Chapter 28

219K 6.6K 2.5K
                                    

Ini-invite ko po kayo sa book signing ko kasama ang iba pang Pop Fiction Authors sa nalalapit na Manila International Book Fair :) Magkita-kita po tayo sa September 20, 1pm, at SMX Convention Center, MOA Complex :D P20 lang ang entrance fee! May give aways pako! :D

Sorry po pala kung hindi ako nakakareply sa messages nyo at sa posts nyo sa profile ko, minsan nalang kasi po talaga ako nakakapag-open :(

-Onneechan

__________________________________________________________________________

CHAPTER 28

=x=x=x LOUISSE x=x=x=

"Saan mo 'to nakuha?!" tanong saken ni Alexander.

"Nakalagay lang dito sa kama ko. Hindi ko alam kung paano." mahina kong sabi. Si Shane kaya may gawa nito? Paano siya nakakapunta dito?

"Diba nabuksan na natin yung ganitong envelope dati?" tanong ko. Nabuksan namin yon. Tandang-tanda ko pa.

"Nabuksan ba naten?" nagtatakang tanong ni Alexander. "Alam ko, tumanggi si Rhianne na buksan ang envelope."

[ A/N: Sa published book kasi ng Special Section 1 ay hindi binuksan ang sobre :) ]

"Ano ba 'yan?" nagtatakang tanong ni Ian.

"Itong envelope na ito ay nakita na namin dati." sabi ko.

"Buksan na natin!" sabi ni Julia. Mukhang naintriga siya.

"Napakachismosa talaga nitong babaeng 'to." mahina kong bulong pero sapat na marinig nila. Umupo kami sa kama ko. Hawak ni Alexander ang sobre.

"Buksan mo na." sabi ko. Tinignan niya muna kami bago niya dahan-dahang binuksan ang envelope.

Dahan-dahan niyang binuksan ang envelope. May puting papel sa loob. Nilabas nya ito at matagal na tinitigan.

"Ano? Anong nakasulat?" tanong ni Ian at Julia. Hindi maipinta ang expression ng mukha ni Alexander. Parang naguguluhan na nakasimangot. Anong nakasulat?

Inabot niya sa akin ang papel. "Basahin mo nga ng malakas."

Kinuha ko ang papel.

"The dead is alive. And the living must die. Je suis en vie. I am not dead. But who say's that I can't kill someone? Fail to find me and you'll never see her again."

Nanginginig ang mga kamay ko.

Matagal nang tapos 'to diba?

Bakit sinusundan parin kami ng nakaraan?

Anong kinalaman nito kay Rhianne?

=x=x=x ALEXANDER x=x=x=

"Nahihilo nako sayo Alexander. Wag ka ngang palakad-lakad," angal ni Julia.

Hindi ako mapakali. Paano nga na nakuha ni Rhianne yung ganitong envelope dati?

"May sinabi ba si Rhianne saten kung paano niya nakuha yung kagaya ng envelope na 'to dati?" tanong ni Louisse.

"Nakalimutan ko na," mahinang sabi ni Maxwell.

"Ibig sabihin ba nito ay dati palang, may nagtatangka nang pumatay kay Rhianne?" tanong ni Ian. Umupo ako ulit.

"Louisse.." nagtinginan sila sa akin. "Naalala ko lang ay sinabi ni Rhianne noon na natanggap lang nya ang envelope. Nakita lang niya yata sa bag niya. May naglagay yata doon."

"Ang tanong ay kung sino ang naglagay." sabi ni Louisse. Nilabas niya ang notebook ni Rhianne. "Bakit ba kasi yung mapa lang ang nakasulat dito sa notebook?"

Natahimik kami sandali. Ano nang susunod na gagawin namin? Hahanapin ba namin si Shane para mas makilala si Rhianne? O hahanapin na namin si Rhianne dahil baka may mangyari nang masama sa kanya?

"Guys," napatingin kami kay Julia. "Alam niyo ba yung invisible ink pen?"

Napataas kilay ko. "Bakit?"

"Diba kapag pinangsulat mo 'yon, hindi mo makikita kung ano yung sinulat mo pero kapag inilawan ng UV light ay magiging visible siya." dire-diretsong sabi ni Julia.

"So... you're point is..?" tanong ni Louisse na nagtataka parin. Tumakbo palabas ng kwarto si Julia at bumalik na may hawak na maliit na parang ballpen.

"Eto yun oh." sabi niya.

"So?" mataray na tanong ni Louisse. "Meron rin ako niyan dati--"

"Ugh." Hinablot ni Julia yung notebook ni Rhianne at pinatay ang ilaw. Pinindot niya yung ballpen at bigla itong umilaw. Tinapat niya ito sa first page ng notebook.

"See?" maangas niyang sabi. "I'm so great talaga!"

"Oh my God," pabulong na sabi ni Louisse.

"Ang galing mo Julia!" masayang sabi ni Ian. Kinuha ko yung notebook kay Julia at yung umiilaw na ballpen.

"Ready?" tanong ko sa kanila. Nag-nod sila.

=x=x=x RHIANNE x=x=x=

Hindi nako makahinga.

"Mahahanap ka kaya nila Rhianne?" natatawang sabi niya.

"Bakit nga ba kita tinatawag na Rhianne?" tumawa nanaman siya. "Eh hindi naman talaga Rhianne ang pangalan mo."

Lumapit siya sa akin at sinampal ako. Ang sakit na ng mga kamay kong nakakadena. Tumulo nanaman ang mga luha ko.

"Mang-aagaw ka talaga. Ang daming naghahanap sayo. Samantalang ako, kinalimutan. Iniwan." Sinampal nanaman niya ako nang malakas. "Dapat mamatay ka na."

=x=x=x MAXWELL x=x=x=

"Shit." napahawak sa bibig niya si Louisse. "Hindi si Rhianne ang nagsulat niyan. Impossible."

Napapikit ako.

Bakit sa isang iglap ay hindi ko na kilala ang Rhianne na matagal na naming nakasama?

"Kailangan na natin talaga mahanap si Shane," tumayo na bigla si Alexander.

_______________________________________________________________________________

Comment po sa baba ang mga pupunta sa book signing :D May give aways akooo :)

Comment rin your questions below dahil gagawa ako ng FAQs (Frequently Asked Questions) Part II. ;)

-Onneechan

Special Section 2 (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon