Epalogue lang ito :3
-Onneechan
______________________________________________________________________________
=x=x=x MAXWELL x=x=x=
Wala akong naramdaman.
Anong nangyari?
Idinilat ko ang mga mata ko. Una kong nakita ay si Shane. Nakatayo siya sa may pintuan at may hawak na baril. Sunod kong nakita ay ang tatay ni Rhianne. Nakahiga sa sahig. May tama ng baril sa ulo.
"B-Bakit.. bakit mo kami niligtas?" mahinang tanong ni Rhianne.
Hindi siya pinansin ni Shane. Nilabas niya ang cellphone niya at may dinial na number.
"Hello?" rinig naming sabi ni Shane. "Tulong! May kumidnap po sa apat na estudyante at kinulong sila sa isang lumang bahay. Puro sugatan po sila!"
Nagkatinginan kami ni Rhianne. Narinig naming sinabi ni Shane yung address bago niya binaba ang hawak niyang cellphone.
Tinignan kami ni Shane.
"Hindi mo na ako makikita Rhianne," sabi ni Shane bago tumakbo paalis.
Ilang minuto pa ay dumating na ang mga pulis.
"Si Shane... siya ang tumawag sa mga pulis..." di makapaniwalang sabi ni Ian habang pinapasok siya sa loob ng ambulansya kasama kami nina Louisse at Rhianne.
Hindi sinabi ni Rhianne sa mga pulis na kasama si Shane sa mga nangyari.
"Bakit di mo sinabi?" tanong ko nung nasa loob na kami ng ambulansya.Matagal niya akong tinitigan bago siya sumagot.
"Dahil sa kanya, buhay tayong lahat."
~~~~~
7 years later.
Kinakabahan ako.
Nakasandal ako muli sa puting pader ng ospital na 'to. Nakikita ko nanaman ang samu't saring mga tao sa loob ng ospital. Puro mga malulungkot. Puro mga naiyak.
Akala ko kalungkutan lang ang makikita sa loob ng ospital.
Hindi pala.
"Magiging okay lang siya, Maxwell. Kaya niya 'yan," nakangiting sabi ni Alexander.
"Noong ako yung nasa kalagayan ni Rhianne ngayon, akala ko hindi na ako mabubuhay eh," natatawang sabi ni Louisse.
Nakita kong parating si Ian at Julia. Bulag na ang kaliwang mata ni Ian.
Napatingin ako nang lumapit sa amin ang doctor ni Rhianne.
"Congratulations! Babae po ang anak mo!" masayang sabi sa akin ng doctor. Pumasok na ako sa loob at nakita ang asawa ko hawak ang anak namin.
"Anong gusto mong ipangalan natin?" nakangiting sabi ni Rhianne.
=x=x=x THIRD PERSON'S POV x=x=x=
15 years later.
Hindi siya mapakali. Nanginginig ang mga kamay niya habang nakatayo sa labas ng classroom.
'Paano kung hindi nila ako magustuhan?' naisip niya. Naalala niya ang sinabi sa kanya ng nanay at tatay niya. Nawala bigla ang kaba niya.
"Class! Listen," sabi ng babae na adviser ng klaseng iyon. Tumahimik ang buong classroom.
"May bagong kayong classmate. Siya ay transfer student from Makati," nakangiting sabi ng teacher. "Halika iha, pumasok ka dito."
Pumasok na siya sa loob ng classroom.
"Magpakilala ka iha," sabi ng teacher.
"A-Ako po si Maxine C. Aguas," nahihiyang sabi niya. Nakatitig sa kanya ang lahat ng nasa loob ng classroom.
"Hello Maxine! Welcome sa Special Section!"
The End.
______________________________________________________________________________
BINABASA MO ANG
Special Section 2 (Published under Pop Fiction)
Mystery / ThrillerSpecial Section book 2. Hindi mo siya mahahanap. Hindi mo siya matatakbuhan. Available in Bookstores, Convenience Stores, newsstands and online nationwide for only P175! :)