "Infairness. Parang totoong buhok. Color brown pa."

"Parang buhok ni..." naputol yung sasabihin dapat ni Louisse nang magsalita si Alexander.

"Tignan niyo 'to." napatingin kami sa kanya. May iniilawan siya sa likod ng kwarto. Lumapit kami at tinignan ang iniilawan niya.

Puro larawan na nakadrawing sa papel ang nakadikit sa pader. Iba't iba ang nakadrawing.

May dalawang batang naglalaro ng habulan. May dalawang batang nagduduyan. Yung isang drawing ay may dalawang batang naiyak.

"Tignan niyo 'to oh." turo ni Louisse sa isang larawan.

'S + R = BFF'

"Eto ang tignan niyo." may tinuro si Alexander.

'IKAW AY AKO. AKO AY IKAW. AKIN SIYA. AKIN LANG SIYA.'

=x=x=x THIRD PERSON'S POV x=x=x=

"Yung asawa ko! Teka lang! Yung asawa ko nasa loob pa!" sigaw ni Geneva. May naghahatak sa kanyang mga paramedics.

"Kailangan na po namin kayo dalhin sa ospital." sabi ng babaeng nakahawak sa kanya. "May mga bumbero na po. Maliligtas po nila ang asawa mo."

Sinakay na siya sa loob ng ambulansya. Halos hindi mapakali si Geneva. Sobrang sakit na.

"AHHHHHHHHHHHHHHH!" sigaw niya nang kumirot pa lalo ang tiyan niya.

Pagkarating sa ospital ng Jupiter ay dali-dali siyang dinala sa loob ng delivery room.

"Push!" sigaw ng doctor.

[Author's note: natawa ako sa push. Ang epal ko syet.]

"Bumibilis po ang tibok ng puso ng pasyente doc." sabi ng isang nurse.

"Kaya niya yan. Push!" sigaw muli ng doctor. Pumipikit-pikit na ang mata ni Geneva.

"Nanghihina na po ang pasyente!" sigaw ng nurse.

"KAYA NIYA YAN! TULAK PA! MALAPIT NA!" sigaw ng doctor.

Maya-maya'y may iyak ng sanggol ang narinig.

"Babae siya misis." sabi ng doctor kay Geneva. "Anong gusto mong ipangalan sa kanya?"

"S-sha..." nanghihinang bulong ni Geneva. "S-Shane.."

Dahan-dahang pumikit si Geneva.

"Doc! Ang pasyente!" sigaw ng nurse.

Maliban sa iyak ng sanggol ay maririnig sa delivery room ang isang tunog. Tunog na senyales ay patay na ang pasyente.

"Geneva Givanim. Died 10:00pm."

_______________________________________________________________________

May group na po sa facebook na 'Onneechan Readers' :D Doon niyo po makikita ang announcements kung kailan ang meet ups, ang games, ang book signings, kung kailan ang update at kung sino ang gusto ng fan signs! :D At doon ko po kayo makakausap :D Sali na!

-Onneechan

Special Section 2 (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon