A/N
Sorry po kung late na late na po ako nakapag-update :( May pinagkaabalahan po kasi ako.
-Onneechan
______________________________________________________________________=x=x=x MAXWELL x=x=x=
Alam mo yung pakiramdam na hindi ka makahinga?
Dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso mo, sa sobrang kabang nararamdaman mo, at sa sobrang dami mong iniisip... hindi ka makahinga.
Hindi ako makahinga.
"Maxwell, huminahon ka.. Makikita rin natin si Rhianne," humihikbing sabi ni Louisse. Nanginginig ang kamay niya. Si Alexander naman ay tahimik lang sa tabi niya.
"Walang sumasagot sa cellphone ni Rhianne. Nacontact ko na ang Daddy niya.." sabi ni Louisse. "Galit na galit nga sa atin."
"Will you please calm down, Maxwell?" sabi ni Alexander. "Mahahanap natin siya. Wag ka masyadong magpanic."
Maya-maya'y may nagmamadaling pumasok sa bahay namin.
"INIWAN KO SA INYO YUNG ANAK KO. TAPOS MALALAMAN KO NA NAWAWALA SIYA?" galit na sabi ng tatay ni Rhianne. "MGA IRESPONSABLE!"
"Hindi naman po namin--" hindi na natuloy ni Louisse yung sinasabi niya dahil nagsalita nanaman ang tatay ni Rhianne.
"PINAGKATIWALAAN KO KAYO. PINAYAGAN KO KAYO NA MAGSAMA-SAMA SA IISANG BAHAY. ANG TATANGA NIYO NAMAN! BAKIT SIYA NAWALA HA?"
Tumayo bigla si Alexander.
"Una sa lahat, alam namin na tatay ka ng kaibigan namin pero wala kang karapatan na insultuhin kami kasi hindi mo naman kami pinapalamon. Pangalawa, wag kang mag-inaso na naging mabuti kang ama kay Rhianne. Galit nga sayo si Rhianne diba? Kasi tarantadong babaero ka? Kaya wag mong iparamdam samin na wala kaming kwentang kaibigan dahil kami ang nasa tabi niya kapag may problema siya. Di kagaya mo na palaging nasa tabi ng iba't iba mong babae."
Natahimik kaming apat. Walang nagtangkang magsalita. Umupo ang tatay ni Rhianne sa sofa. Dumating na ang mga pulis at sinabi na namin na nawawala si Rhianne.
Ang daming nilang pinag-uusapan nila Alexander, ang daming tinatanong ng mga pulis. Pero ako, wala akong ibang iniisip kundi si Rhianne. Umakyat ako sa kwarto niya. Sa tagal naming magkasama sa bahay, ngayon lang ako nakapasok sa kwarto niya.
Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang kulay asul niyang kwarto. Puti ang kama niya at maayos. Nakaayos din ang mga libro sa bookshelf niya. Nakakalat ang mga papel at notebook niya sa study table.
Nakita ko rin ang malawak na world map na nakadikit sa pader niya. Nakita ko na may mga pulang tuldok sa ibang bansa sa mapa. Naalala ko na sinabi niya sa akin dati na pangarap niya daw puntahan ang mga iyon.
Kinabahan nanaman ako. Rhianne, nasaan ka ba?
"Ehem.." Napatingin ako sa pinto. Yung tatay pala ni Rhianne. Pumasok siya at umupo sa kama. Tinignan niya ang bedside table ni Rhianne. Nandun yung picture ng Mama ni Rhianne. Pero wala ang picture niya.
"Mahal na mahal ko si Rhianne." Tinignan ko lang siya nang magsalita siya. Nakayuko siya.
"Hindi man ako naging mabuting tatay sa kanya, mahal ko siya."
Hindi parin ako naimik. Tumayo siya pero bago siya lumabas ay nagsalita siya.
"Kukunin ko si Rhianne kapag nakita na natin siya. Dadalhin ko na siya sa US."
"Sa tingin mo sasama siya sayo?" sabi ko.
"Anak ko siya, gagawin ko ang gusto ko para sa anak ko. Wala na kayong magagawa." Umalis na siya.
Matagal na kaming galit at naiinis sa tatay ni Rhianne. Pero ngayon, ngayon ko naramdaman ang sobrang galit sa tatay niya. Galit na galit ako sa ugali ng tatay niya. At dahil sa sinabi ng tatay ni Rhianne, may konting part sa isip ko na sana hindi muna mahanap si Rhianne. Dahil kukunin siya sa amin ng tatay niya.
Sana kami ang makahanap kay Rhianne. Nasaan ka na ba talaga Rhianne?
~*~*~*~*~*~*~*~
"Maxwell, totoo ba? Nawawala si Rhianne?"
"Louisse, nasaan si Rhianne?"
"Umalis ba siya?"
Sabi ko na nga ba ganito ang sasalubong sa amin kapag pumasok na kami. Madami ang magtatanong sa amin. Eh yung iba nga hindi naman pinapansin si Rhianne dati. Ngayon lang sila nagtanong tungkol kay Rhianne.
Iniwan ko na sila Alexander. Sila na bahala makipag-usap sa mga iyan. Puro chismis lang naman ang habol ng mga nagtatanong na 'yon eh. Hindi naman sila naging kaibigan ni Rhianne. Mga plastik.
"Ouch." may bumangga saking babae. Tinulungan ko siyang tumayo. "Sorry."
"O-okay lang.." bulong niya. Teka, kaklase yata namin 'to ah?
"Ikaw ba yung..." nag-isip ako sandali. "kaklase namin? Shane? Shane Amandy?"
Nag-nod lang siya.
"Ah. Okay. Sorry ulit ha." Umalis na ako at dumiretso sa locker ko.
Pagkabukas ko ng locker ko ay may nakita akong maliit na papel na nakadikit sa loob.
'Hindi mo na siya mahahanap.. Inagaw niya sa akin lahat...'
______________________________________________________________
BINABASA MO ANG
Special Section 2 (Published under Pop Fiction)
Mystery / ThrillerSpecial Section book 2. Hindi mo siya mahahanap. Hindi mo siya matatakbuhan. Available in Bookstores, Convenience Stores, newsstands and online nationwide for only P175! :)