Chapter 19 - Sementeryo

243K 6.9K 1.4K
                                    

SINO PO PUPUNTA SA MARKET MARKET BUKAS PARA SA POP FICTION BOOK SIGNING? KITA KITA PO TAYO :))

Hello po pala sa mga magaganda kong blockmates. Hello BSTTM Block 1 :)))

Sorry sa matagal na update. huhu.

-Onneechan

_______________________________________________________________________________

CHAPTER 19 - Sementeryo

=x=x=x ALEXANDER x=x=x=

"Okay na ba siya? Ano ba talaga nangyari?" nag-aalalang tanong ni Louisse.

"Okay naman daw sabi ng Doctor." sabi ni Ian.

"Hindi niya sinasabi kung anong nangyari eh." nakayuko kong sabi.

*FLASHBACK*

Napabalikwas ako nang may malakas na kalabog akong narinig mula sa baba.

"ALEXANDER!" agad akong tumakbo pababa nang marinig ang sigaw ni Maxwell.

Nadatnan kong nakahiga sa lapag si Maxwell. Puro dugo ang binti niya. Walang tigil sa pagdudugo.

"Anong nangyari?" natataranta kong tanong.

"SI RHIANNE!" naiiyak niyang sabi. "SI RHIANNE!"

"Oh my gosh.." rinig kong sabi ni Julia.

"Anong nangyari Maxwell?!" gulat na tanong ni Louisse.

"Gisingin niyo si Ian. DALI! Pupunta tayo ng ospital."

*End of Flashback*

Nawalan siya ng madaming dugo dahil sa kutsilyong tumusok sa binti niya. Hindi nga nahanap kung nasaan ang kutsilyo.

At simula nang dalhin namin siya dito sa ospital... hindi na siya nagsalita.

"Ano ba kasi ang nangyari? Bakit kasi nasa labas siya?!" naiinis na sabi ni Louisse. Si Julia naman ay tulog sa magkakatabing upuan sa gilid.

"Umuwi na kaya muna kayo. Ako na muna ang magbabantay kay Maxwell." sabi ko. Nagkatinginan naman sila ni Ian at sumang-ayon. Ginising na nila sa Julia at nagpaalam na sila sa akin.

Pumasok ako sa loob ng kwarto ni Maxwell. Umupo ako sa tabi niya.

Naalala ko ang tanging pangalan na paulit-ulit niyang sinasabi bago namin siya sinugod dito sa ospital.

Rhianne.

Badtrip.

Pinaglalaruan nalang yata kami ni Rhianne.

Naramdaman kong kumalam ang sikmura ko. Tumayo ako at binuksan ang pinto. Magkakape nalang muna siguro ako.

Pagkabukas ko ng pinto ay may itim na kahon sa lapag. May pulang ribbon ito at may pulang papel na nasa taas.

'Get Well Soon.'

Kanino galing 'to?

Pagkabukas ko ay isang maliit na cake ang nasa gitna. At may katabing maliit na kutsilyo.

"Alexander? Ano 'yan?" Napatingala ako.

"J-Julia. Bakit hindi ka pa nauwi?" tanong ko.

"Nagpaiwan ako." matipid niyang sagot. "Ano 'yan? Kanino galing? Penge."

"Iniwan lang dito sa tapat ng pinto." sabi ko. "Itapon natin. Baka may lason 'to."

"Pero sayang naman." nanghihinayang na sabi niya. "Mukhang wala namang lason. Kainin ko, akin na."

Kinuha niya ang cake at pinanghati ang maliit na kutsilyo na katabi nito. Inamoy niya muna bago kinain.

"See? Wala naman eh."

----------

"Hindi parin siya nagsasalita?" bulong sa akin ni Louisse. Nakapagpahinga na sila kaya bumalik na sila dito sa ospital.

"Tinititigan nga lang tayo. Palaging malungkot. Ayaw magkwento." sabi naman ni Ian.

"So.. saan na ang next na pupuntahan?" tanong ni Julia.Nakita ko namang sumimangot si Louisse.

"Ano? Iiwan natin si Maxwell dito? Hintayin muna natin siya gumaling bago pumunta sa ibang lugar sa map." sabi ni Louisse.

"Kung kikilos ng maaga ay mahahanap natin kaagad si Rhianne." mataray na sabi ni Julia.

"Tama.." mahinang sabi naman ni Ian.

"Tsk. Alexander, ano masasabi mo?" tanong niya saken.

Tama si Julia. Kung kikilos ay mahahanap agad.

"Saan susunod na pupuntahan natin?" inirapan ako ni Louisse dahil sa sinabi ko.

"Sa Sementeryo."

----------

"Bakit ka ba pumayag na pumunta tayo dun?" naiinis na bulong sa akin ni Louisse. Nasa loob na kami ng kotse at papunta na sa sementeryo. Traffic at mag-gagabi na. Si Ian ang naiwan sa ospital upang bantayan si Maxwell. Kami naman nina Louisse at Julia ang papunta sa Sementeryo.

"Tama nga kasi ang naisip ni Julia." bulong ko.

"Bakit ba feeling ko mas kinakampihan mo siya kaysa saken?" galit na bulong niya.

"Wala akong kinakampihan."

"Ako ang girlfriend mo." paalala niya sa akin.

Hinawakan ko ang kamay niya at nginitian siya, "Alam ko."

7:00pm na nang makarating kami sa sementeryo. Nasa labas palang kami ay kitang kita na namin ang kadiliman ng sementeryo.

"Paano natin malalaman kung sino ang hahanapin natin?" tanong ni Julia. Binuksan ni Louisse ang notebook ni Rhianne.

"Geneva Givanim yung nakasulat sa mismong sementeryo." sabi ni Louisse. "Tara, hanapin na natin."

_______________________________________________________________________________

Sorry po kung maikli. Huhu. Patawad.

Special Section 2 (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon