#HalloweenTreat ♥
-Onneechan
______________________________________________________________________________
=x=x=x MAXWELL x=x=x=
"Shane.. wag.. please.." pagmamakaawa ko. Nakita kong may tumutulong dugo na sa leeg ni Rhianne.
Bakit nakapikit lang si Rhianne? Di niya ba pipigilan si Shane?! Bakit hinahayaan niya lang si Shane? Kabaliwan na 'to. Ang babaw ng rason ni Shane!
*Phone ringing*
(A/N: sosyal na sound effects natin dahil patapos na hahahaha)
Binitawan saglit ni Shane ang kutsilyo at sinagot ang tumatawag sa cellphone niya.
"Hello?" sabi niya. "Ha? Paanong..."
Lumabas na siya sa kwarto. Kung sino man ang kausap niya, wala na akong pakialam.
Napatingin kami sa pinto nang bumukas ito ulit. Napasimangot agad ako. Anong ginagawa niya dito?
Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Louisse. Puno ng pagtataka ang mukha niya.
"A-Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Narinig ko ang biglang pag-iyak ni Rhianne. Anong nangyayari?
"Hanggang ngayon parin ba wala parin kayong alam?" tanong niya. "Mga walang utak!"
"Hayop ka!" sigaw ni Ian "Ikaw?! Ikaw ang kasama ni Shane?"
"Paano mo nagawa 'to sa anak mo?" galit na tanong ni Louisse. Oo. Ang tatay ni Rhianne. Hindi ako makapaniwala. Paano?
Ang galing niyang umarte. Kaya pala halos hindi namin siya maramdaman. May nilabas siyang puting kandila, packaging tape, baril at kutsilyo. Umiyak lalo si Rhianne.
Naiinis ako. Hindi, nagagalit pala ako. Kinamumuhian ko siya. Anong klaseng ama siya? Kahit ampon lang si Rhianne, wala siyang karapatan na gawin sa kanya 'to.
"Bago ko paglaruan 'tong mga ito, sasagutin ko muna ang mga tanong niyo," sabi ng tatay ni Rhianne. "Paano ko nagawa 'to sa anak ko? Haha. Bakit? Anak ko ba talaga siya? Ginamit ko lang siya. Di ba kayo nagtataka? Bakit ko naman aampunin ang isang malungkuting bata noon?"
Tumawa siya bago nagsalita ulit,"Inampon ko si Rhianne dahil may gusto akong kunin mula sa kanya. You see, anak siya ni Daniel Givanim."
Lumapit siya kay Ian habang hawak ang packaging tape.
"Galit na galit ako nung namatay si Daniel. Bakit? Dahil may gusto akong kunin sa kanya. Pero namatay siya agad dahil sa isang sunog." inis na sabi ng tatay niya.
"Yun lang?" tanong ni Ian. Sinuntok bigla ng tatay ni Rhianne si Ian.
"Hindi pa ako tapos," inis na sabi niya. "Dahil namatay siya agad, hindi ko na alam kung nasaan yung hinahanap ko. Hindi ko na alam kung nasaan yung gusto kong kunin sa kanya. Tinago niya na agad. Walang hiya!"
Tinape niya bigla yung bibig ni Ian.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko. Di niya ako pinansin. Sinindihan niya yung puting kandila.
"Akala ko hindi ko na makikita yung gusto kong kunin kay Daniel. Pero I was wrong. Nalaman ko na yung asawa niya pala ay sinugod sa ospital noong nangyari ang sunog. Kaso nabigo ako dahil namatay daw siya dahil sa panganganak." sabi niya habang nakatitig sa kandila. "Susuko na dapat ako. Ilang taon ang lumipas. Nalaman ko na buhay ang anak ni Daniel. Nalaman ko na nasa bahay ampunan siya. Kaya inampon ko ang bata. At si Rhianne yon."
Hinawakan niya ang kandila at lumapit muli kay Ian.
"Hindi na ako susuko. Sabihin mo na Rhianne kung nasaan," dugtong niya. Tinulak niya si Ian kaya natumba ito. Tinapakan niya sa dibdib si Ian at itinapat ang kandila tenga nito.
"Nababaliw ka na ba?!" sigaw bigla ni Louisse. "Itigil mo 'yan!"
"NASAAN?" sigaw ng tatay ni Rhianne habag nakatitig ito kay Rhianne. "SAAN NIYA TINAGO?!"
Iyak ng iyak si Rhianne. "Hindi ko alam! Wala akong alam!"
"G*go ka ba?! Paano niya malalaman 'yon? Hindi pa nga siya pinapanganak nung namatay tatay niya! Baliw ka ba?" galit kong sabi.
"WAG KANG MANGIELAM!" sigaw niya sa akin. Nagpupumiglas na si Ian. Pumapatak ang wax ng kandila sa tenga niya. Pumapasok ang mainit na wax nito sa loob ng tenga niya.
"Hindi ko talaga alam! Please! Itigil mo na yan!" naiiyak na sabi ni Rhianne. Itinapat ng tatay ni Rhianne yung kandila sa mata ni Ian. Nagpumiglas lalo si Ian nang pumatak ang mainit na wax ng kandila sa mata nito.
"Hindi ka ba nakikinig! Hindi nga alam ni Rhianne!" sigaw ni Louisse. Rinig na rinig ang sigaw ni Ian kahit nakatape ang bibig niya.
"HINDI KO TALAGA ALAM!" sigaw ni Rhianne. "PLEASE.. DADDY.. MAAWA KA. ITIGIL MO NA YAN.."
Binitawan na ng tatay ni Rhianne yung kandila. Umiiyak na rin si Louisse. Puno ng wax ng kandila yung kaliwang mata ni Ian. Kitang kita ko ang pagpatak ng mga luha nito sa kanang mata niya.
Hawak na ngayon ng tatay ni Rhianne ang kutsilyo. Lumapit ito kay Louisse.
"Anong gagawin mo?" tanong ko. "G*go ka. Anong gagawin mo kay Louisse?!"
Hinawakan niya ng mahigpit yung panga ni Louisse at pinilit itong ibinuka ang bibig. Pinasok niya yung blade ng hawak niyang kutsilyo sa loob ng bibig ni Louisse.
Shit.
"Wag!" nakakabinging sigaw ni Rhianne. Nagpupumiglas si Louisse pero hindi siya makagalaw dahil tinapakan ng tatay ni Rhianne yung binti nitong binaril ni Shane kanina.
"Inuulit ko, Rhianne. Saan niya tinago?" tanong ng tatay ni Rhianne.
"Hindi ko talaga alam..." iyak ng iyak si Rhianne. "Maniwala ka saken. Hindi ko talaga alam."
"Okay," matipid na sabi ng tatay niya.
Hinawakan niya ng mahigpit ang kutsilyo at hiniwa ang bibig ni Louisse. Nakakabinging sigaw ni Louisse at Rhianne ang bumalot sa kwarto. Shit. Hinihiwa niya ang bibig ni Louisse. Papunta sa kaliwang pisngi ni Louisse ang matulis na kutsilyong hawak niya.
"AKO NALANG!" sigaw ko. "Ako nalang saktan mo."
Tumingin sa akin si Rhianne.
"Wag. Wag Maxwell," mahinang bulong ni Rhianne. Ngumiti yung tatay niya. Binitawan nito ang hawak niyang kutsilyo at kinuha ang baril.
Lumapit siya sa akin at itinutok niya ang baril sa noo ko.
"Wag!" rinig kong sigaw ni Rhianne.
"Huling tanong ko na 'to, Rhianne. Nasaan?" tanong niya ulit.
Tumingin ako kay Rhianne. Alam kong ito na ang huling makikita ko siya. Alam kong hindi magdadalawang isip ang tatay niya na patayin ako.
"Hindi... ko talaga alam..." nanghihinang sabi ni Rhianne.
Pinikit ko na ang mga mata ko.
"Okay," malamig na sabi ng tatay niya.
Wala nakong iba pang narinig kundi ang putok ng isang baril.
______________________________________________________________________________
Kaloka. May Epilogue pa :)
-Onneechan
BINABASA MO ANG
Special Section 2 (Published under Pop Fiction)
Mystery / ThrillerSpecial Section book 2. Hindi mo siya mahahanap. Hindi mo siya matatakbuhan. Available in Bookstores, Convenience Stores, newsstands and online nationwide for only P175! :)