CHAPTER 22 - Bloody Clothes

232K 7K 1.8K
                                    

Hi kay Gerilyn Quiambao at Kaye Rivera :) Kaloka, sila ang dahilan kung bakit ako nag-update dahil palagi nilang pinapaalala na mag-update na daw ako :)

-Engkantadang si Onneechan ♥

_________________________________________________________________________

CHAPTER 22 - Bloody Clothes

=x=x=x MAXWELL x=x=x=

"M-Maxwell?"

Rhianne?

Nasaan ako? Bakit nakapatay ang mga ilaw?

"Paano mo nagawa saken 'to?"

May babaeng nakatayo sa harap ko. Alam kong si Rhianne 'to kahit nakaharang sa mukha niya ang nga buhok niya.

"Akala ko ba hindi mo ako iiwanan?"

Sinubukan kong magsalita ngunit walang boses na nalabas mula sa bibig ko.

"Bakit pinagpalit mo na ako?" himihikbi siya. "Bakit sumusuko ka na?"

Unti-unti siyang lumalapit sa akin. Habang lumalapit siya ay mas klaro kong nakikita ang itsura niya.

May pulang likido na dumadaloy sa damit niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Iniwan mo na ako, Maxwell." galit niyang bulong. "Hindi kita mapapatawad."

Tumalikod na siya at naglakad palayo sa akin. Hindi ako makagalaw. Pinipilit kong hatakin siya para yakapin pero hindi ko magalaw ang buong katawan ko.

'Rhianne!' sigaw ako ng sigaw pero walang boses na nalabas sa lalamunan ko.

'RHIANNE!'

"Maxwell?" naramdaman kong may humawak sa balikat ko. "Maxwell okay ka lang?"

Pagdilat ko'y una kong nakita ang mukha ni Shane.

Nananaginip nanaman pala ako. Ilang gabi ko nang napapanaginipan si Rhianne.

"Namimilipit ka kasi diyan. Pawis na pawis ka. Kaya akala ko may masakit sayo." sabi niya. Ngayon ko lang napansin na nakahiga pala siya sa tabi ko kaya napaupo ako bigla.

"Aw." daing ko.

"Bakit? Ano nangyari?" pag-aalala niya.

"Na.. Napwersa ko yung hita ko."

Tumayo na siya at nag-unat.

"S-sorry p-pala. Nakatulog ako sa tabi mo. N-Nakakahiya, baka may nurse na pumasok kanina at nakita tayo." Nakayuko niyang sabi.

"Oh, gising na pala kayo." Napatingin kaming dalawa sa pinto.

"L-Louisse." sabi ko. Di niya ako tinignan. Ano nanaman kaya ang kasalanan ko?

"Sabi ng doctor, pwede ka na daw umalis mamayang." sabi niya nang hindi nakatingin sa akin. Bumukas ulit ang pinto at pumasok si Alexander.

May binato siyang bag sa akin. "Magbihis ka na. Dali. Aalis tayo."

"Saan tayo pupunta?" tanong ni Louisse.

"May tumawag sa cellphone ko kanina, pinapapunta tayo sa Cavite." saad ni Alexander bago siya lumabas.

Masama ang kutob ko. Parang may masamang nangyari.

-------------

"Malayo pa ba tayo?" tanong ulit ni Julia. "Sa gubat na yata tayo pinapapunta eh."

"Puro ka reklamo." mataray na sabi ni Louisse.

"Shh." saway ni Ian. "Ang daming tao doon oh."

Napatingin kami sa tinuro ni Ian. Sa di kalayuan ay madaming tao. May mga kotse ng pulis at may ambulansya. Tinigil na ni Alexander ang kotse.

"Dito na ba tayo pinapapunta?" tanong ni Louisse. Tumango si Alexander at bumaba na ng kotse. Tumitibok nanaman ng mabilis ang puso ko.

Naglakad kami papunta sa maraming tao. Lahat nakatingin sa amin. Anong nangyari?

May lumapit sa aming pulis.

"Ikaw ba si Alexander Lemuel?" tanong niya. Um-oo si Alexander pero sa iba ako nakatingin.

Ano ba yung pinagkakaguluhan ng mga tao sa bangin?

"At kayo sina Louisse Pantoja at Maxwell Aguas?" tanong sa amin. Tumango kami ni Louisse.

"Ano po bang nangyayari doon?" tanong ko.

"Mas mabuting wag niyo nang makita--" hindi pa natatapos ng pulis ang sinasabi niya ay dumiretso na si Alexander papunta sa pinagkakaguluhan ng mga tao.

[Sa mga naka-computer/laptop, paki-play po ang video sa gilid, sa multimedia section. Pandagdag lang sa emotion. :D]

"Excuse po.."

"Excuse me po.."

"Makikiraan po..."

Kinakabahan ako.. Parang may masama akong makikita.

Muntik ko nang mabangga si Alexander dahil sa biglaan niyang pagtigil.

"Sht." bulong niya.

"Bakit?" kinakabahan na tanong ni Louisse. "Ano bang nangyari?"

Tumigil bigla ang pagtibok ng puso ko sa nakita ko.

"D-Detective... J-Joan..." bulong ni Ian.

"Natagpuan namin siyang duguan kaninang umaga dito mismo sa bangin kasama ang bag niya at may laman itong notebook na may mga pangalan niyong tatlo." sabi ng Pulis.

"May katabi siyang duguang mga damit." dagdag ng pulis. May pinakita siyang duguang jacket at pantalon.

T*ngina.

Pamilyar sa akin ang damit na 'yan.

"Ang dugo mula sa damit ay galing sa kaibigan niyo."

Biglang humagulgol si Louisse. Bigla akong nahirapan huminga.

"Galing kay Rhianne Cortes."

Sht.

Rhianne.

T*ngina naman Rhianne.

Ikaw yung nang-iwan eh.

"Hindi..." sabi ko. "Hindi sa kanya yan.."

Hinawakan ni Alexander ang balikat ko.

"Nagkamali lang kayo! Hindi sa kanya yan!" sigaw ko.

"Hindi pwede! Hindi pa patay si Rhianne!" Lalong lumakas ang pag-iyak ni Louisse.

Please.

Utang na loob.

Sana nananaginip lang ako.

_______________________________________________________________

Special Section 2 (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon